Chapter 93

249 11 2
                                    

Sandro's POV:

Nagpaalam si Iona sa kanya na aakyat na muna ito sa kwarto nila, aalis na sila mamayang alas syete kaya pinuntahan niya ito sa kwarto nilang mag-asawa dalawang oras na kasi itong nagkukulong sa kwarto. Pagbukas niya ng pinto wala naman ang asawa at mukhang hindi nahigahan ang kama pero nagkalat ang mga damit nito kanina. Hinanap niya ito sa banyo pero wala, nagsimula na siyang kabahan sa kung nasaan ito, kaya bumaba ulit siya para hanapin ang asawa, nagtanong na siya sa mga kasambahay nila pero walang nakakita sa asawa niya. That's when he went straight to the living room kung nasaan ang mga pulis at ang kanilang pamilya.

"Iona's missing" humihingal sa sabi niya sa mga ito.

"What?" gulat naman si Simon

"How can that happen?" tanong naman ni Vinny

"I don't know nagpaalam siya sa akin two hours ago na aakyat sa kwarto ng akyatin ko ito kanina she's not there but she had changed her clothes" sabi naman niya sa mga ito. Naglakad si Simon papuntang kwarto nila kaya sinundan nila ni Blake ang kapatid niya. Pagdating sa ganitong bagay mas magaling kasi talaga si Simon kaya nga ito nag-abogado, hindi lamang ito sa korte nagpapakitang gilas pero pati sa pagkalap ng mga impormasyon ay ginagawa din ng kapatid niya samantalang siya ay sa pulitika at pagplaplano, he's more into strategic planning just like his father and as they have said same with his grandfather naman nangunguna while Vinny wag niyo ng tanungin sa kamanyakan lang yun magaling. Umikot ito sa kabuuan ng kwarto at tinignan ang mga gamit ni Iona, hanggang sa makita nito ang naka-ipit na note sa coloring book ni Sander.

"You do have a stubborn wife, bro." sabay taas nito ng note na mukhang galing kay Iona. Tinignan naman nila ni Blake and it states here a certain location.

"Aside from being stubborn she's smart too, I think she received a message coming from Clein, mukhang alam nito ang bawat galaw natin" paliwanag ni Simon.

"So, during the call, Clein was toying with us and this is the correct location?" paninigurado niya rito.

"Yup, kaya lumakad ng mag-isa ang asawa mo it's risky to put Sander's life, buti at naisipan ni Iona na mag-iwan ng clue. We need to move now dalawang oras na din ang nakalipas magmula ng umalis siya, we need to instruct the police as well" ginawa na nila ang sinabi ni Simon and made a new plan on how to save both of his wife and son.

Iona's POV:

Malapit na ako sa location na sinabi ni Clein, malayo ito sa syudad at puro talahib ang makikita sa magkabilang daan buti na lang ay sementado ang daanan at natatanaw niya ang isang simpleng bahay sa tuktok ng maliit na burol. Kung papatayin nga naman siya ni Clein ay doon na sa walang tao, she needs to make sure that Sander is safe wala na siyang pakialam kung anong gawin sa kanya ng babae. Sana lang ay makita ni Simon ang note na iniwan niya, sa lahat ng mga Mariano ito ang inaasahan niyang makakakita nunn since abogado ito at mahilig maghanap ng ebidensya. Nakarating na siya sa loob ng bakuran ng bahay itinigil na niya ang kotse atsaka lumabas, natatakot man ay pilit niyang tinatagan ang kanyang loob para sa anak. Nang makababa siya ay saktong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Clein.

"Madali ka naman palang kausap Iona" sabi nito sabay hila sa kung sino mang nasa likod ng pinto, only to find out it was her son. Umiiyak ito at labis siyang naawa.

"M-mommy help" sigaw nito sa kanya lalapit na sana siya sa anak pero biglang naglabas ng baril si Clein at itutok ito sa sintido ni Sander na labis nagpa-iyak sa bata.

"Stop right there Iona kung ayaw mong mauna ang anak mo" malakas na sabi nito sa kanya.

"Please Clein don't point it at him natatakot na ang bata, bat mo ba kasi ito ginagawa" tumawa naman ito ng nakakainsulto.

"Psh hanggang ngayon hindi mo alam? Tatay mo lang naman ang nagpapatay sa mga magulang ko sa mismong bahay na ito. Kitang-kita ko ng pagbabarilin nila ang daddy ko atsaka nila ginahasa ang mommy ko samantalang kayo ng pamilya mo ay mahimbing ang tulog. Kung buhay pa sana ang daddy mo edi siya ngayon ang nandito pero dahil sa patay na siya at sinusunog sa kung saang impyerno man siya ngayon, edi ikaw na lang ang pagbabayarin ko o kaya ay itong anak mo para maramdaman niya kung pano mawalan ng magulang. Dahil sa pag-amin ng mga Cong sa mga kasalanan nila nalinis ang pangalan ng mga Arellano kasama na doon ang pagkalinis ng pangalan ng daddy mo!!!!!" naiiyak na sabi ni Clein.

"Clein please pag-usapan natin 'to, kung daddy ko talaga ang nag-utos sa pagpatay sa mga magulang mo handa akong ipabukas ang kaso nila at madidiin ang tatay ko kahit wala na siya madadagdagan ang pagkasira ng pangalan niya kung yan ang nais mo, just please let my son go" sabi naman niya sa dalaga.

"Well, maganda din naman yang sinabi mo pero kasi-, kulang eh nakukulangan ako Iona hindi sapat, nung umalis ako dito puno ng dugo ang buong bahay, ngayon sa pagbabalik ko gusto ko ding makita na may dugo ulit ang pader ng bahay na ito" nababaliw na sabi nito. Hindi nagtagal ay may narinig silang isang kotse na papalapit sa kanila ng huminto ito lumabas ang mga tita niya.

"Clein!!!!! hindi ang ama ni Iona ang nagpapatay sa magulang mo!!!!" sigaw ni Tita Ballestine.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon