W H A 13

305 15 0
                                    

"Nasaan na tayo?"

Ilang minuto pa kaming nagpalakad-lakad at mukhang nakalayo na rin kami sa gitna ng bayan. Mula dito, kita ko na ang dulo na bakod kaya alam kong malapit na kami sa labas.

I smiled at the thought.

Medyo kaunti na ang building dito pero may mga open spaces na sementado. Mukhang abandonadong lote dahil may nakatayo pang iilang unfinished building. Pagkatapos nito ay magubat na ulit ang kasunod.

"Nasa Alpaca. Nasa lugar na tayo ng mga trabahador ng Safe." The man answered. Mukhang maalam siya sa lugar na 'to, kaya posibleng matulungan niya kami sa daan namin palabas. If ever man maligaw kami, makakatulong siya.

I roamed my eyes around the place to observe and look for any signs of danger. They say that silence follows danger, so maybe, there is. We just have to be cautious.

Nararamdaman ko nang kumukulo ang tiyan ko dahil hindi ko alam kung kailan ang huling kain ko. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko na naaalala ang pagkain ko. Parang kada-oras kasi, may sumusugod sa'ming kalaban kaya wala akong choice kundi isantabi ang pagkain.

"Ito, tubig. Mukhang uhaw na uhaw ka na, 'e." I looked at Nate when he handed me a water. A smile plastered on my lips before thanking him. "You want snacks?"

"Hindi na, pero salamat." I raised the bottle and chuckled nonchalantly. He just nods his head and gives me a times up.

"Kapag may kailangan ka pa, sabihin mo lang." He even glanced at my shoulder but immediately look away.

Nang matapos uminom, kaagad kong tinapon ang bote sa gilid ng kalsada. Hindi ko na rin naman 'yun magagamit kaya ano pang silbi na idala pa siya.

"May nakikita akong sasakyan malapit." I glanced at Rehan when he suddenly talked.

Sumunod ko namang tiningnan ang sinasabi niyang sasakyan at gan'on na lang ang panlalaki ng mata ko nang may makitang bus hindi kalayuan mula sa'min!

Nabuhayan ako ng loob dahil do'n. If we used that bus, it won't be difficult for us to reach the end of this city. It won't be hard for us to escape the Safe.

"Stay here. Ic-check lang namin kung ligtas na sakyan ang sasakyan na 'to." No one answered but no one defied Rehan's word too. "Nate..."

The two seems having an eye-to-eye conversation. Nate nods his head and told the two to be careful. Hindi na sila nag-aksaya ng panahon at kaagad na umalis. Anim na lang kaming nakatayo habang pinapanood silang tumakbo palapit sa bus.

"Ayos ka lang, mahal?"

My eyes dropped on the couple. Nakaakbay na lang ang babae sa lalaki habang ang lalaki naman ay pilit siyang pinapatayo at tinitingnan ang mukha. Tinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdan silang mag-asawa.

Bakas ang pangamba sa mukha ng anak nila na noon ay nasa tabi ng lola niya habang nakayakap naman ang matanda sa kaniyang apo. Lahat kami ay nakatingin sa kanila maliban kay Nate na abala sa pagmamasid sa paligid.

"O-Oo..." Kumunot ang noo ko dahil parang nanghihina na ang babae. Bakit hindi niya muna paupuin ang asawa niya? She looks pitiful in that state. "Hindi pa ba...tayo a-aalis?"

"May inaayos pa sila, pero mamayaya din ay aalis na tayo. Makakalabas tayo sa lugar na 'to, 'di ba? Maniwala ka sa'kin."

Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko nang hindi na sumagot ang babae. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok sa harapan niya kaya natatakpan ang mukha niya. Nakasandal siya sa balikat ng asawa at kitang-kita ang panghihina.

Pero kanina lang, hindi naman siya ganiyan? May sakit ba siya?

Or posible kayang...

Nanlaki ang mata ko nang may ma-realize. Ang virus na lumalaganap ay may kakayahang pahinaan ang system ng host hanggang sa unti-unti itong mawala sa katinuan.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now