W H A 06

335 14 0
                                    

"Kailangan na nating umalis kaagad."

"Hindi pa siya nagigising."

"Gisingin mo!"

"Nasisiraan ka na ba ng bait?"

I groaned to let them know that someone is sleeping. I can't sleep because they keep chatting! Don't they know how tired I am?

"Hoy, gumising ka na diyan. Kailangan na nating umalis! Kung gusto mong maging umagahan ng mga zombie, ako hindi!"

Irita akong bumangon mula sa kinahihigaan at sinamaan ng tingin kung sino man ang nambubulabog sa'kin.

Pero nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino man ang nagsalita.

I can't be wrong.

I can't be dreaming!

"Laelyn!"

Dali-dali akong bumangon pero napabalik din nang maramdamang sumakit ang ulo ko. May nag-abot ng tubig sa'kin at kaagad ko naman itong tinanggap ng walang pag-aalinlangan.

"Akala ko kung ano nang nangyari sa inyo!"

Laelyn's here! Isa din ba siya sa mga naloko ng mga gunggong na nagsabing quarantine ito at ligtas na? Saan na sina Rehan at Nate?

"Akala ko nga patay ka na." Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay dahil sa reaksyon ko.

Wala pa rin siyang pinagbago. Masungit pa din siya! Bagay sila ni Azi! Pareho silang masama ang ugali!

Speaking of Azi, nasaan na kaya sila ngayon?

"Bumangon ka na. Ilang sandali na lang, maaamoy na tayo ng mga zombie." Bumaling naman sa lalaking at nagsalita. Gan'on din ang panlalaki ng mata ko nang makita si Rehan!

Ngumiti siya sa'kin nang makita ang reaksyon ko. Lumibot naman ang mata ko sa paligid, may hinahanap na isang tao.

"Nasa'n si Nate?"

Katahimikan ang sumunod na namayani matapos ang tanong ko. Pareho silang umiwas ng tingin sa'kin  kaya kumunot ang noo ko, nagtataka at kinakabahan.

"Lumabas siya sa building ilang minuto bago ang pagsabog na naganap. Napahiwalay siya sa'min matapos magpanic ang mga tao. Ngayon, umaasa na lang kami na makakasalubong namin siya habang naghahanap kami ng daan palabas." Napahawak na lang ako sa noo ko nang dahil sa sinabi ni Rehan.

Dati, ako ang napahiwalay, ngayon naman si Nate. Saan naman namin hahanapin ang lalaking 'yun?

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay maniwala na ligtas siya kung nasaan man siya naroroon.

"Tara n----,"

Napahinto sa pagsasalita si Laelyn nang biglang lumagabog ang pintuan. Nanlaki ang mata ko at otomatikong napatayo mula sa kinahihigaan.

Nakarinig ako ng mahihinang mura mula kay Laelyn dahil sa palakas nang palakas na tunog na nanggagaling sa pintuan. Napalunok na lang ako ng laway habang tinititigan ang pintuan.

Napalingon naman ako sa ilalim ng higaan ko at nakita ang katana ko kaya dali-dali ko 'yung kinuha.

Sa tingin ko, nasa loob kami ng isang maliit na bodega sa rooftop kung saan ako inatake ng Night Vog. Makapal na yero lang kasi ang humaharang sa'min. Pati ang pintuan, yero din, kaya kapag tumunog 'yun, siguradong makaka-attract talaga ng mga zombie.

"Kailangan na nating makalabas bago pa sila tuluyang makapasok." Nakita kong kumilos si Laelyn pero parang hindi na ata ako makakilos. "Padaan ako, bata."

Tumabi na lang ako at hindi na pinansin ang sarkasmo niya. May hinila siyang isang box na mukhang papatungan namin para makalabas sa taas. Tinapik-tapik niya 'yun saka niya ako sinenyasan na mauna na.

"Umakyat ka na. Hindi ka hihintayin ng mga hayop na 'yan." Dali-dali akong umakyat sa box at tinulak ang isang trapdoor sa bubong.

Kaagad pumasok ang liwanag na nagmumula sa labas kaya medyo napapikit ako dahil sa silaw. Dahan-dahan kong nilapag ang trapdoor saka maingat ding umakyat para hindi makakuha ng atensiyon.

Nang tuluyang maka-akyat, tiningnan ko ang baba at mas lalong nanlaki ang mata ko nang may makitang apat na zombie na umaaligid sa pintuan at patuloy 'yung dinadamba. I gulped and when I looked back at them, Laelyn is manually climbing too.

May hawak siyang handgun sa kamay niya pero parang wala lang sa kaniya ang pag-akyat. Sumunod naman sa kaniya si Rehan na noon ay may dalang malaking baril hindi ko alam kung ano ang tawag, pero parang machine gun.

"Paano tayo bababa niyan? Makikita't makikita nila tayo." Problemadong anas ko. Narinig ko naman ang pagsinghal ni Laelyn kaya napalingon ako sa kaniya.

"Tatakbo tayo."

Na naman?!

Napapagod na ako! Kahit pa nakapag-pahinga na ako, medyo nakakaramdam pa din ako ng pagod 'no! Saka medyo masakit pa ang paa ko.

"Pagbilang ko ng tatlo, tatalon tayo ng sabay-sabay diyan. Tumakbo kaagad kayo," Lumingon siya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin. "At 'wag patanga-tanga."

I could never.

Char.

"Isa..."

I heaved a sigh as I stared back at the zombies.

"Dalawa..."

Malapit na nilang magiba ang pintuan. Palakas nang palakas ang ingay na ginagawa nila.

"Tatlo..."

Kasabay ng tatlo ay ang pagkawasak ng pintuan kaya tuluyang nakapasok ang mga zombie sa loob.

"Takbo!"

Without wasting any second, we jumped in unison. Sabay-sabay kaming bumagsak sa sahig at paglingon namin, saka naman sumigaw ang mga 'yun.

Before they could even exit the room, we immediately ran away. Mukhang nagkamali ako sa part na ito 'yung building kung saan ko kinalaban ang Night Vog. Mas mataas 'to!

Nakita ko ang helipad at may nakatayong limang zombie do'n na nakasuot pang-army. Napatingin sila sa'min kaya nanlaki ang mga mata ko nang bigla silang sumugod!

Mas binilisan ko ang takbo ko dahil do'n. Nasa likod ako nina Laelyn at Rehan at silang dalawa ang bumabaril sa limang zombie na papalapit. All of them fall on the ground because of the impact.

I tried not to look back but my system is a bitch!

Nang lumingon ako, nadagdagan ang humahabol sa'min! Sobrang nakabuka ang mga bibig nila habang mabilis ding tumatakbo papalapit sa'min!

What the fuck na buhay!

May lumabas pa na iilan mula sa mga mukhang bodega din at sumama sila sa mga zombie na humahabol sa'min. Nakaka-putangina talaga!

"Tatalon tayo!"

Lumuwa ang mata ko dahil sa narinig. Nilibot ko ang mata ko sa paligid at nakita kung gaano kami kataas!

Mamamatay ako kapag hindi ko inayos!

Napapikit na lang ako at napakagat sa labi, tahimik na nananalangin para sa buhay ko. Humigpit ang hawak ko sa katana habang palapit nang palapit ang dulo ng building.

Palapit na din nang palapit ang mga zombie.

Lumunok ako ng laway at mas binilisan pa ang takbo para hindi ako maabutan.

"'Wag kayong lilingon sa likod!"

Naunang tumalon si Laelyn. She opened her arms but I didn't get to see how she landed. Sumunod naman si Rehan.

Bumuga ako ng hangin at kinalma ang sarili.

Kaya ko 'to.

I sprinted and when I reached the edge, I jumped. Kusang pumikit ang mata ko habang pinakikiramdaman ang hangin.

Wala akong marinig na iba.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now