W H A 07

328 14 1
                                    

"Ahhh!"

I landed safely on the next building!

Halos mapatili ako nang matagumpay akong nakatawid sa isang building. Kahit na sumakit ang katawan ko dahil sa pagbagsak ko sa sahig. Dali-dali ulit akong tumayo nang makitang nagsunuran sa'min ang mga zombie.

Ang ilan sa kanila ay hindi nakatawid pero magaling ang iba. Parang wala lang sa kanila ang mga lumabas na buto sa katawan nila dahil sa pagbagsak at basta na lang muling tumakbo papunta sa'min.

Ang mga atungal nila ang tanging maririnig na ingay sa paligid habang patuloy kaming tumatakbo.

The next building is higher so I doubt that we can jump from here to there. Sumusunod lang naman ako sa mga ginagawa ng dalawang nasa harap ko dahil mas may alam sila dito.

"Sa hagdanan pababa ng rooftop!"

Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Laelyn pero sumunod na lang din ako. Lumiko sila kaya gan'on din ang ginawa ko.

Pinilit kong magpatuloy kahit ramdam na ramdam ko na ang pangangalay sa mga tuhod ko.

Pukingina, ilang takbuhan ba ang mangyayari?

Mabuti na lang at hindi gan'on kainit ang araw kaya kahit papaano ay hindi nakokunsumo ang lakas ko.

Nagmamadaling binuksan ni Laelyn ang pintuan at pinagpapasalamat kong hindi 'yun naka-lock! We entered the door and staircase welcomed us.

"Bilisan niyo!"

Kaagad kong sinarado ang pinto at medyo napaatras pa nang bigla itong lumagabog. It didn't took us seconds before we ran downstairs.

Malalakas ang yabag naming tatlo habang pababa sa hagdanan, at pinanalangin ko na sana, walang matipalok sa'min. Parang nasusunog ang building kung makatakbo kami dahil sa bilis namin.

"Shit, shit."

Nadagdagan ang mga paang tumatakbo sa hagdanan kaya alam kong, either may zombie na humahabol sa'min or may zombie na sasalubong sa'min.

Or maybe both.

Nilabas ko ang katana ko, hinahanda ang sarili sa kung ano mang maari naming makasalubong. I gulped my own saliva and watch my steps.

Not long after that, I heard a bang which I knew came from either of the two person in my front. Tama nga ako. May makakasalubong kaming zombie.

Nakarinig na lang ako ng mga katawan na gumugulong sa hagdanan kaya mas lalong humihigpit ang hawak ko sa espada ko. May nadadaanan pa akong iilan na wasak-wasak na ang mukha kaya napapaiwas na lang ako ng tingin.

We ran until we reached the ground floor. Palakas din nang palakas ang yabag ng mga humahabol sa'min kaya alam kong malapit na sila sa'min.

"Dalian ni----,"

"Ahhh!"

Napatumba ako sa sahig nang biglang may dumamba sa'kin!

He tried to bite my shoulder blade which made me shout. I put all my force to nudge him away and I successfully did.

Ramdam ko ang pagbaon ng ngipin niya sa balat at laman ko.

Gumapang ako at kinuha ang katana ko saka muling hinarap ang zombie na noon ay sinusubukan ulit akong abutin. I stabbed its head causing the blood scatter around. Ilang ulit ko pa 'yung sinaksak bago siya tuluyang mawalan ng buhay.

"Kimberley!"

Kaagad akong dinaluhan ni Rehan at Laelyn. I heard them utter variety of profanities but my sense of hearing seems malfunctioned.

My attention focused on my shoulder blade.

It's bleeding, and it has mark of teeth.

Nakagat nga ako ng zombie.

"Listen, Kimberley. Get up, we have to continue running. Shit shit."

Tulala man ay nagawa ko pa ding tumayo at kuhanin ang katana ko. I gulped my own saliva as I started running away. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng kagat niya.

I can feel my body trembling and my system weakening. Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng luha sa mata ko habang ini-imagine ang sarili na magiging kasapi ng mga zombies.

I don't want to die yet.

Not until I accomplished my objectives.

Not until I avenge her.

Bumuntong-hininga ako at pinag-igihan pa ang pagtakbo palayo, hindi inaalala ang sugat na natamo ko.

Nakalabas kami ng building at kaagad humampas sa'kin ang medyo mainit na hangin. Kahit na nasa labas na kami, hindi kami tumigil sa pagtakbo.

Hindi katulad kanina, may mga iilang kotse na dito. Maayos ang mga ito at mukhang hindi nasama sa mga napinsala ng apocalypse sa loob ng nababakurang siyudad.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo pero napahinto din nang makitang may tatlong zombie ang nakatayo sa harapan hindi kalayuan mula sa amin.

Para silang mga tulog na tao, pero ang kakaiba, nakatayo lang silang tatlo.

"I think, we've reached the second wave."

Silence followed after what Rehan said. Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig.

If I am not mistaken, second wave is pile of sleeping zombies with active sense of hearing. A simple sound transmission can activate their aggressiveness.

Umihip ang malamig na hangin na siyang nakapagpatayo ng balahibo ko. Marahang sumayaw ang mga dahon sa puno at ang ilan ay nilipad ng hangin.

"Ah, shit..."

Parang pinitik ang sugat sa balikat ko dahil humapdi ito. Hindi ko naman mahawakan kasi mas lalong sasakit. Sandaling napatingin sa'kin si Rehan pero umiwas din.

"Kung iiwasan nating mag-ingay, madali lang tayong makakalampas sa mga 'to. Dahan-dahan lang sa paglalakad."

I gulped again and heave a sigh, trying to calm my system. I dismissed all the negative thoughts running inside my mind. Panic won't do anything with this kind of situation.

"Now, we have to just walk and avoid creating any kind of sound that might trigger them." Laelyn whispered before she started moving.

Sumunod naman si Rehan sa kaniya. They are so careful and I am pressured inside. Paano kung makagawa ako ng ingay? Ayokong maging tanghalian ng mga 'to!

Pigil hininga ako habang ginagaya ang mga gawa nila Rehan. I even bit my tongue to suppress creating any form of noise.

My wound is stinging too because of too much exposure. I just wished it won't hurt to the point that I'll scream my lungs out.

"Oh, shit."

I stopped breathing when one zombie partially moved. His eyes were still close but I am not sure if he's awake or not.

His face is just inches away from me!

Dumoble ang kaba ko dahil do'n at mas lalong pinigilan ang sarili na huminga. Bakit naman dito ako nahinto sa tapat niya?

His face's condition made me want to throw up. Wasak-wasak na kasi ito at amoy nabubulok na!

"Ah..."

I closed my eyes when I felt the throbbing pain on my shoulder. I don't know how long I could take it! The pain is just too much.

Nagmulat ako ng mata at sandali ko atang nakalimutan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa bumungad sa'kin.

The zombie's eyes are now open wide!

Weeks AfterWhere stories live. Discover now