Chapter XV

466 25 3
                                    

Iona's POV:

"Hala ka Ate, nag-walk out si Kuya hahaha" tumatawang saad ni Vinny sa kanya. Napatingin naman ang iba pang miyembro ng Mariano sa kanya na may naglalarong ngisi sa kanilang labi.

"Okay everyone I think it's about time to go Simon,Blake come with me. Vinny, you go with your mom. And Iona sundan mo si Sandro sumunod na lang kayong dalawa. Sandro already knows the location"

"Hindi siya masiyadong nakakain anak, you can bring him his breakfast, you know his room right?" utos naman sa kanya ng Mami Lisa niya. Hindi ko alam bat ako naguguilty eh wala naman akong ibang ginagawa, haist.

"Okay po Mami, Sige Pops susunod kami agad" sabi niya bago kumuha ng breakfast ni Sandro at tinungo ang hagdan pataas. Kumatok muna siya pero mukhang naliligo ata ang binata kaya pumasok na lang siya. Inilapag na muna niya sa table ang breakfast nito at nilibot ang kanyang paningin sa kwarto ng binata. Ngayon lang ulit siya nakapasok sa kwarto ni Sandro after how many years. Lumapit siya sa mga litratong nakadisplay, puro kuha nung mga bata pa sila, meron nung nagbibinata ito sa London, kuha ng pag-DDj nito, litrato ng mga kaibigan nito sa London. May isang frame na medyo nasa likod hindi niya masiyadong makita kukunin na sana niya pero biglang nagsalita si Sandro.

"What are you doing here?" malamig na tanong nito sa kanya. Mukhang galit ata sa kanya ang binata.

"Ahhmm" hindi niya alam ang sasabihin hindi kasi siya sanay na ganito kalamig ang trato sa kanya ng binata. Pinagtaasan lang siya ng kilay ni Sandro. Hmmp daig pa nito babae ang sungit ah.

"Pops said sunod na lang tayo sa kanila nauna na sila. And dinalhan kita ng breakfast obviously, pinagtatapon mo kasi yung kutsara at tinidor mo kaya hindi ka na nakakain kanina" paliwanag niya sa lalaki. Nakita naman niyang medyo lumiwanag na ang mukha nito, ang dilim kasi kanina eh.

"Your concerned?" tanong nito sabay ngiti ng maliit sa kanya.

"Ah hindi ini-utos lang ni Mami Lisa hindi ko nga naisipan na dalhan ka eh" pang-aasar niya dito para naman kahit paano ay mawala na ang galit nito. Pero mukhang hindi ata, wrong move na asarin niya bumalik na naman kasi ang simangot nito with matching kunot noo and salubong ng kilay.

"What the hell" saad ng binata "tara na hindi na ako kakain, hayaan mo ng magutom ako tutal wala ka namang pakialam" pagdradramang sabi ni Sandro, she didn't know that this guy has his childish side. Ang cute niya haha

"Joke lang naman eh, wag ka na magalit. eat your breakfast then will go na okay" paglalambing niya sa binata. Mukhang effective naman dahil naupo na ang binata

"Subuan mo ako" sambit nito bigla

"What? ang tanda mo na eh, ayaw ko nga" sagot naman niya

"Edi hindi ako kakain kung hindi mo ako susubuan, malalate tayo papagalitan tayo ni Dad pero dahil ayaw kitang madamay kasi baby kita aakuin ko yung kasalanan, so sakin lang magagalit si Dad sasabihan niya ako ng incompetent I can't be a future politician if I don't value the time bla bla bla bla bla bla blab" sunod sunod na sabi ng binata, naririndi na siya sa pinagsasabi nito.

"Jeez okay fine susubuan na po kita kamahalan, Didn't know you could be this childish, tip ko kaya to sa media baka magkapera pa ako" sabi niya sabay subo kay Sandro ng pagkain. He gladly took the food and tuwang tuwa pa ito.

"Well I'm only childish when it comes to you, Baby" dati rati normal lang sa kanyang pandinig ang pagtawag nito sa kanya ng baby pero bat ngayon kinikilig siya. She felt awkward, nararamdaman niyang umiinit ang pisngi niya. Naka-sandal siya sa table ni Sandro habang nakaupo ito sa harap niya at sinusubuan niya ng pagkain nakatingala ito sa kanya ng bahagya at tinitignan siya, ng bigla itong ngumiti at tila naaaliw sa nakikita. To remove the awkwardness she's feeling tinawag niya itong kuya.

"What the F-" muntik na namang pagmumura nito ng sigawan niya.

"SANDRO!"

"Then don't call me Kuya, I said stop calling me Kuya, bat si Blake hindi mo naman tinatawag na Kuya. Do you really only see me as a brother, huh Iona?" she was caught off guard. Hindi niya masagot si Sandro because she knows very well na hindi niya kayang sagutin ito. She doesn't want to say yes neither to say no. Nakatingin lang si Sandro sa kanya pero mas minabuti niyang lampasan na lang ito.

"Let's go baka malate pa tayo, Sandro" sambit niya sa binata bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sana sa sinabi niya nagkaroon ito ng hint.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon