Chapter 47

267 16 5
                                    

Iona's POV:

Sinundan na nga niya si Sandro, mukhang nakilala naman siya ng mga ito kaya hinayaan na lang siya at dumeretcho sa elevator. Hinanap niya ang room ng babae at ng matapat siya sa pinto, huminga muna siya ng malalim bago lakas loob na kumatok. Nagdaan ang tatlong minuto na hindi ito nagbukas kaya kumatok ulit siya ng mas matagal at mas malakas. Lumipas naman ang dalawang minuto na hindi nagbubukas ang pinto kaya kakatok na sana ulit siya ng bumukas ito at iluwa ang isang matangkad na babae, pinagtaasan lang siya nito ng kilay tinignan naman niya ang kabuuan nito at napansin niyang napaka-revealing ng suot nitong nighties (Imagine niyo yung mga nighties sa sexy and hot), so ito ang pinagkakaabalahan ng asawa niya.?

"Yes?" mataray na sagot nito

"Monique right?" bago ito sumagot ay narinig na niya ang asawa na tinatawag ang babae, sumilip ito at gulat ng makita siya. Medyo gulo na ang polo ni Sandro at bukas ang dalawang butones nito.

"Mahal, it's not what you think it is, I can explain" dahil sa nasa hallway pa siya at may mga dumadaan na tao hinila siya paloob ni Sandro bago pa man niya magawang umalis.

"Oh so you're the wife?" sabat naman ni Monique

"Just shut up Monique, Mahal listen to me, yes she's my ex-girlfriend we've been together for 6 years noong panahon na lagi akong wala sa bahay siya yung kasama ko, akala ko kasi kapag sumama ako sa kanya ng ilang araw malalaman ko kung sino talagang mahal ko, but I was wrong hindi ko dapat yun ginawa kasi from the very start ikaw na talaga ang mahal ko. Sorry baby, please forgive me" pagpapaliwanag sa kanya ni Sandro. Hindi naman niya alam kung anong sasabihin kaya tahimik na lang siyang umiyak.

"Baby please say something"- Sandro

"Wow, just wow Sandro kilala mo ba talaga yang childhood sweetheart mo? Yang asawa mo? Kilala ba ng buong pamilya mo kung sino talaga ang babaeng yan!!" sigaw ni Monique. Anong ibig nitong sabihin? alam ba nito kung sino siya? bat alam ng babae eh hindi naman niya ito kilala?

"What are you saying?" naguguluhang tanong niya rito, kumunot naman ang noo ni Sandro.

"Stop, I'm fed up with your lies Monique, aalis na kami" yaya ni Sandro

"Your wife is the daughter or no I'd rather say the hidden bastard of Ben Arellano III, yes Sandro yang asawa mo ay anak at galing sa mga Arellano ang pamilya na siyang sumira sa reputasyon ng family niyo. I didn't know you're that stupid not to know that your wife is an Arellano, baka nga plinano niya talagang makasal sayo para maging spy ng pamilya nila" gulat siya sa sinabi ng babae pero nagalit siya ng sabihin nitong ginagamit niya lang si Sandro.

"You better shut your mouth woman, I didn't use Sandro or any of the Marianos for my father's family." paliwanag niya

"So totoo? You're an Arellano?" seryoso at sarcastic na sambit ni Sandro

"No, I mean yes. My father is Ben Arellano, and my mom told me about it when I was in high school Sandro dun ko lang nalaman. When I heard about the truth I distance myself to your family you can ask Mami Lisa and Pops about that, but since I respect them at tumatanaw ako ng utang na loob sa kanila hindi ko lubusang nailayo ang sarili ko lalo pa nung bumalik ka na dito. Please mahal, I didn't use any of your family members, not even you. Walang pakialam ang mga Arellano sa akin at kay mom, they paid mom to get lost and never return kaya siya umuwi ng Ilocos habang buntis sa akin dahil ayaw samin ng mga Arellano and my father is not that man enough to save and protect us from his own family. Please listen to me" nagmamaka-awang sabi niya kay Sandro tinignan lang siya ng asawa at bigla itong malungkot na ngumisi.

"You lied to me, I married someone I completely don't know" disappointed na sabi nito.

"I'm sorry natatakot kasi ako sa magiging reaksyon mo, baka iwan mo ako, kamuhian mo ako sasabihin ko din naman ang totoo naghahanap lang ako ng tamang oras" sabi niya sa asawa

"Ang tamang oras Iona para sabihin mo yun ay nung sinagot mo na ako or nung bago tayo maikasal you have all the time to tell me but you didn't. And what made you think that I don't feel that way right now? Whether you said it before or now, will it make any difference?" sagot ni sandro hindi niya alam ang sasabihin ka yumuko siyang umiiyak. Tumalikod ang asawa at akmang aalis na kaya susundan sana niya nito ng hinila ni Monique ang buhok niya, nabigla naman siya kaya naitulak niya ito ng malakas at tumama ang ulo ng babae sa dulo ng mesa kaya dumugo ang noo nito. Doon lamang tumigil at lumingon si Sandro sa kanila, nagulat din ata ito kaya malakas siyang naitulak para puntahan si Monique. Napaupo naman siya at malakas na tumama ang pwet sa sahig kaya nasaktan siya. Pero mas masakit na makitang nag-aalala ito sa ibang babae pero sa kanya naitulak pa siya nito ng malakas. Binuhat ni Sandro ang dalaga na mukhang nahihilo at naglakad na ang kanyang asawa buhat ang babae palabas na ang mga ito ng tawagin niya ang lalaki.

"Sandro!!! Don't go!!" lumingon sa kanya ang asawa at sinabing

"Don't be selfish Iona it's your fault na dumudugo ang ulo niya. You go home" sigaw lang sa kanya ng binata. Tatayo na sana siya ng makaramdam siya ng sakit sa puson, pinilit niyang tumayo pero ng paghakbang niya parang may tumulong malagkit sa hita niya. Pagtingin niya may dugo, she's bleeding. Umalis na ang asawa, sinubukan niya itong tawagan pero hindi sumasagot. She called Simon instead sana lang ay nasa Batac pa ito.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon