W H A 01

470 16 1
                                    

"Ahhhh!"

How many times do we have to be fooled?

How many times are we going to fall on the trap?

How many times do we to face death?

The deafening pitiful screams of people, begging Him to save them all. Begging Him for their lives. Begging Him for survival.

Para akong nabingi sa sariling tibok ng puso ko. Wala akong makita kundi ang aking sarili na tumatakbo sa kawalan at naghahanap ng puwedeng mapagtaguan. Kung saan, siguradong ligtas.

Pero, may kaligtasan pa nga ba?

May maililigtas pa ba?

"Sa likod ng basurahan!"

Naramdaman ko na lang na may humila sa palapulsuhan ko kaya ako nagpatangay. My mind is running out of ideas now. I felt useless again.

Nang makapagtago sa likod ng green na box trash bin, pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman kung paano yanigin ng binti ng titan-like zombie na 'to ang paligid.

"Tulong! Tulong!"

Sumilip ako at nakita ang isang taong tumatakbo habang nakataas ang mga kamay. Nang magtama ang paningin namin, parehas nanlaki ang mga mata namin.

Mas bumilis pa ang ginawa niyang takbo pero hindi niya na magawang makailag nang damputin siya ng isang zombie. He screamed in fear. Nakita ko kung paano kagatin ng malaking zombie ang ulo nito na kaagad namang humiwalay sa katawan niya.

Ang mga malalaking zombie, hindi nanghahawa ng virus. Nangangain sila ng tao.

Napalunok ako ng laway nang makita kung paano tumulo ang pulang likido ng taong 'yun sa sahig at sa katawan ng zombie.

Humigpit lalo ang hawak ko sa katana nang magsimula itong maglakad papalayo. Pinagpapasalamat ko na lang na iisa lang ang uri niya na ganito.

Or maybe not?

Who knows?

"Kailangan nating makahanap ng magandang lugar na siguradong hindi tayo makikita."

Azi breathed out. His heavy breathing signifies the fear and rage starting to form within him. I can clearly see the veins as his gripped on his gun tightened.

The devious monster started looking for his prey again, and I am thankful that he didn't see us.

"Wow, we haven't thought of that thing, Azi." Lisa's sarcasm made Azi frowned a little, but he remained his posture.

"Saan ka pupunta?" Riggs talked too.

"Maghahanap ng ligtas na lugar! Hindi ko lang puwedeng i-asa ang buhay ko sa inyo. Ilang beses na ba tayo napahamak dahil sa pagiging impulsive niyo?" Her eyes darted to them with rage. "If we just stayed behind everything and didn't go here, 'e di sana mas payapa ang buhay natin."

"Delikado magpagala-gala, Lisa." Beal's begging voice tried to change Lisa's mind. "Please, manatili ka na lang sa tabi namin."

"I'm so done with all of you."

Hindi niya na kami hinintay na sumagot at kaagad umalis kasama ang isang machine gun. Bakas naman sa mga kasamahan niya ang pagkadismaya pero alam nilang wala na silang magagawa sa desisyon ng babae.

We all sighed in unison when Lisa's silhouette vanished on the middle of the chaos. I just hoped the best for her.

"What are we going to do now?" I asked them, but I guess, all of us had no idea on our head. "We can't just stay here for life."

"I know. Can you please shut up." I rolled my eyes on Aziel with what he said.

Nilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid, umaasang may makikitang kahit anong puwedeng pagtaguan. Hindi kami puwede sa loob ng buildings dahil may possibility na ma-trap kami.

Kahit na mainit ang sinag ng araw na tumatama sa'kin, pakiramdam ko ay nanlalamig ang katawan ko. Pakiramdam ko, mauubusan na ako ng lakas anumang oras.

"Base sa mapa na 'to, meron lang isang iisang exit ang Safe." Napalingon kami kay Finlay nang bumulong ito.

Hawak niya na naman ang tablet niya at katawa-tawang may mapa na naman siya do'n na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Pinakita niya sa'min ang isang mapa. Makikita dito ang buong bayan kasama kung ilang minutong lakaran ang gagawin para makarating sa isang lugar.

May isang pulang linya siyang tinuro na mukhang daan na tatahakin namin para makarating sa exit.

"Isang oras na lakaran. Sa loob ng isang oras na 'yun, marami ang puwedeng mangyari." Tiningnan niya kami isa-isa. "Pero sigurado akong hindi lang isang oras ang mauubos dahil malamang, marami tayong makakalaban na zombie."

Natahimik kami dahil tama ang sinabi niya. Hindi lang isang oras ang magagamit namin kung may makasalubong kaming mga zombies. Pero wala kaming ibang choice kundi tahakin ang daan na 'yan.

"Sa ngayon, sa lugar na 'to," Zinoom-in niya ang isang lugar. Maraming building dito, at sa tingin ko, dito ang center ng bayan. "Mga normal na zombie lang ang makakaharap natin. Sa nakikita ko, marami din sila."

Then the screen flashed videos of zombies. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Alam ko namang marami na akong nakitang zombie pero hindi pa din ako nasasanay sa bilang nila.

"This is the first level of our journey. Kailangan nating makalampas dito at tumakbo." Nilipat niya naman ulit ang screen sa mapa at zinoom-in na naman ang isang lugar, ilang minutong lakaran mula sa nauna. "Then after that, here's another."

Kumunot ang noo ko nang makitang parang normal na zombie lang din naman ang 'yun pero kumpara sa nauna, mas tahimik at kalmado ang ito.

Para lang silang patay, well, basically, patay naman talaga sila. Para lang silang natutulog nang nakamulat ang mga mata.

"These aren't runners. These are the sprinters. Mas mabilis, mas aggressive." Bakas ang pangamba sa boses ni Finlay habang nagsasalita. "Pero mahina ang paningin nila, ngunit ang pandinig nila ay doble ang lakas."

Napalunok ulit ako ng laway at in-imagine ang maaring kalagyan ng buhay namin kapag nakagawa man lang kami ng kahit isang ingay.

"At ito naman, sa pangatlo----,"

Hindi niya na naituloy ang sasabihan niya nang biglang may sumabog.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now