Blake's POV:
Nagising siya ng may marinig siyang flash ng camera, bumungad sa kanyang mga mata ang magandang mukha ni Iona na sobrang lapit sa kanya. Narinig naman niya ang hagikgik ni Sander habang hawak nito ang kanyang phone. Kinuhanan pala sila nito ng isang litrato.
"There you go, now papa you and mommy already have a photo without me" masayang sabi nito at tinignan naman niya ang litrato, he smiled widely ang ganda ng pagkakakuha ni Sander, the morning light is touching both of his and Iona's face while the background has some shadows of the light magkaharap silang dalawa habang natutulog, if only this is true he would be completely happy. Sander is right, wala silang picture ni Iona ng magkasama puro picture nilang tatlo para lang may ipang-display sila na nakikita ng kanyang ama. Hindi niya alam kung kakayanin niya bang mawala ang mga ito sa kanya, alam niyang balang araw ibabalik na niya ang mga ito sa toong nagmamay-ari sa mga ito pero hindi niya sigurado kung kaya nga ba niyang ibalik ang mga ito kay Sandro.
"You captured it perfectly, son. Do you want to be a photographer when you grow up?" tanong niya rito
"Nope, I want to be a president" umiling na lang siya habang nangingiti, isa nga itong Mariano, nasa dugo ng mga ito ang pulitika.
"Why do you want to be a president?" patuloy na pagtatanong niya sa bata.
"Because I want to be like Ferdinand Alexander Mariano, we have the same name Papa" nagtaka naman siya kung paano nito nakilala ang great great grandfather nito.
"How did you know about the former president of this country?"
"I read it online, when mommy told me about the Philippines I searched it on the internet and then there I found him" proud na pagkakasabi nito sa kanya.
"Okay baby boy, time to wake up, mommy are you ready?" nakangiting sabi niya rito. Tumango naman ang bata at kiniliti nila ng kiniliti si Iona. Nagising naman ang babae at nagpupumiglas sa kanila.
"Letchugas ka talaga Blake!!!!!" sigaw nito at sabay silang tumakbo ng bata palabas ng kwarto. How he wishes that he'll wake up every morning like this.
Sandro's POV:
He woke up again feeling empty, he has been waking up in the morning like this for the past years. But he needs to wear a mask everyday for his family and for the people that need his help.
"Good morning everyone" masayang bati niya sa mga ito, it's the weekend today so the whole family is here even Vinny who had just finished his studies in Singapore and now just roaming around the city for his vacation.
"Kuya you haven't rested in the past years why don't you come with me and Simon today?" tanong ng kanyang bunsong kapatid.
"Where to?" maikling pagtatanong niya.
"Manila, BGC tonight. Party ng isang abogado sa firm ni Blake" sabi naman ni Simon. Matapos ang case ni Simon sa mga Cong, nagpatayo na din ito ng sariling firm at umalis sa firm ni Blake. Simon also stayed there kahit kaya na nitong magpatayo ng sarili nito pero mas minabuti nitong mag-stay muna para na rin makakuha ng impormasyon kay Blake.
"Not, interested" maikling sagot lang niya.
"Jeez, come on Kuya have a life, hindi naman siguro magagalit si Ate Iona. Di niya naman malalaman na mambabae ka hahaha" pang-aasar ni Vinny, mabuti na lang katabi niya ito kaya nabatukan niya agad.
"Excuse me, if ever man na sumama ako, pupunta ako dun para uminom hindi para mambabae. I do have a life, stupid" sabi naman niya.
"Sige na anak, you go with your brothers. Mukha ka ng matanda, natutulog ka pa ba? Go and have fun with them" sabi ng mommy nila, tumango na lang siya. Siguro maganda na rin na sumama siya sa mga kapatid, ngayon lang naman.
They are now in one of BGC's famous bars, the group of lawyers are occupying the whole bar for tonight's party. Not bad since he doesn't also want it to be so crowded, nag-invite lang ang mga ito ng iilan ding bisita to join the crowd. He joins Simon and his friends on their table while Vinny is busy flirting with some local models, tsk napakababaero. Halos mga kilalang abogado sa bansa ang andito ngayon at karamihan nga ay puro bachelors kaya naman bumabaha ng alak at babae. Nasa kalagitnaan na sila ng party ng bigla siyang tawagin ng host.
"Mr. Sandro Mariano, your brother Vinny said that you wanna play and mix some music with us tonight" nakangiting sabi nito. Nagcheer naman ang dalawang unggoy na kapatid niya at tinignan ng masama ang mga ito, tatanggi sana siya pero nakicheer na din ang ibang guest, nahiya naman na siyang tumanggi kaya pinaunlakan niya ang mga ito.
"I haven't played for a long time so I might be old and rusty now" biro niya at tumawa naman ang mga ito. He used to be a DJ in London for fun and hobby, He then started and the party continued. He played for three more mixes when the front door opened, and there he was walking like an Alpha, Atty. Blake Inigo De La Merced. No one is expecting for him to show up this evening, pero pinadalhan talaga ito ng invitation sa party. Tinignan niya si Simon at Vinny na seryoso na ring nakatingin sa kanya at bumalik ang atensyon ng lahat sa abogago este abogado ng may isang magandang babae ang kumapit sa braso nito. And yes, there she is looking pretty as ever, his wife Miona Avery Hansley-Arellano Mariano. Tuluyan na siyang natulala kaya tumigil na din ang music, labis din ang gulat sa mukha nila Simon at Vinny samantalang walang kaalam-alam ang iba sa tension na nangyayari ngayon, hindi pa sila nakikita ni Blake at Iona. Lumapit na si Simon at Vinny sa mga ito, andito lang siya natuod sa kanyang kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
The President's Son #1 (Sandro's Home)
FanficMariano- " Sandro" Growing up in a political family was never easy. Especially when we have to deal with people who hate us for crimes and conspiracies that we, our family, never did. My grandfather may not be a perfect president but he had sworn h...