W H A 15

334 12 5
                                    

"May masasalubong tayo."

I opened my eyes when I heard a faint voice of man. It was Rehan. Ngayon ko lang napansin na nakatayo na pala silang lahat maliban sa'kin at lahat din sila ay nakatingin sa harapan.

I groaned softly and tried to stand up. Walang nakapansin na gising na ako dahil na rin siguro abala sila sa pagtingin sa kung ano man 'yun. I stretched my arms and because of that, I saw the veins who stopped crawling already.

Kinapa ko ang leeg ko at napabuntong-hininga na lang nang mapansing umabot na doon ang mga ugat. Hindi ko na lang 'yun masyadong pinagtuunan ng atensiyon at naglakad papunta sa harapan.

"Gising ka na pala." Nate is the one who noticed me first. He even checked if I am just okay. Tumango lang ako at muling humarap.

From here, I saw group of people standing not far away from our position. They are wearing personal protective equipments which covered their whole body, including their faces. But I knew they can see us.

My eyes then dropped on what they are holding. My eyes widen when I saw guns, not just a simple hand guns but rifles! Is this the quarantine area in the Safe?

Hindi makakadaan ang bus dahil may nakaharang na parang 'yung gan'on sa mga tolls. Nagsimulang maglakad ang isa sa kanila kaya napalunok na lang ako ng laway.

"Pumunta kayong mga bata at matanda sa likod. Kahit anong mangyari, 'wag kayong lalabas."

Mukhang seryoso ang sitwasyon kaya hindi na ako nagtanong pa. I immediately assisted the old woman and the child on the bus' back part. Nagtago kami sa likuran ng mga upuan at pinakiramdaman ang paligid.

"Diyos ko, ano na pong nangyayari sa mundo..." The old woman is, of course, Christian. She started praying for our lives. Nakahawak pa siya ng mahigpit sa kamay ng apo niya na noon ay takang-taka at gulong-gulo na sa mga pangyayari.

"Lola, magiging okay din ang lahat, okay? May dadating na tulong. Mabubuhay tayo dito." I smiled at the old woman because she looks like she'll just give up anytime. "Ngayon, ang kailangan nating gawin..." Sinilip ko ang nangyayari at mukhang kinakausap ni Laelyn ang tao na lumapit kanina. "...ay sumunod sa kanila, dahil magaling silang dalawa. Magiging ligtas tayo."

Hindi siya sumagot at tumango na lang kaya bahagya akong ngumiti at mahinang tinapik ang likod niya. Muli akong sumilip kanila Rehan at Laelyn at mukhang bumaba na sila pareho.

"Nasaan sila?" I asked Nate who's on the other side of the bus. He's busy with the gun he's holding but when he heard my voice, he gaze at me.

"Baka nasa baba, nakikipag-usap sa mga Kieran." He's probably pertaining to those army who's wearing PPEs. "They are not a friend, so prepare for fight. Here."

Bigla niya na lang hinagis sa'kin ang isang baril. Dalawang baril 'yun na hindi ako pamilyar pero mukhang side guns lang. Gan'on din ang sa kaniya.

"Kapag nakarinig kayo ng putok ng baril, tumakbo na kayo palabas. Dito, gamitin niyo 'tong daan na 'to."

He kicked something and it opened after three strikes. Bumukas ang maliit na pintuan sa likuran ng bus kaya pinauna kong lumabas ang dalawa. They carefully made their way out.

"Basta tumakbo lang kayo sa gubat na 'yan. Pagkalabas niyo, may makikita kayong kalsada. Tumakbo lang ulit kayo. Magkita tayong lahat sa dulo ng bayan."

Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kakayanin kong protektahan ang dalawang buhay na maiiwan sa'kin, pero kakayanin ko naman siguro. After all, I've been through a lot.

"Mag-iingat kayo."

Tumango lang ako sa kaniya at kaagad bumaba ng sasakyan. The two is just waiting for me outside. Kaagad na humampas sa mukha ko ang malamig na hangin sanhi ng paglipad ng iilang hibla ng buhok ko.

"Tara na, tara na..." Kaagad ko silang inalalayan papasok sa gubat. Sakto pagkapasok namin, kaagad na nagsimula ang putukan ng baril.

Sinilip ko ang bus na noon ay nagsisimula nang mabasag ang mga salamin. I bit my lower and silently prayed for them...and for us.

Tumakbo ako papasok sa gubat kasabay ng dalawa. Medyo madilim ang paligid dahil na rin siguro sa kapal ng dahon na humaharang dito. Matataas ang damo at umaangat na ang ugat sa lupa kaya naman ilang beses pa akong napatid.

"Diyan lang kayo sa likuran ko! Tingnan niyo ang dinadaan---oh, shit!" Napayuko ako nang bigla na lang magpaputok ng baril ang mga humahabol sa'min. "Sa likod ng mga puno."

Nang makapagtago kami, kaagad kong chineck ang baril na hawak ko at nang masigurado na ayos, kaagad ko silang sinilip. Lumabas ako sa puno at kaagad na bumaril.

Natumba ang tatlong nasa harap kaya agad akong nagtago nang gumanti ang mga nasa likod nila. Tumatama sa katawan ng puno ang mga bala nila.

"Kapag lumabas ulit ako ng puno, tumakbo kayo palayo. Magkita-kita tayo sa daan sa dulo ng gubat na 'to." They both nodded their head. Mabuti na lang at marunong silang umintindi ng sitwasyon. "Salamat. Mag-iingat kayo. At isa pa," I handed the gun to the kid.

"Ano pong gagawin ko dito?"

"Tuturuan kitang gumamit ng baril, makinig ka." I positioned the gun and assisted him. Nanginginig pa ang kamay niya kaya medyo natawa ako. "Parang camera lang 'yan, hanapin mo ang target, and shoot." Kinalabit ko ang gatilyo. Nagulat pa siya bigla pero malapit nang dumating ang mga kalaban kaya nauubusan na kami ng oras. "Good. Isa ka ng badass. Ngayon, kumilos na kayo."

Lumabas ako ng puno at kaagad na binaril ang mga kalaban. Natumba na naman ang mga nasa unahan. Patuloy pa rin ako sa pagbaril sa kanila, at ipinagpapasalamat ko na hindi ako tinatamaan ng kahit isang bala.

"Shit, punyeta, pukingina!" Naubusan ako ng bala!

Binato ko ang baril sa isang Kieran saka ako muling nagtago sa likod ng puno. Kinapa ko ang katawan ko para maghanap ng puwede kong magamit pero isang kutsilyo lang ang nakita ko.

Wala na akong nagawa kundi ang kunin ko ito. If I only have my katana with me now.

Muli kong hinarap ang mga tao at tumakbo palapit. Nasa dalawa na lang naman sila kaya madali na lang siguro 'to.

Binato ko ang kutsilyo na kaagad namang bumaon sa ulo ng isa, kaya agad itong namatay. I did the backflip and I guess I was lucky that I landed in front of him.

"Ah!" He groaned when I punched his face. Napaatras pa siya ng kaunti kaya ginamit ko ang pagkakataon na 'yun para sipain ang tiyan niya.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may paparating na naman na mga Kieran. Tinuhod ko ang mukha ng tao sa harap ko saka ko kinuha ang baril niya.

Nang magsimulang magpaputok ang mga kalaban, ginawa kong human shield ang lalaki kaya nakita kong nangisay-ngisay ito dahil sa sunod-sunod na tama ng baril. I used that opportunity to shoot them using their comrade's gun.

Kaagad silang namatay kaya tinulak ko ang patay na katawan na nakayakap sa'kin. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad kinuha ang isa pang baril mula sa isang bangkay at saka tumakbo palayo.

I ran as fast I can, not minding how fast my heart beat is. I can't even feel my feet anymore but that doesn't stop me to go further.

But I felt my heart stop when I reached the end of the forest.

'Yung matanda at 'yung bata...napapalibutan na sila ng mga zombie!

Weeks AfterWhere stories live. Discover now