W A 19

447 19 1
                                    

[W E E K S  A F T E R  XIX]

"What the fuck, Kimberley!"

Dumusmo ako sa sahig kaya napasigaw ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkakahampas sa'kin. Para akong binato sa sobrang lakas! Namanhid ang katawan ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mukha ko.

Ang sakit, putangina!

"Tumayo ka na, bilis." Inalalayan ako ni Aziel na tumayo. Ramdam ko ang hapdi ng tuhod, pisngi, at siko ko na malamang ay nagasgas dahil sa tanginang humampas sa'kin. "Shit, shit, shit."

Kung ano-ano pang mura ang narinig ko sa kaniya bago ako tuluyang makatayo. Sumama ang timpla ng mukha ko at tiningnan kung ano ang tumama sa'kin.

Gan'on na lang ang gulat ko nang may makitang isang zombie na nakatayo sa malayo!

Kulay abo ang kulay nito at kalbo. Parang tunaw na tao lang siya kung titingnan sa malayo. Even from afar, I can see his crimson eyes that is darting towards us. Nakalabas ang ribs nito at wala ng puso pero nagagawa niya pa ring mabuhay.

Bumaba naman ang tingin ko sa braso niya at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang para 'yung tentacles sa sobrang lambot. 'Yun marahil ang tumama sa'kin kanina kaya ako tumalsik. Sa tingin ko, humahaba 'yun.

"Yuko!"

Yumuko kami nang biglang humaba ang kamay nito at tumama sa direksyon namin. Aziel grabbed the katana and immediately cut the tentacles.

The monster created a weird sound. Para 'yung tunog ng paniki na nasaktan, and not gonna lie, that's the most deafening sound!

Not long after Aziel cut his tentacle, it regenerated. That thing didn't shock me at all, but it worried me. How can we kill a regenerative monster?

Kapag pinutol namin ang katawan nito, muli lang itong mabubuo. This is way too far from the apocalypse I imagined! Akala ko, mga normal na zombie lang ang makakalaban namin!

I underestimated that organization. Malamang, nando'n ang pinaka-magaling na scientist sa iba't ibang branch ng science. Hindi sila matatahimik hangga't hindi nila nakukuha ang buong mundo.

Humiwalay ako sa kaniya at dinampot ang isa pang katana. Ngayon ay dalawang galamay niya na ang sumugod sa'min.

I immediately avoided it and tried to cut. The monster release that annoying sound again. Mas nakakarindi ang boses nito kumpara sa iba. Kapag ininat niya ang galamay niya ay matigas pero kaya namang putulin.

Naghiwalay kami ni Aziel ng direksyon para maligaw ang galamay niya. Mabilis naman kami nitong sinundan. Binilisan ko ang pagtakbo ko sa paligid niya para hindi ako nito mahabol.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may isa na namang galamay na lumabas sa katawan niya at ako ang hinabol nito!

Kung ano-anong mura na ang lumabas sa bibig ko habang tinatakasan ang isang 'to.

"Kim! Palitan tayo ng puwesto!"

Nakuha ko naman ang plano niya kaya nagsalubong kaming nagdalawa. Ilang minutong habulan pa ang nangyari bago pumulupot ang mga galamay niya sa isa't isa.

"'Yung ulo ang putulin mo!"

Tinakbo ni Aziel ang mga galamay. Ginawa niya 'yung tulay para makarating sa uluhan ng zombie.

Sinaksak niya ang ulo nito at nang hugutin niya, saka niya naman pinutol. Bumulwak ang kakaibang kulay purple na dugo nito sa leeg niya.

Hindi na muling bumalik sa dati ang galamay niya at para 'yung ugat na namatay at unti-unting bumagsak sa lupa. Naglakad ako papalapit do'n at nakitang unti-unting naging itim ang dating kulay abo nitong anyo.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now