Sandro's POV:
Pagkatapos nilang mag-usap ni Iona three days ago ay inihatid niya rin ito sa mansion ng mga De La Merced. They just extended their goodbyes and exchanged numbers. Akala ng dalawa niyang kapatid ay kasama na nila ang mga ito na uuwi ng Ilocos ng araw na iyon. He will finally meet his son tomorrow, derecho na ang mga ito sa mansion nila he asked his father to use their private helicopter at hihintayin na lang niya ang paglapag ng mga ito sa field nila. Gusto sana niyang sumama sa pagsundo sa mga ito pero wala ng space since the De La Merceds are also coming prior to his father inviting them since matagal na hindi nagkita ang mga ama nila ni Blake, Iona also asked him if he could invite her family as well as Syrin, Nay Milagros and Mang Bert, luckily everyone is free and excited to meet his wife and son. The Marianos are also complete, when he told his family that Iona is now back dali-daling tinawagan ng mommy niya ang buong pamilya nila, his Lola Meldy even stayed at their Mansion. Everyone is getting ready for Sander's arrival tomorrow, actually hindi nga niya alam kung Sander lang ba talaga ang pangalan ng anak niya, well they have all the time in the world to ask his son anyway.
"Are you excited son?" nakangiting tanong ng daddy niya.
"Yes dad, of course, but I'm a little bit anxious, I don't know how Sander's going to react. Iona said that until now they can't tell the kid that Blake is not his father, I told her na ako na lang magsasabi bukas" paliwanag niya sa kanyang ama
"Well I think that would be a better idea, try to talk to him and get his sympathy towards you. Para kapag nagtanong ang bata sa'yo mismo manggagaling ang sagot" payo naman nito sa kanya, dahil may pustahan sila hindi agad nila sinabi sa mga ito ang gender ng anak niya ng malaman ng mga Arellano na may pustahan nakipusta din ang mga ito at lahat sila ay babae ang inaasahan maliban sa kanilang magkakapatid ang ama lang nila ang nakakaalam, sa sobrang daldal ni Vinny nalaman tuloy ng ama nila.
"I hope so Dad na kilalanin ako ng anak ko, ni hindi ko pa nakikita ang itsura niya kung kamukha ko ba o kay Iona. But it doesn't matter anymore as long as they're here now" sabi naman niya
"How about Miguel sinabi na ba nila?" tanong ulit ng kanyang ama.
"Hindi din daw dahil mahina na ang matanda hindi pa nila nasasabi baka may mangyari ditong masama at atakihin pa sa puso, I just hope that Tito Miguel can understand" malungkot na sabi niya
"That old man is one of my trusted friends. I know that he's kind enough to forgive Iona and Blake, and to understand the situation as well" sagot naman ng kanyang ama.
"I just hope that everything will be okay, tomorrow" malungkot ang ngiting sabi niya sa ama. Pagising niya kinaumagahan halos nandito na ang lahat early in the morning to prepare, the ladies are busy in the kitchen while the men are setting up the table in their garden. They've decided to do it at lunch para naaayon sa mood ng lahat.
"Yow, Sandro my men, finally you're going to meet your son" sigaw ng isa sa mga pinsan niya.
"Anong son? The arrival of the Mariano Princess you mean?" taas kilay na sabi ng kanyang Tita Ayrin sa anak nito. Nagpatuloy ang mga ito sa kanilang argument samantalang siya naiinip na sa paghihintay. Makalipas ang kalahating oras ay nagtext na sa kanya si Iona, ang daddy at mommy niya kasi ang susundo sa mga ito, malapit lang naman ang field kung saan maglaland ang mga ito 15 mins away from their mansion. In just 5 minutes ay nandito na raw ang mga ito. Makalipas nga ang kulang limang minuto ay natatanaw na nila ang paparating na van na siyang sumundo sa mga ito. Bumaba na ang kanyang mga magulang kasunod ni Tito Miguel na may naka-alalay na nurse sumunod si Blake at ang kanyang asawa, and finally there he is, the mini version of Sandro Mariano, his son looking at them.
BINABASA MO ANG
The President's Son #1 (Sandro's Home)
FanfictionMariano- " Sandro" Growing up in a political family was never easy. Especially when we have to deal with people who hate us for crimes and conspiracies that we, our family, never did. My grandfather may not be a perfect president but he had sworn h...