Chapter 59

274 17 4
                                    

Samantala sa tahanan ng mga Arellano matapos tawagan ni Vielanya Arellano ang pamangkin kasalukuyang nag-uusap ang kanilang pamilya kasama ang pamilya sa side ng kanilang ina. Ang mga Cong, dahil sa pagiging chinese ng mga ito dala-dala pa din nila ang makalumang tradisyon ng pamilya. Dahil si Benoy ang nag-iisang anak na lalaki ng dating pangulong Corina Cong Arellano ito ang tumayong head ng family. There were a lot of conspiracies surfacing now, merong nagsasabi na kaya hindi matukoy-tukoy ang pumatay kay Banoy Arellano (the father of Benoy) dahil ito sa illegal na negosyo ng mga Cong. Sapagkat nakita nilang sagabal ang asawa ng dating pangulo sa anumang aktibidades ng pamilyang ito. Kaya daw hinayaan lamang ng mga Arellano at hindi na binuksan pa ang kaso ng kanilang ama kahit pa dalawang Arellano na ang namuno at umupong presidente ng bansa. Hindi nalalayong totoo ang mga haka-haka, kung sa anak ni Benoy na si Miona ay nagawa nila ang ganitong bagay at patuloy na pagplano sa pagdispatcha sa dalaga. Akala ng mga Arellano na magiging ligtas si Miona sa puder ng mga Mariano kaya hinayaan nilang makasal ang dalaga, ng malaman ito ng mga Cong kahit papaano ay tinigil ang planong patayin ito. Ngunit ng malaman ulit ng mga ito na wala ang dalaga sa mga Mariano ng bumisita ang mga ito sa kanila at magtanong, may mga tauhan ang Cong sa loob ng kanilang bahay, kaya ingat na ingat sila sa kanilang emosyon at pananalita kahit na gustong-gusto na nilang magtanong kung anong nangyari. Dahil doon naalerto ang mga Cong na baka kumalat ang pagiging parte ng pamilya si Miona. Kapag nalaman ng mga ito na buntis ang dalaga kukunin nila ito at hihintayin hanggang sa manganak kagaya ng sinabi ni Vielanya sa dalaga kanina hindi malayong ganun nga ang gawin sa kanilang pamangkin. Kung sa nanay nga ni Miona nagawa nila itong patayin dahil baka daw maghabol ng yaman at magbigay eskandalo sa pamilya, baliw ang pamilyang Cong kung kailangan idispatcha ay gagawin nila kesyo lohikal man ang dahilan o hindi. Nagawa nilang kausapin ang mga ito na huwag ng pakialaman si Miona sapagkat babae it at balang araw ay mag-aasawa mawawala ang koneksyon nito sa mga Cong, nakiusap ang ate Pingkhine at ate Ballestine nila to spare Miona. Pumayag naman ang mga ito pero ngayon ay nagbabalak na naman ang mga ito, mga baliw talaga. Labis silang nakahinga ng maluwag ng magpakasal ito sa isang Mariano, isang pamilya na kaya siyang protektahan despite of their family issue. Handa silang makipag-ayos sa mga Mariano kung sakaling hindi sila naiipit sa sitwasyon ngayon ng dahil sa mga Cong, mga anak sila na walang kinalaman sa away pulitika ng kanilang mga magulang, mas nanaig sa kanila ang magkaroon ng tahimik, normal at masayang buhay.

But right now they need to keep Miona away from here. Andito ang mga Cong para kumuha ng impormasyon sa kanila pero ang sinabi lang nila ay hindi pa nila ito nahahanap.

"Mga inutil ba kayo? Gumamit kayo ng pera mag-hire kayo ng tauhan!!!" sigaw ng kanilang head. Lumapit naman ang kanang kamay nito at may ibinulong, kapag ganun lagi ang kilos nito ay hindi nila magawang hindi kabahan, takot sila ng ngumisi ang matandang head.

"Alam niyo bang buntis ang bastarda ni Benoy?" nakangiting tanong nito sa kanila.

"H-hindi po namin alam, base sa nakalap naming impormasyon sa ospital kung asan na-admit si Miona nagkaroon ito ng miscarriage kaya nawala ang ipinagbubuntis" sagot ni Kristanya Aquino, kailangan nilang pagtakpan ang pagbubuntis ng pamangkin dahil kung hindi mas malaking gulo ang mangyayari.

"Asan ang files?" taas kilay na tanong ng head. Iniabot naman ito ni Vielanya Arellano. Sinuri ng matanda ang papel at ibinigay sa isang tauhan.

"Check if this is true, ask the doctor who conducted the operation. Kung ayaw magsalita dahil sa mga Mariano kill those bastards" utos nito sa tauhan. Naalarma na sila sa lalong madaling panahon kailangan na talaga nilang mailabas ng bansa ang pamangkin. Pero mahirap para sa kanila ang kumilos lalo at andito nga ang matandang head sa ngayon.

"Ipanalangin niyo na buntis nga ang bastardang iyon at dinadala niya ang isang taga-pagmanang lalaki dahil kung hindi papatayin ko siya at ang anak niya. Idadamay ko ang buong Mariano kung makikialam sila. Isa-isa silang tinignan ng matanda at nakaka-insultong tumawa.

"Hindi mararanasan ng bastardang iyon ang nangyayari sa buhay niya ngayon kung naging lalaki lamang siya, At ikaw Kristanya, kasalanan mo ito, hindi ka ba naawa sa pamangkin mo? Nagkaroon ka nga ng mga anak na lalaki na pwede sanang mamahala sa pamilya natin pero puro palpak naman ang mga anak mo isang damulag (guys I have nothing against special children kasi I have a sister na special child I just really need to do this para sa story sorry kung may ma-offend since I'm using real characters) at isang baklain (I have nothing against gays too huhu sorry kung may ma-offend isa din po akong babaeng bakla minsan babaeng tomboy), nakakahiya ka.!!! At kayo Ballestine at Pingkhine mga walang kwenta dahil babae ang mga anak, ikaw naman Vielanya isang inutil. Wala bang matino sa pamilya ninyo?" atsaka ito galit na umalis. Nagtinginan silang magkakapatid mas nag-alala sila sa binabalak nito kay Miona kaysa sa mga pang-iinsulto nito sa kanila ang kapakanan ng kanilang apo at pamagkin ang dapat nilang pagtuunan ng pansin.

"Is it about time for us to ask for help from the  Marianos ?" tanong ni Kristanya

"Not now, I have a plan, let's get Miona out of the country first. What we need to do is let Bonget be the next president in next year's election, by then we will ask for help from the family. Let's help his candidacy in secret" sabi ng kanilang ate na si Ballestine.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon