Chapter 66

277 15 2
                                    

Sandro's POV:

Dumating na rin ang araw ng pagbabalik ng pamilya Arellano sa bansa. He received a call yesterday that the family won't travel by plane, instead they will use a private yacht to enter the country. Since they are located in Ilocos the sea is just near them, hindi madaling matunugan ng mga Cong na nandito ang kanilang kapamilya sa bansa. They need to be extra careful from now on, sinalubong nilang mag-aama ang mga tita ni Iona. Mas maigi na din na naiwan sa Singapore ang ibang miyembro ng pamilya nila para mas madali sa kanila ang kumilos agad. Pormal pa din ang pakikitungo ng mga ito sa kanila maliban kay Tita Vielanya na sinalubong agad siya ng yakap, ngumiti naman ang tatlong ginang sa kanya.

"Sandro hijo may balita ka na ba kay Iona?" napakunot ang noo niya, inaasahan niya kasing mas may lead ang mga ito tungkol sa kanyang asawa.

"I'm sorry po, but until now wala pa din I did everything to look for her. Nagkaroon kami ng mga lead pero ang huling nalaman namin ay sa Minnesota pero nung pinuntahan ko sila wala na sila roon. Honestly I'm quite expecting that you somehow have better leads than us" malungkot na pagbabalita niya sa ginang.

"Let's continue this at home, Sandro, we need to go now. Hindi tayo pwedeng magtagal in public, rumors travel fast" aniya ng kanyang ama. Kaya inalalayan na nila ang mga ginang papasok sa kanilang nakahandang van.

"You're Simon right?" tanong ni Kristanya sa kanyang nakababatang kapatid.

"Aaahhmm yes po, Ma'am" tumawa naman bahagya si Kristanya.

"You can call me Tita, hijo. You're the lawyer digging up Cong's dirt right?" patuloy nito.

"Ahm yes po T-tita" sagot naman ng kanyang kapatid.

"Your quite young hijo, why don't you let veteran lawyers take over? I mean hindi basta basta ang kakalabanin natin, Hijo?" takang tanong ng ginang.

"That's what I'm also telling him, But he's so stubborn, he won't listen" panggagatong ng kanilang ama, na siyang nagpatawa sa mga Arellano.

"I remember when you were still young Bonget you used to be like that a stubborn kid" saad ng panganay na babae sa mga Arellano hindi naman kasi lingid sa kanila na magkaibigan talaga ang mga Mariano at Arellano. Natabunan lamang ng mga conspiracies, selfishness and such.

"Tinawag mo ulit akong Bonget, Ate Ballestine" pang-aasar namang ng kanyang daddy. Sumimangot naman ang ginang.

"You see mga anak, Ate Ballestine had a crush on your father when we were younger but since she's 2 years older than him and hindi naman siya gusto ng daddy nio, bitter ang lola niyo ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Ate ng daddy niyo and on top of that your dad had a crush on Kristanya haha" saad naman ng pangalawang babaeng anak na Arellano si Pingkhine. Nagtawanan sila sa pangbibisto ng mga ito sa kanilang kapatid.

"Jeez ang tanda mo na bitter ka pa din" pang-aasar naman ni Tita Vielanya. Binatukan naman ito ni Tita Ballestine.

"Tigilan niyo ako!!" sabi lang nito.

"I remember Sandro being like that when we were kids, no wait until now pa din ata. Asar na asar siya kapag tinatawag siyang Kuya ni Iona yun pala crush niya na si Iona.. ahaha" nagtawanan naman ang mga ito, naalala naman niya ang mga panahong iyon, bigla siyang nalungkot, miss na miss na niya ang asawa niya. Nagulat siya ng biglang hawakan ni Tita Kristanya ang kanyang mga kamay. Nang tingnan niya ito, the woman gave him a warm smile.

"We will find her soon" maikling sabi nito. Ngumiti na lang siya at tumango. Hindi siya susuko at mawawalan ng pag-asa sa paghahanap sa kanyang asawa at anak. Nakarating na sila ng mansion, naka-abang naman ang kanyang mommy at Lola Meldy. Nagpalitan ng pagbati ang mga ito, it's a good thing that everyone is getting along with each other. He never knew that one day their families would work together like this, he thought that they will forever be rivals. Nagkamali siya ng pag-isipan niya ng masama si Iona sa pagiging isa nitong Arellano. Parang walang hidwaan na nangyari sa kani-kanilang pamilya ng mainit na tanggapin ng mga Mariano ang pamilya ni Iona, at nagpakita naman ng pagkagiliw ang mga Arellano sa kanyang pamilya. He wishes that Iona is here to witness how their families unite in order to save everyone. Hinayaan muna nilang magusap-usap ang mga matatanda at magkwentuhan sa isa't-isa.

"I can't believe what I'm seeing right now, siguro kung mas maaga pa kayong nagpakasal ni Iona matagal na nating nasaksihan ito" saad ng isa niyang pinsan.

"Well, everything happens for a reason" sabi naman ng isa.

"I understand that they're here to maybe fix the conflicts between our families. Pero bat kailangang patago silang pumunta dito? Aren't they sincere? Ayaw ba nilang makita ito ng publiko?" may pagdududang sabi ng isa sa kanyang mga pinsan. Hindi kasi alam ng mga ito ang tunay na rason ng pagpunta ng mga Arellano rito. Hindi nila idinetalye sa kanilang pamilya kung anong tunay na nangyayari. Ang alam lang ng mga ito ay ang pagiging Arellano ni Iona, ang pag-alis nito ng bansa pero ang alam na dahilan ay yung sa kanila ni Monique at ang pangatlo ay nung aminin  ni Simon na buntis parin ang kanyang asawa. Iyon lamang ang nalalaman ng ibang miyembro ng pamilya. Kahit ang mga tita at lola niya hindi din alam. Sila lang talagang mag-anak ang nakakaalam.

"You'll know it later, they have a bigger reason why they are here" seryosong sabi ni Simon.

(Rafa: Mga Mars may minor changes sa Chapter 22 edited na siya, gusto kong maglagay ng isa pang direct twist sa kwento kaya changed my plan.)

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon