W A 20

453 17 2
                                    

[W E E K S A F T E R XX]

"Ha? Ang bilis naman?"

Hindi pa nga umiinit ang puwet ko sa upuan, nakarating na kaagad kami? Hindi na nagtanong ang mga kasamahan niya at kaagad na bumaba kahit na umuulan pa din.

Napailing na lang ako at sumunod sa kanila. Kaagad na tumama sa'kin ang mga patak ng ulan kasabay ng paghampas ng malamig na hangin sa balat ko.

Ang lamig. Ilang sandali pa'y nabasa na kaming lahat.

"Ano 'yan?"

Nakatingin kaming anim sa harap kung saan may mataas na pader. Dahil na din sa dilim ng paligid, hindi gan'on kalinaw sa'min kung gaano ito kataas, pero sa tingin ko, maikukumpara ito sa anim or pitong palapag na gusali.

"Tama ba 'yung napuntahan natin, Fin?" Nabaling naman ang atensiyon namin kay Finlay na noon ay pinipindot-pindot ang tablet niya. Mukhang waterproof 'yun kaya wala lang sa kaniya.

"Yes, we are at the right coordinates." He showed us the blue map he had on his gadget at may pulang ilaw doon na umiilaw katabi ng green, na sa tingin ko'y kami. "Hindi ko nakita na may pader palang humaharang."

Umiwas ako ng tingin at bumalik sa harap. Azi, on the other hand, started walking towards to the wall. Nakapanood lang kami sa kaniya.

May tatlong zombie malapit sa kinalalagyan niya pero kung makaasta siya ay parang wala lang sa kaniya. Madali nga lang niyang nagilitan ng leeg ang mga ito. Humalo ang dugo ng mga ito sa kasalukuyang bahang sahig.

Lumapit ako sa kaniya para makita din ng malapitan ang pader. Tinapik-tinapik ko pa ito at base sa ginawa nitong tunog, mukhang makapal ang pader na ito.

Hindi naman namin ito basta-basta na lang mapapasabog dahil una sa lahat, hindi namin alam ang bubungad sa'min sakaling pasabugin namin ito.

"Anong gagawin natin dito?" Humarap ako kay Aziel. Inayos nito ang buhok niya pero hindi ito bumaling, o binigyan man lang ako ng tingin. Seryoso niyang tiningnan ang pader. He even squinted his eyes a bit.

"Maybe there are something here..." Nagsimula na rin akong tingnan ang pader. Ang lamig ng hangin at ulan ay hindi nakakatulong sa kabang bumabalot sa puso ko.

Naningkit ang mata ko nang may mapansing kakaiba sa pader. Kumpara sa iba, mas mababa ang level nito, pero hindi kapansin-pansin dahil na rin siguro sa power ng optical illusion.

Pinakatitigan ko lang ito, tinatansiya at iniisip kung ano ang maaring mangyari sakaling pindutin ko ang button na ito.

"Anong meron?" Lumapit sa'kin si Aziel at tinapik ang balikat ko. Napatingin ako sa kaniya at itinuro ang button na nakikita ko. Nanlaki naman ang mata niya saka ito tiningnan din.

"Sa tingin mo...'yan ang daan para makapasok tayo sa loob?"

"Hindi ako sigurado, pero kailangan nating subukan." Tiningnan niya ako gamit ang mga seryoso niyang mga mata kaya napalunok ako ng laway.

I don't like what's running on my mind. Sana mali ang nasa isip ko.

"Bumalik ka sa sasakyan, at sabihin mo sa mga kasamahan natin na...magpatuloy kahit na anong mangyari."

Parang napatid ang hininga ko dahil sa sinabi niya. His eyes are telling me that he's serious of what he's saying, and he's ready for whatever consequences he'll face.

"P-Puwede naman tayong maghanap ng iba pang daan. 'Yung mas sigurado tayong ligtas." Umiling-iling pa siya sa'kin.

"Mauubusan na tayo ng oras, Kimberley. Paano kung kahahanap natin, makasalubong tayo ng mas malalakas pa na zombies? Nakita mo naman siguro ang mga ibang uri, 'di ba? Paano kung doble ang makalaban natin?"

"Paano kung hindi naman pala talaga 'yan ang daan? Nagsayang lang tayo ng effort...at ng buhay."

Natahimik siya sa sinabi ko. Lumakas pa nang lumakas ang ulan kaya halos mainom ko na ang ilang patak ng tubig na tumutulo sa mukha ko.

"At least...sumubok tayo."

With what he said, I know I could no longer his mind and decision, so slowly, I nodded my head down, trying to believe and trust him for whatever he's up to. I gradually turned my back on him with heavy feeling and started walking away.

I can see them waiting for us to get back there with some good news which kinda caused a sting on my heart. What will happen if they found out that their friend risked his life for their survival? For our survival?

"What happened? How can we pass that wall?" Lisa asked me as I reached them.

"Survive." I breathed out.

"Ha?"

"Anong nangyayari?"

"Puwede bang mag-explain?"

They keep on asking me but I had no answer to give them, kasi maging ako, hindi din alam ang nangyayari. Wala na akong maintindihan sa nangyayari.

Maybe we just overthink things?

May tendency ba na ginamitan kami ng reverse psychology?

Baka iniisip nilang aatras kami kapag may nakita kaming button dahil aakalain naming may bomba ito? Na may sasabog dito, para mapilitan kaming um-atras.

And one more thing, wala namang kahina-hinala sa button na 'yun aside sa nakatago ito at hindi kaagad mapapansin lalo na sa mga may mahihinang eye sight.

I shut my eyes tightly, getting stressed out.

Those people knows how to play with us, huh. They probably see us coming so they set us up with something that will really ruin our mental stability.

"Shit, anong pina-plano ni kuya do'n?"

Ramdam ko ang takot ni Finlay habang sinasabi ang mga salita na 'yun. Lahat sila ay nakaharap kay Aziel maliban sa'kin, kaya hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Anong sinabi sa'yo ni Azi?" kinakabahang tanong ni Beal.

Tiningnan ko siya ng walang emosyon sa aking mata. Nakita ko ang magkahalong tensiyon at takot sa mukha niya habang hinihintay akong sumagot.

Naramdaman ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko na siyang pumipigil sa'kin na magsalita. Lumunok ako at bumuntong-hininga. Kinalma ko ang sarili ko at muli silang hinarap.

"Kailangan kong pigilan si kuya! Hindi maganda ang kutob ko." Hinawakan ko ang braso ni Finlay nang subukan nitong tumakbo.

Lumingon siya sa'kin, nagmamakaawa ang mga mata na hayaan ko siya. Umiling lang ako, kasabay ng pagtulo ng iilang butil ng luha sa mata niya.

Kalituhan. Galit. Sakit.

"Ang sabi niya...magpatuloy kayo...kahit anong mangyari..."

Kasabay ng pagbitaw ng huling salita ay ang pagsabog ng kung ano sa likuran namin at ang pagpikit ng mata ko.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now