W H A 16

323 12 0
                                    

"'Wag kayong kumilos! Stay where you are!"

Kaagad kong naagaw ang atensiyon ng mga zombie nang dahil sa sigaw ko. Bumali ang ulo nila papunta sa direksyon ko at kaagad na bumuka ang mga bibig. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tentacles na lumabas sa mga bibig nila.

"Shit..."

Kaagad kong pinagbabaril ang mga papalapit kaya kaagad silang natumba. Hindi ko tinigilan ang pagbaril sa kanila at hindi rin naman sila gan'on kabilis matalo. Nakakainis na ang dami nila at ako lang mag-isa!

Naubos na ang bala ng baril ko pero meron pa ring iilan. Napamura na lang ako sa isip ko bago ko tinapon ang mga baril sa mga sasalubong.

Tumakbo ako sa tabi ng isang puno at kinuha ang kadenang nakatali do'n. Malaki ito at mabigat pero nakakapagtakang kinaya ko siyang buhatin. Maybe because of adrenaline.

Humarap ako sa mga zombie at kaagad hinagis ang kadena na humampas naman kaagad sa katawan nila. Tumalsik sila pero mabilis ding bumangon at sumugod kaya hinila kong muli ang kadena.

"Barilin mo sila!" Mukhang nagising ang diwa ng batang lalaki at kaagad na binaril ang mga zombie na lumalapit sa'kin. Nagmimintis siya kaya ang ibang bala ay napupunta sa direksyon ko pero mabuti na lang ay hindi ako tinatamaan.

Habang binabaril niya ang mga kalaban, patuloy pa din ako sa paghampas sa kanila ng kadena. Unti-unti na rin naman silang natatalo pero kapag nanatili pa kami rito, baka matalo na kami. We have to move but this is the spot Nate told us to rendezvous.

Magkakahiwalay ulit kaming lahat sakaling umalis kami dito. Mas lalo kaming mahihirapan kapag gan'on ang nangyari.

Sigurado akong mas lalong dadami ang mga zombie na 'to anytime soon. We can't just risk our lives waiting for them.

Maybe we can just meet on the city's boundary? Paano namin maipaparating sa kanila na nando'n kami, if ever?

There are so many complications. I don't know what to do anymore.

Hinampas ko ang ulo ng zombie na may tentacles sa bibig kaya nakita ko kung paano bahagyang mayupi ang mukha nito. Sinunod ko naman ang nasa likod nito at gan'on din ang nangyari.

Mabilis ang mga pangyayari at patuloy pa din ang pagputok ng baril habang patuloy din ako sa paghampas ng kadena sa mga zombie. Kung hindi pa kami aalis dito, hindi malabong matalo kami ng mga paparating pang iba.

Binuhos ko ang lakas ko nang hampasin ang pinaka-huling zombie na sumusugod sa'kin. Natigil ang tunog ng baril at tanging hininga ko lang ang naririnig ko, kasabay ng malamyos na simoy ng hangin.

I wiped the sweats that formed on my forehead. May iilang dugo at sugat na din ang palad ko dahil na din siguro sa kadena, pero hindi ko na 'yun pinansin. We have to rush now.

"Tara na!" Iniwan ko na ang kadena dahil alam kong mahihirapan lang din ako kung sakali mang bibitbitin ko pa 'yun. "Do'n tayo maghihintay sa dulo ng bayan! Kaya niyo bang tumakbo hanggang do'n?"

I don't heard them answer but I still take it as a yes. Nararamdaman ko naman na sumusunod sila sa akin kaya kampante ako na makakaya namin hanggang dulo ng bayan na 'to.

Sana lang ay wala kaming masyadong makasalubong na zombie kasi hindi ako sigurado kung kaya kong protektahan ang dalawang 'to.

May nakita akong isang bakal sa tabi ng lata na basurahan kaya dali-dali ko itong kinuha. Tama lang ang bigat niya para sa'kin kaya napangiti ako sa loob-loob ko.

"Dalian ni---,"

Kusang nanlaki ang mata ko nang makita ang bilang ng zombie na nasa likuran namin! Sa palagay ko, hindi bababa sa bente ang dami nila.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil do'n at kaagad tinulungan ang dalawa para mas magmadali sila.

Shit! If we only had any vehicles. Kung hindi lang sana kami sinalubong ng mga Kieran, edi sana malapit na kami sa duluhan ng bayan! Nakarating na sana kami at nakalabas sa bayan na 'to!

"Ah, shit!" Naramdaman ko na naman muli ang paggapang ng ugat sa leeg ko. Naging active na naman ang virus sa katawan ko!

My grip on the pipe tightened as I darted my furious eyes to that one zombie who's about to approach us. My vision darkened a little bit but I don't know why I can still see something.

I can see through my hearing.

"Haaaaa!" I shouted my lungs out as I beat the zombie on its head. Kaagad siyang tumumba kaya nakadaan kaming tatlo sa kaniya.

Mas lalong dumami ang bilang ng mga humahabol sa'min nang lumingon ako sa likod kaya napakagat na lang ako sa labi ko at inis na mas binilisan pa ang pagtakbo.

The kid shoot the approaching zombie with his gun, earning louder groans from those at the back. Nasa unahan ko na sila ngayon at ipinagpapasalamat ko na nakakatakbo pa 'yung matanda.

I'm worried that she'll just faint anytime.

Patuloy lang sa pagbaril ang bata na nasa harap namin at nakakatuwang madalang na lang siyang magmintis. Walang masyadong nakakalapit sa'min dahil nababaril niya na kaagad.

Mayamaya lang ay muling umayos ang paningin ko kaya umiling ako nang ilang beses habang patuloy pa din sa pagtakbo. Alam kong may iilang ugat na ngayon na kumakalat sa pisngi ko pero ipinagsawalang-bahala ko na 'yun.

I am still conscious and doing fine, so I guess I shouldn't be too bothered.

Ang mga zombie na may tentacles ay mas mabilis kumpara sa mga walang tentacles sa bibig. Magkahalong uri ng zombie ang humahabol sa'min na siyang nakadagdag sa kilabot na nararamdaman ko.

And the fact that they are dangerously near us sends horror within me. Kapag huminto kami kahit ilang sandali lang, katapusan na namin. Pero mukhang pagod na pagod na ang matanda kakatakbo.

"Hindi ko na...ata kaya..."

The old woman's voice is low and tiredness is visible at her state. Napalunok ako ng laway dahil do'n.

"Please, kayanin niyo pa po. Malapit na tayo sa dulo ng bayan." I tried cheering her up so that she'll have an energy. "Kayanin niyo pa----,"

Hindi pa man ako natatapos ay kaagad na natumba ang matanda sa sahig. My eyes widen and I just felt my heart stop beating. Otomatikong huminto ang mga paa ko habang pinapanood kung paano pilit na bumabangon ang matanda.

"Lola!" Ang sigaw ng apo niya ay parang echo na lang. Everything seems in slow motion. Humarap ako sa mga zombie na noon ay papalapit na.

"Tumakbo na kayo! Iligtas niyo ang sarili niyo!" A single tear escaped my eyes because of what she said. I remember my mother because of her. "Mabuhay kayo!"

"Lola!" Pumikit ako ng mariin bago ako tumalikod. Hinila ko ang braso ng noon ay nagpupumiglas pang bata. "Hindi! Bitawan mo 'ko! Babalikan ko si Lola!"

Pilit siyang nanlalaban hanggang sa mabitawan ko siya. My eyes widen again when he ran back to her grandmother.

Humarap ako sa kanila at nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano dumugin ng mga zombie ang matanda na noon ay nakatingin lang sa kaniyang apo habang may luha sa mata.

Nahirapan akong huminga dahil sa view na 'yun. Sumisikip ang dibdib ko.

Ang bata naman ay malakas na sumigaw habang patuloy na bumabaril, sa pag-asang lalayuan ng mga zombie ang lola niya.

Pumikit ako at kusa na lang kumawala ang hikbi sa bibig ko nang makita kung paano tumagos sa katawan ng batang lalaki ang tentacles ng isang zombie.

Parang tumigil ang lahat ng bagay. Nakita ko kung paano muling hugutin ng zombie ang tentacles niya kasabay ng pagluhod ng bata sa kalsada.

"I'm sorry..."

I failed to protect them.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now