A E 07

252 14 5
                                    

"Where am I?"

The first phrases that went out from Azi's mouth when he woke up. Inside a glass, he found his self nowhere on his knowledge.

Bumangon siya mula sa kaniyang hinihigaan at sinilip ang labas. Nilagay niya ang palad niya sa salaming humaharang sa kung nasaan man siya.

Mula doon, pinanood niya ang mga taong abala sa mga computers na nasa harap nila. Wala siyang marinig ngunit nakikita niya ang mabilis na pagbuka ng mga bibig na 'yun.

"That's what happened."

In a blink of an eye, he just found himself in front of Kimberley and the other girl again. Pareho silang nakasuot ng puting pares ng top at under garments. Unlike him who's in full black outfit.

Naninibago pa din siya sa buhok ni Kimberley. If not because of her eyes, he wouldn't recognize her. The other girl's hair is braided. Mas matangkad lang siya nang kaunti kay Kimberley.

"Kaya lang ako naglakas loob na tumakas, ay dahil may narinig akong tumakas din. I am actually looking for my family."

"Oh, I lead the revolutionary." The other girl raised her hand and laugh, making Kimberley knot her forehead.

"Shut up, no one's asking about your opinion."

"Hindi naman 'yun opinyon. Facts lang po."

Palihim na lang na umikot ang mata ni Kimberley sa sinabi ni Katarina. Alam niya namang ipaglalaban pa rin ng babae kung ano ang gusto niyang ipaglaban kaya sinampal niya na lang sa kaniyang isipan ang babae.

"So, saan ka na ngayon niyan?" Tumaas ang kilay ni Kimberley habang tinatanong si Azi.

"Like what I said, I'll try finding my family first. Kapag nahanap ko na sila, puwede ko na silang itakas palayo sa lugar na 'to. Tapos babalik ako para pabagsakin ang organisasyong ito."

"Talaga ba." Sarcasm is evident in Kimberley's voice making Azi frowned. Nakakaasar pa siyang tumawa kaya mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ng lalaki. "Kaya mo ba?"

He was taken aback by what she said. Walang lumabas sa bibig ng lalaki nang subukan nitong magsalita kaya pagak na natawa ang dalawang babae.

"H-Hindi..."

"Kaya kapag nakatakas ka na dito, 'wag ka na lang bumalik. Kayo ng pamilya mo." Kimberley crossed her arms over her chest and looked at Azi intently. "Hindi mo mapapabagsak ang Nyasaaa nang mag-isa, Azi. And that's a fact."

Napatigil silang dalawa at nagkatitigan ang mga mata. Azi's serious eyes leveled Kimberley's mocking stare. Not until a sound crossed both of their ears.

"Narinig niyo 'yun?" Sabay nilang binanggit ang katagang 'yun. Ang kanilang mga mata ay napalitan ng pagkabahala habang si Katarina naman ay litong-lito sa mga pangyayari.

"Mga yabag."

"Umuuga ang lupa."

Lumikot ang mga mata nilang tatlo sa paligid. Napalunok si Katarina nang may maramdamang mali. Nakita niya ang isang katana kaya kaagad siyang kumuha ng dalawa. Hinagis niya ang isa kay Kimberley na kaagad niya namang nasalo. Azi prepared the two riffles he's holding.

"Maghanda kayo. Paparating na sila." Katarina warned them as she leads the way out. Sumunod ang dalawa sa kaniya habang naguguluhan pa rin sa nangyayari. The footsteps are getting louder on their ears.

"Sino ang dadating?"

Huminto si Katarina sa pagbukas ng pinto ngunit nanatiling nakahawak sa hawakan nito. Nilingon niya ang dalawa saka bumuntong-hininga.

"The Voodoos."

After saying that, Katarina finally opened the door and ran away. It didn't took Azi and Kimberley seconds before they follow the girl.

"What's Voodoos?"

Habang tumatakbo palayo, nagtanong si Kimberley. Sa kanilang tatlo, alam niyang si Katarina lang ang malawak ang kaalaman sa lugar na 'to. Like what she said, she's been here for a long time. Nobody knows how long, though.

"Voodoos are those zombies who's under control. More like an android, but much vulnerable. A lot faster than the normies, or the normal zombies. At, umaatake sila base sa binibigay na signals ng mga nasa itaas. The Alarics."

"Wow, that's how far humanity goes."

"Yes. Bilib din ako na kaya nilang maging bobo at matalino at the same time. Talentado na medyo tarantado."

Walang tumawa sa humor ni Katarina.

Magkakahiwalay ang isip nilang tatlo. Katarina is thinking of way out of the troublesome. Azi is thinking how can they defeat the Voodoos. And Kimberley's mind is questioning how Katarina can get that much knowledge.

"Sa kaliwa."

"What? No! Babalik tayo sa gitna ng Nyasaaa! Mahihirapan tayong makalabas kung sakali!"

"Gusto mo bang i-alay ang sarili mo sa mga zombie na paparating diyan sa kanan? Kasi ako, hindi."

Azi and Katarina is arguing on where to go. Azi is right, three of them must go to the left side. That is the way out of the Voodoos, while right side is the way out of the Nyasaaa's sister building, but Voodoos are waiting and lurking there.

The two ways will still lead them to the center of Nyasaaa.

At the end, Katarina gave up. She trusted Azi's plan and let him lead. Kahit labag sa loob niya, sumunod na lang siya dahil napapanood niya sa TV na kung sino ang humiwalay, siya ang mamamatay. She don't want to die!

At least, not inside this damn organization.

"If something happened, you're on call."

Hindi pinansin ni Azi ang pinagsasabi ng babae. Sa halip, hinanda niya na lang ang sarili sa paparating na kaaway. He's aware that there is still a zombie here, of course. But at least, lesser than the other way.

"Fuck, you said there is none!"

Nagpaputok si Azi ng baril nang makasalubong nila ang isang zombie na babae. Kaagad itong bumulagta sa sahig dahil sa tama ng baril sa leeg nito.

"I can't remember myself saying 'none'." With his sarcastic remarks, he faced the girl with a mocking smirk.

"You witch!" Nilabas ni Katarina ang katana niya saka inihanda ang sarili para sa mga susunod pang susugod.

Punyeta talaga 'tong lalaki na 'to! Ipapahamak niya ang buhay nila! That's what Katarina is thinking all the way.

Azi still did his job. Wala siyang hinayaang kahit isa na zombie ang makalapit sa kanila. Lahat ng buhay na lumalapit ay kaagad niyang pinapatay. Wala ngang ginawa si Katarina kundi ang tumakbo at magreklamo sa kaniya dahil sa katangahan niya.

Mahaba ang pasilyong ito kaya hindi pa rin nila makita ang duluhan pero alam ni Katarina na papunta na sila sa gitna ng Nyasaaa. Ang lugar na pinaka-iniiwasan niyang marating.

Nababahala na siya habang patuloy pa rin silang tumatakbo pero pilit niya itong tinatago sa pamamagitan ng pagsigaw-sigaw sa lalaking nasa unahan niya.

Sunod-sunod na rin ang zombie na sumusugod sa kanila kaya may nakakarating na din sa kaniyang iilan na kaagad niya namang hinihiwa gamit ang katana.

Pero napansin niyang may mali habang patuloy silang tumatakbo. Nilibot niya ang kaniyang paningin ngunit napapabalik din sa harap kapag may nalalampasang zombie si Azi at siya ang inaatake.

Bwiset.

Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize kung ano ang mali. What the fuck!

"Nasaan si Kimberley?"

Weeks AfterWhere stories live. Discover now