W H A 11

311 15 0
                                    

"Kaya ko."

Hindi ko pinansin ang pag-aalala sa mukha nila at muling tumayo. Bahagya pang umikot ang paningin ko nang tuluyang makatayo pero pinagsawalang bahala ko na lang 'yun.

"Malala na ang lagay ng katawan mo. Ilang beses ka na bang nabugbog?" Sumunod na tumayo si Rehan sa'kin at sinamaan ako ng tingin.

"Masokista ako, 'e, pero so what." Umirap ako at umiwas ng tingin. I heaved a sigh as I tried to hide the pain I am feeling. "Kailangan na nating kumilos bago pa tayo maabutan ng iba pang zombie dito."

Nakakapagtaka lang ang zombie na 'yun na nakalaban namin. If I am not wrong, Laelyn said that the eye of the one who's eyeing is color crimson. Pero 'yung mata nitong nakalaban namin ay parang apoy na kumikislap.

Is there any possibility that the mob we encountered different from the entity who's spying us?

Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman kong may nakamasid sa'kin. Nilibot ko ang paningin ko, umaasang makikita ko kung sino pero napatigil ang mata ko sa isang lugar.

Sa second floor ng isang building katabi namin.

There's a human-like silhouette standing. Literal na tumayo ang balahibo ko nang makita kung paano kumislap ang mata nito.

That crimson eyes.

"Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo." Napabalik ang tingin ko sa kanilang dalawa. I blinked multiple times before looking at the building again. The shadow is now gone. "Anong meron do'n?"

Umiling lang ako. I can't be wrong. I am not just imagining things, right? I can't be paranoid. Hindi pa naman siguro ako tinatakasan ng bait sa katawan?

Is this side effect of the virus?

There are so many questions playing inside my mind but I chose to dismissed it all. Masyado akong maraming dapat alalahanin at ang mga matang 'yun ay hindi na dapat kasama.

We started our way again. Nasa kalahati na kami ng siyudad, ngayon pa ba kami titigil? 

The two is still looking at me as if I am a difficult puzzle, or a code that is so hard to decipher. I mentally rolled my eyes and refuse to say a word.

The light touches our skin and it gives a light mood within me. As if nothing happened. As if I am not aware that I'll turn into monster sooner or later. Maybe on my way out of the city, I'll be one of those mobs who hungers for human flesh.

"Kapag naging zombie ba ako...papatayin niyo din ako?"

I can't help but to wonder what will they do after I lost myself. I just wanted to know if they will treat me as a monster too, and kill me like how they do with others.

They went silent because of my question. Patuloy lang kami sa paglalakad habang dinadama ang katahimikan at pag-iisa ng paligid.

Ilang zombies na ba ang nalagpasan namin na magkakasama? Madami na din kaming pinagsamahan. Mahihirapan kaya silang tapusin ako, dahil kaibigan nila ako?

Maaabutan ko pa kaya si Nate? Anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang mamamatay na ako?

Magiging masaya ba si Mama na kahit papaano, alam niyang lumaban ako? Na hindi lang ako 'yung anak niyang palamunin at reklamadora kapag walang ulam?

"Oo naman, bakit hindi?"

I flashed a small smile because of Laelyn's answer. Yumuko ako at bahagyang sinipa ang maliit na bato na nasa paanan ko. I felt relieved, and pained at the same time.

"Hindi na ikaw 'yun, kaya ano pang silbi na manatili ka? Magiging dagdag ka lang sa mga kalaban---,"

"Laelyn." Rehan's threatening voice lingered. He seems not glad of what the girl is saying. Nilingon niya naman ako saka bahagyang ngumiti at tinapik ang balikat ko. "Gagaling ka. Makakahanap tayo ng gamot. Babalik sa lahat ang mundo, at makikita mo 'yun."

Tumango lang ako kahit na mabigat sa dibdib ko. In this kind of chaos, faith is the greatest power humanity will ever have. So even how least the chances are, we should always remain faithful and hopeful.

That maybe someday, the world will turn into a better one, after being a massive graveyard.

I flinched when the wound hurt again making me close my eyes and feel the pain. Parang hinahalukay ang laman ko dahil sa sakit na 'yun kaya nanghihina ang tuhod ko pero pinilit kong tumayo. If I could just stop feeling this.

"The virus is crawling fast, we really need to hurry up now."

Nang tingnan ko ang sugat ko, nakita ko ngang gumagapang na naman ang mga itim na ugat pakalat sa balikat at braso ko. Napalunok na lang ako ng laway at nag-iwas ng tingin.

Nararamdaman ko din ang pagbigat ng braso ko kung saan gumagapang ang ugat kaya nahihirapan akong buhatin ito. Nangangati ang bandang leeg ko pero hindi ko ito magawang kamutin sa takot na baka mas lalo lang lumala ang lahat.

"May iilan akong nakikitang tao malapit sa'tin." Tumuwid ang tingin ko sa tinitingnan ni Laelyn at nakitang may hindi bababa sa apat ang anino na nando'n.

Nagsimulang kumalabog ang dibdib ko dahil do'n. I am not sure if I can still fight again. Nabugbog lang naman ako ng isang halimaw tapos mukhang may makakasalubong na naman kami.

I am so fucking tired!

"Are they..." I gulped the lumped on my throat. "Human?"

"I don't know. We should check if they are." Oh crap, her, being so curious is a thing I should never be glad. "Come on."

Mabibigat ang paa na sumunod ako sa kanilang dalawa habang binabagtas ang daan papunta sa mga 'yun. Nakatayo lang kasi sila at nakatingin sa harapan. They are not even moving.

Nakatayo sila sa tabi ng isang van na nakaparada sa gilid. Ngayong nakalapit na kami, nakita kong lima pala sila. May bata silang kasama na sa tingin ko'y 13 years old pa lang.

"Hindi sila halimaw. Survivors din sila."

My face lit up because of what Rehan said. I can't believe na hanggang ngayon, may mga kasama pa din kaming survivor sa mundo. Nakakatuwa lang at nakakagaan sa puso na pinaglalaban din nila ang mga buhay nila at hindi lang umaasa sa tulong ng iba.

"Wait, the other one is familiar..."

Tiningnan ko din ang tinitingnan ni Laelyn na lalaki. I squinted my eyes because the posture seems familiar to me.

My eyes widen when I remembered who he is! Oh my gosh, he's here with other survivor!

"Nate's with them."

Weeks AfterWhere stories live. Discover now