W A 10

566 24 4
                                    

[W E E K S  A F T E R  X]

"Nalibot na namin ang buong paligid. Mukha naman siyang ligtas."

Katulad ng napag-usapan, nagkita-kita kaming muli sa unang palapag. May dala-dala ng chocolate si Nate nang bumalik, kumakain. Inalok niya pa ako kaya maligaya ko naman itong tinanggap. Nakita kong sinundan 'yun ni Rehan ng tingin pero agad ding umiwas.

"Okay. Ano na'ng plano ngayon? Dito na lang ba tayo habang buhay?" tanong ko sa dalawang mas matanda sa'min.

"Probably not. We're not sure, baka mamaya, o bukas lang, may zombie na naman dito." Hinampas ko si Nate dahil sa pinagsasabi niya. Parang tanga lang, nakakainis. How can he talk like zombie wasn't a big deal? Duh! Sampalin ko kaya siya?

"Sa ngayon, dito na muna tayo tutuloy. Susubukan kong maghanap ng iba pang ligtas na lugar." Tumango lang ako sa sinabi ni Rehan.

"Sasama ako! Wala din naman akong gagawin dito kung sakali." Pinangunutan niya ako ng noo kaya tinaasan ko siya ng kilay. "I'll help you find safer place, don't worry. And, I promise I won't be a burden."

"You should stay here. Kids are not allowed to roam at this kind of times." I scoffed when he said the word 'kid'. I'm eighteen! What the fuck ba siya?

"But----!"

"You'll come with me, Kimberley."

Napatingin ako kay Laelyn nang magsalita ito. Agad namang kuminang ang mata ko dahil finally! Hindi ako maiiwan dito! It's boring.

"Susubukan nating maghanap ng pagkain dahil kung gusto nating magtagal, mas kailangan natin no'n kaysa tutuluyan," she added.

"Yes yes! Kailan tayo aalis?" I look excited but bitch, I am quite nervous. She's scary! But I had no other choice.

"Bukas. Kasabay nila." Tumingin siya kay Rehan na noon ay tumango lang. "Nate, okay lang ba sa'yo na maiwan dito mag-isa?"

"Oh----,"

"Isasama ko na lang siya." Tumingin naman ako kay Rehan nang dahil sa sinabi nito. Kapag ako, ayaw isama, kapag si Nate, okay lang. FYI! Mas marami akong natulong sa kaniya.

Like....

Like Ohh Ahh, Ohh Ahh. Chos. TWICE pa nga.

Wala pala akong natulong, hehe.

"Okay." Sumimangot ako at hindi sila pinansin. Magsama sila. Pareho naman silang pangit. "Mag-ingat na lang kayo. Kapag nakahanap kayo, 'wag niyo na kaming hanapin. Bumalik na kaagad kayo dito. Gan'on din kami."

Mula sa ikalawang gusali, pinagmasdan ko kung paanong lumubog ang araw. Isang araw na naman ang nakalipas, at sa tingin ko'y dapat kong ipagpasalamat sa kanila na hanggang ngayon, buhay pa rin ako. Na hanggang ngayon, nagagawa ko pa ring humagikgik.

Isang araw na naman ng pakikipagsapalaran sa mga zombies. Isang araw ang nasayang na wala man lang kaming nahanap na mas ligtas na lugar kasama ang iilang survivors. Kung meron pa man.

"Gusto mo?"

Napatingin ako sa likuran ko nang may marinig na nagsalita. Si Nate lang pala, may hawak na naman na pagkain.

Seryoso. Puro na lang siya pagkain. Buti hindi siya tumataba sa kaadikan niya. He offered me a chip which I accepted.

"Kapag magkasama kayo ni Laelyn bukas, try to distance yourself. She didn't want someone to be near her. Mabilis siyang mainis."

After a minute of silence, he talked. I looked at him with what he said. Looking at Laelyn, I already knew that she has anger issues. The way she talked, the way she stare, alam mong mataas ang anger issue niya. Mas mataas pa sa grades ko.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now