Syrin's POV:
Kanina pa siya nakadungaw sa balcony ng bahay ni Iona ng makita niya ang isang kotse, natural lumabas ang madam Miona galing sa party pero hindi na lumabas kung sino ang naghatid sa auntie mong malande, coz she's already expecting Iona not to be home by tonight, baka nagpahatid na lang kay Simon. Ang totoo niyan may gusto siya kay Simon attracted na talaga siya sa binata ng unang mapadaan ito sa bahay ni Iona pero syempre idinaan ko sa pang-aaway at pag-aasaran ang pagpapansin ko sa kanya kasi kung magiging dalagang pepe ako sadyang hindi din ako papansinin ni Simon may pagkasuplado pa naman din yun minsan. Ma-mamansin lang kung mang-aasar at mangungulit. Pagpasok ni Iona hindi ata siya nito napansin, nakita agad niya na malungkot ang kaibigan at tila malalim ang iniisip kaya naman tinakot niya ito. Matatakutin pa din kasi si Iona eh katanda na. Nagsisigawan sila ng minabuti niyang pumasok na sa kwarto nito at hintayin doon. Syempre libre chismis nanaman ito aba'y mahirap ng nahuhuli sa kaganapan ng buhay ng tigang kong mahal na kaibigan.
"Oh ayan saksak mo sa baga mo" tapon nito sakin ng mga pagkain galing sa kusina.
"Letche ah, mukhang wala ka atang dalang igado ah, hahaha" pang-iinis niya rito. Uso naman kasi saming mga ilokano ang magbalot ng pagkain kapag may handaan.
"Kupal ka, ganda-ganda ng ayos ko magbibit-bit ako ng igado mo atsaka mahiya ka nga hindi ako patay gutom kung sumama ka sana edi may igado ka, parehas kayo ni Blake" sunod-sunod na litanya nito.
"Blake? siya naghatid sayo? Bastos neto di man lang inayang pumasok yung tao at ipakilala ang dyosa mong kaibigan" sagot naman niya rito.
"Babalik pa yung tao sa party atsaka gabi na wala akong time i-entertain siya"
"Aiy bakit sasayawan mo? Dirty dance o sexy dance, haha" pang-aasar niya na hinagisan lang siya ng unan, solid sapul sa mukha.
"Pukinginamers not the face Iona bweset ka" gigil na sabi niya dito. "oh bilis na magkwento ka na dalian mo anong nangyari kasi akala ko sa mga Mariano ka na matutulog kasi you know get to meet and greet with them at kay Sandro? Anyare teh?" sunod sunod na tanong niya sa kaibigan. At ayun na nga kwenento nito lahat ng ngyari sa party at sa pagitan nilang dalawa ni Sandro.
"Aiy teh may scandal ka pala nung nag BGC tayo papasend ko nga kay Simon" binatukan naman siya ni Iona
"Pagbuhulin ko kayong lahat eh, ayan na kwento ko na pwede na ba akong matulog?" by the way habang nagkukwento yan nakapag shower na yan ng bukas ang pinto at nakapag bihis na din oh diba multi- tasker ang lola niyo.
"Iona? Do you like Sandro?" biglang tanong niya. Feeling niya kasi may gusto si Iona kay Sandro eh itong kaibigan niya lang ang hindi pa may alam, me ganun. Like siguro deep inside her she expected too much from Sandro, the promises when they were kids Iona kept all those memories pero pinipilit lang ng kaibigan niya na intindihin ang sitwasyon or maybe something is stopping her from falling for Sandro, gut feeling ko lang to pero may tinatago si Iona sakin eh. But whatever that is I'm willing to wait for her to open up. I won't force Iona since I respect this friend of mine very much. She's always there for me willing to help and share burdens with me, wag nga lang sa usaping pautang sobrang kunat at bara't ng babaeng ito. So yeah going back malakas ang kutob ko na Iona is only covering up her true feelings para sa kuya-kuyahan nito I just hope na hindi ito masiyadong masaktan when the time comes.
"Like? Like as a person? Of course I do, Kuya Sandro is a good man kahit na hindi ko man siya nakasama ng ilang taon I know that his good, he was well raised by Mami and Pops. Maswerte ang Ilocos Norte at nasa atin ang mga Mariano at sana maging sa buong Pilipinas kapag nanalo si Pops." safe na sagot ng dalaga. Eto ang napapansin niya kay Iona she's always answering safe, minsan pa joke ,minsan seryoso, hindi niya sasagutin ng direct to the point daming segway, ayaw sa tuwid na daan kaloka sister. Ilang ulit niya na itong tinanong kay Iona tuwing magkukwento ang dalaga ng tungkol sa mga Mariano at syempre kay Sandro dito niya napansin kung gaano nasasaktan ang kaibigan sa pag-alala sa binata. Sana naman Sandro is man enough not to hurt her friend. Iona is like a sister, a family na hindi niya makuha sa loob ng pamamahay nila, kaya nga siya laging tambay dito kila Iona. Sa kaibigan at kay Nay Milagros sige sama na din natin si Mang Bert lagi din kasing tambay yun dito eh, sa kanila ko naranasan magkaroon ng masayang pamilya.
BINABASA MO ANG
The President's Son #1 (Sandro's Home)
FanfictionMariano- " Sandro" Growing up in a political family was never easy. Especially when we have to deal with people who hate us for crimes and conspiracies that we, our family, never did. My grandfather may not be a perfect president but he had sworn h...