W H A 05

357 16 0
                                    

"Ahhhh!"

Kaagad akong tumayo at hinawakan ang braso ng kung sino mang humawak sa balikat ko. Umikot ako dahilan para mabaliko ang kamay nito.

Its hand is cold and sticky, which made me conclude that he's a zombie too.

And I was fucking right!

Bumungad sa'kin ang lasog-lasog na pagmumukha niya pagkaharap ko! Ang mga balat niya sa mukha ay parang nalapnos dahil halos matuklap na ito sa mukha niya.

He growled loudly so I threw him away from me. Bahagya siyang napaatras pero kaagad din namang bumalik mula sa pagsugod sa'kin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong kunin ang katana ko.

Umiwas ako sa pag-atake niya at patalikod siyang sinipa. Hindi pa ako nakuntento at hinarap siya saka muling sinipa kaya kaagad naman itong nahulog sa ibaba ng building.

"Ah, shit!"

Muling sumakit ang paa ko dahil na-force sa pagsipa ng zombie. Paika-ika akong naglakad palayo sa edge ng building. Hindi tumitigil sa pagdugo ang paa ko kaya naman medyo nakakaramdam na ako ng pagkahilo kaunti.

Sinalampak ko ang sarili ko sa malamig na sahig at sandaling ipinikit ang mata at lumunok ng mata. Kahit na malamig ang paligid, may pawis pa rin na namumuo sa katawan ko. Nararamdaman ko na malagkit na ang balat ko dahil sa mga natuyong pawis.

Not long after that, I heard a screech which made my heart thud. Minulat ko ang mata ko nang marinig na malapit lang sa'kin ang tunog na 'yun.

Kaagad akong tumayo at nilibot ang paningin pero wala naman akong nakita na kahit ano sa paligid.

Mas lalong binalot ng kaba ang dibdib ko dahil do'n. My eyes' started to move and search where that sound is coming. I know it's somewhere near me.

Nakakarindi ang tili na ginagawa nito kaya kahit ang mga zombie sa ibaba, nag-iingay din. Malas pa na madilim kaya wala akong makita sa paligid.

Alam kong nasa itaas nanggagaling ang tunog kaya kahit kinakabahan, lumingon ako do'n pero madilim na kalawakan lang ang meron.

Nanlaki ang mata ko nang makarinig ng isang tunog.

Pagaspas.

Tunog ng pakpak.

Hampas ng hangin.

"Iiiiiikkkk!"

Nanlaki ang mata ko at kaagad napayuko nang biglang may dumaan sa uluhan ko. Ang boses niya ay mas nakakarindi sa malapitan. Parang tunog ng agila ang ginagawa niya.

Hindi ko nakita ang itsura niya pero base sa hangin na dumaan sa uluhan ko, alam kong malaki 'yun!

Muling lumikot ang mata ko sa paligid, pinapakiramdaman ang dalang panganib na maaring idulot ng halimaw na gumagala sa gabi.

Is this the Night Vog Azi mentioned?

"Ahhhh!"

Muli akong napatili nang malakas nitong hinampas ang pakpak niya sa'kin kaya tumalsik ako sa malayo. I can feel the impact all over my body!

Mabilis siya! Hindi ko man lang naramdaman na papalapit na siya.

How can I surpass something that is wind-like?

What kind of zombie is this?

Hinugot ko ang katana kahit na masakit pa rin ang katawan ko. Lumunok ako ng laway at tumayo, ngayon, mas pinag-igihan pa ang pag-oobserba sa paligid.

Nanghihina na ang katawan ko. Dahil na rin siguro sa pagod, at patuloy na pagdaloy ng dugo sa paa ko, isama mo na rin ang sakit na dinulot ng pagtama ng pakpak na 'yun sa'kin!

I feel like anytime, I'll just pass out.

"Ha!" Kaagad kong winasiwas sa hangin ang katana nang maramdaman ko ang hangin na papalapit sa'kin.

But the direction I waved the katana is wrong. The wing hit me again and it immediately thrown me on the ground. I groaned painfully because of the impact.

I cried myself. Muli akong tumayo at hinigpitan ang hawak sa katana.

Pumikit ako at bumuntong-hininga, at nang magmulat, sinigurado kong tama na ang tatamaan ko.

Bahagyang bumaling ang ulo ko sa kaliwang bahagi nang marinig ang paghangin do'n. Pinakiramdaman ko kung tama ba ang naririnig ko, at nang makumpirma, kaagad akong ngumisi.

Nang maramdaman na papalapit na siya, kaagad kong pinosisyon ang katana paharap sa kaniya.

I bend my back when it passes my top. Kaagad itong gumawa ng ingay nang matagumpay kong mahiwa ang pakpak niya.

Umayos ako ng tayo at hinintay na muli siyang umatake. Umikot pa ako sa puwesto ko para mas lalong maramdaman kung nasaan siya.

Where did that bitch go?

Nanlaki ang mata ko nang maramdamang may tumutulo sa ulunan ko. Dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ko at tama nga ang hinala ko!

I saw her silhouette exactly on my top. My mouth went agape when it attacked me. Kaagad akong umiwas nang bumulusok ito sa'kin basta-basta!

Tumakbo ako palayo at ang narinig ko ay ang pagkabali ng kung ano. Nang lumingon ako, nakita ko ang anino niyang muling tumayo.

Bali na ang leeg niya pero muli niya itong naayos. I even saw how she opened her wings. Ang laki nito! Kaya pala gan'on na lang kasakit kung tumama sa katawan ko!

Parang wala lang sa kaniya ang pagkabali ng leeg niya dahil hindi na ito nag-aksaya ng oras para umatake. Muli kong hinanda ang sandata ko sa pagsugod na gagawin niya.

I closed my eyes as a risky idea crosses my mind. I don't have any choice but to take every risk.

When she's dangerously near me, I jumped and do the 360 flip on the air. Ilang araw ko 'yung prinactice dati pero lagi akong bumabagsak kaya hindi ako sigurado kung kaya ko ba pero wala na akong choice!

"Shit!"

Nang dumaan siya sa ilalim ko, kaagad kong sinaksak ang likuran niya kaya muli itong gumawa ng ingay. I successfully stabbed her back!

Bumagsak ako sa sahig, una ang likod kaya napa-igik ako sa sakit. Rinig ko pa rin ang palahaw niyang pag-iyak dahil sa pagsaksak ko sa likuran niya nang tumayo ako.

Nakatayo at pilit winawasiwas ang pakpak niya para matanggal ang espadang nakatarak sa likuran niya. I took that opportunity to grab the nearest metal pipe.

"Mamatay ka na!"

I, then threw the metal pipe towards her direction. Sakto namang natanggal ang katana sa likod niya ngunit pagharap niya, kaagad tumagos ang bakal sa dibdib niya.

She stopped creating sound. Bumagsak ang mga pakpak niya habang ang mata niyang pula ay nakamulat pa din at nakatingin sa'kin.

I was panting when she immediately fall off the building. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa pagod. I smiled like a crazy woman because I knew I won.

I was about to stand up when my vision gets blurry. Naramdaman ko na lang ang pagbigat ng ulo ko bago sakupin ng kadiliman ang lahat.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now