W H A 02

412 15 0
                                    

"Anong nangyari?"

Nagkatinginan kaming lahat nang biglang mawala ang mapa namin at maging gray ang screen. Mukhang pare-pareho kaming walang alam pero alam kong may kaugnayan ang naganap na pagsabog.

"Sa tingin ko, sumabog ang tower." Baka ang tinutukoy niyang tower ay 'yung nagbibigay ng kuryente dito sa buong lugar.

Paano na 'to?

Hindi pa namin nakikita ang mga makakasalubong namin sa daan!

Hindi ko pa nga malinaw na nakikita ang daan palabas! Mukhang nauubusan na ng pag-asa ang mga kasamahan ko.

No one knows what we'll face in the future. No one know what we are going to face as we trailed of there. 

One thing for sure now is we're clueless again.

"Hindi na tayo puwedeng magtagal dito kasi baka abutan tayo ng gabi, mas delikado ang daan."

Azi is right. Hindi ko alam kung mas nagiging aggressive ba ang mga zombie sa gabi pero mukhang oo dahil sa reaksiyon nila. Mas lalo naman akong kinabahan dahil do'n.

Alam kong ilang oras na lang, lulubog na ang araw.

Naunang lumabas sa pinagtataguan namin si Aziel para tingnan kung may umaaligid bang zombie pero nang makumpirmang wala, kaagad siyang sumenyas sa'min. Dahan-dahan kaming tumayo mula sa pinagkakataguan.

Magulo na naman ang lahat.

Ang kaninang maayos lang na pamayanan, muling nagulo. May nakikita pa akong iilang bangkay ng tao paligid.

Wala pa mang isang oras, ganito na kaagad ang nangyari. Karamihan sa mga bangkay na 'yun ay kulang-kulang na ang parte ng katawan kaya umiwas ako ng tingin.

I gripped my katana tighter before following them when they started walking away. Slowly, but surely.

May nakikita pa rin akong iilang nagtatakbuhang mga tao pero nahuhuli sila ng mga runners. Napapapitlag na lang ako kapag bigla na lang makakarinig ng sigaw na nagmamakaawa.

Riggs shoot the single zombie who's about to approach us. Kaagad naman itong tumumba at nawalan ng malay kaya nagpatuloy kami.

Mas bulok na ang katawan nito dahil na rin siguro sa sobrang tagal na nilang infected, 'yun na rin siguro ang dahilan kaya mabilis lang silang mapatay.

I kicked the zombie's body lightly and I almost screech when the hand pull off from its body! I covered my nose when it releases a disturbing smell.

Amoy patay na daga.

Umiwas lang ako ng tingin at bumaling sa mga kasamahan ko na noon ay patuloy lang sa paglalakad. Nasa harapan sina Riggs at Aziel para protektahan kami sakaling may sumugod.

Kami naman ni Beal ang nasa likod dahil baka mamaya ay may umatake mula dito. Si Finlay naman ang nasa gitna dahil sa'min, siya lang ang walang armas, maliban sa tablet niya na patuloy niya pa ring inaayos.

"May paparating."

Hinigpitan ko ang hawak ko sa katana nang makitang may zombie na papalapit sa puwesto namin mula sa likod.

Dalawa sa likod at tatlo sa harap.

Sinubukang barilin ni Beal ang isa pero mabilis lang itong nakailag. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na iilag sila!

At ang mas nakakatakot pa ay mabibilis ito!

Para silang aso na tumatakbo dahil ginagamit din nila ang dalawang kamay nila sa lupa.

My gripped on katana tightened. I see Beal reloaded her gun but I know that range weapon are no use to them. I bit my lips when a thought crossed my mind.

"Susugod ako sa kanila at habang distracted sila sa'kin, saka mo sila barilin."

Naririnig ko din ang pagbaril ng mga lalaki sa harapan namin at naiingayan ako. Hindi na ako magtataka na naka-attract 'yun ng iba pa.

"Ano? Delikado ang gagawin mo! Paano kung ikaw ang matamaan ko?"

I watched how the two mobs gets closer to us which added up the pressure in me. I bit my lower lip and release a frustrating sigh. I looked at her intently.

"I believe in you."

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at kaagad na sumugod. Narinig ko pa ang pagsigaw niya sa'kin na bumalik ako pero hindi na ako nakinig.

Nanlaki ang mata ko nang tumalon ang isa sa kanila papunta sa'kin. Kaagad naman akong lumuhod at binaliko ang katawan patalikod saka hiniwa ang tiyan nito. He growled in pain.

Nakarinig naman kaagad ako ng isang putok ng baril kaya napangisi ako.

Gumulong ako saka tumayo at kaagad namang sinugod ang isa pa. His eyes glared at me before attacking. I immediately think of an idea what to do.

Umikot ako kaya nalampasan niya ako pero kaagad naman siyang bumalik at umatake. Muli akong umikot at sinubukang hiwain siya.

Another growl came out from its mouth but that doesn't stop him from attacking me.

Sinugod ko din siya at nang makalapit, kaagad kong itinarak sa ulo niya ang katana. Nang lumubog ito, kaagad kong hinugot kaya bumulwak ang dugo niya. Hindi ko na hinintay ang muli niyang pag-atake at kaagad na pinutol ang ulo nito.

I released a sigh before wiping the sweats forming on my forehead. Hinakbangan ko 'yung katawan niya saka bumalik sa mga kasamahan ko.

Azi is darting a glare at me because of what I did but I ignored him. It's no use, duh! Nangyari na ang dapat mangyari, kung makatingin siya, akala mo naman napahamak ako.

"We have to get going. Hindi malabong may sumunod na naman sa kanila." Nangibabaw ang boses ni Riggs sa pagitan namin kaya pareho kaming nag-iwas ng tingin.

Muli kaming nagsimulang maglakad palayo sa lugar. Ang kulay kahel na langit ay nakadagdag sa kilabot na nararamdaman ko sa paligid. Mas malalang nilalang ang nakapalibot sa'min kumpara no'ng nasa labas pa kami.

Ilang minuto pa kaming nagpalakad-lakad sa lugar bago kami makarinig ng mga kakaibang tunog. Parang may umuugong na kung ano kaya nagsalitan kami ng tingin lahat.

Lumunok ako ng laway nang makita ang iba't ibang uri ng ekspresyon sa mga mata nila. Umiwas ako ng tingin dahil mukhang alam ko na ang nangyayari dahil sa pinapakita nilang emosyon.

"Nandito na tayo sa unang wave."

Weeks AfterWhere stories live. Discover now