Chapter 69

260 17 5
                                    

Sandro's POV:

Another year has passed again, and they are happy that the case for the Congs are very progressive. Having the Arellanos around them is a big help unti-unting nari-raid ng mga awtoridad ang mga drug dens, casinos, even their human trafficking and smuggling business ay unti-unting nasasalakay. Tatlo sa miyembro ng lalaking Cong ang nakakulong na samantalang nagtatago ngayon ang head ng mga ito at ang pinaniniwalaang susunod na magiging head ng kanilang pamilya. Naiparating na din nila sa publiko ang pagkakaisa at pagkaka-ayos ng pamilya Mariano at Arellano, nagkaroon ng chance ang mga Arellano para isiwalat sa publiko ang ginawang panggagamit ng mga Cong sa kanilang pamilya at ang ginawa din ng mga ito na pambibintang sa kanya namang pamilya. Si Lola Meldy ang labis na natutuwa sa nangyayari pagkat matagal na niyang hinahangad ang kapayapaan at pagkakaayos ng kanilang mga pamilya. Simon and Syrin did a good job investigating more of the Congs illegal activities walang pinalampas ang dalawa, his brother battling in court while Syrin battling in the field. While his family and the Arellanos were busy looking for witnesses and raiding the Cong's businesses, as for him busy looking for his wife and child isama mo na din ang abogagong Blake sa paghahanap niya. Hanggang ngayon ang paghahanap na lang kay Iona ang wala pang progress. Patuloy ang paglago ng negosyo nito, Blaire is doing a great job pero ayon sa dalaga ay hanggang ngayon wala na talaga itong komunikasyon sa mga amo, well technically Iona is her employer. Maswerte na lang sila dahil napaka-loyal nito at maasahan, si Syrin lang naman ang umaaway sa babae. Habang busy ako sa paghahanap sa aking pamilya, patuloy pa din ang ginagawa kong responsibilidad sa aking distrito gusto ko na kapag bumalik na si Iona makita niya ang paglago ng aking nasasakupan. I want Iona to see a better Sandro, a better version of me. Namimiss na niya ang asawa, kapag tinatanong siya kung asan ito sinasabi na lang niya na busy sa pagpapatayo ng supermarket sa ibang bansa, sinabi niyang balak nitong patayuan lahat ng states sa America, akala ng publiko joke lang pero yun naman talaga ang plano ng kanyang asawa. Mas mayaman pa nga ito kesa sa kanya, hamak lang siyang congressman dito sa Ilocos kung hindi niya pa dala-dala ang pangalang Mariano nababagay kaya siya kay Iona..?

"Hoy lalim ng iniisip natin ah" tapik sa kanya ni Simon

"Bro, kung hindi ako isang Mariano tapos congressman lang ako, sa tingin mo babagay ako kay Iona? just think of it, mas mayaman pa ang asawa ko kesa sakin. Diko nga alam kung bibigyan ako ni daddy ng mana haha" pagbibiro niya.

"Psh, kahit manatili ka pang Mariano hindi ka pa rin bagay kay Iona" kumunot naman ang noo niya.

"The Fu-"

"SANDRO!!!!!" panggagaya ni Vinny sa boses ni Iona kapag sasabihin niya ang F word nagulat naman sila sa pagsulpot nito pero bigla din silang nagtawanan.

"God, I miss ate Iona so bad" malungkot na pag ngiti ng kanilang bunsong kapatid.

"Me to kiddo, me too" sabi naman ni Simon

"Psh paano naman kaya ako nhue?" sabat naman niya.

"Yan kaya ka hindi nababagay kay Iona kasi Anghel sa bait yun ikaw, napaka-demonyo mo" pang-aasar ni Simon at nakipag-apir pa kay Vinny

"Psh eh ikaw ano? babagal-bagal ka mamaya maunahan ka kay Syrin" namula naman ito.

"What the-? I don't like her" pag-iling pa nito. Nagtinginan sila ni Vinny at sabay nilang sinabi na

"In Denial jerk!!" atsaka sila nagtawanan, naabutan naman sila ng kanilang magulang sa ganoong tagpo. Kahit kasi pwede silang tumira sa Malacañang, inyawan pa din nilang magkakapatid kahit ang mommy niya ay nanatili rito sa Ilocos ang daddy naman nila mas pinipiling umuwi pa din kahit weekends or kapag wala itong masyadong gagawin sa Malacañang.

"Ang saya namang tignan ng mga baby boys ko" paglalambing na saad sa kanila ng kanilang mommy na ikina-ngiwi naman nila ni Simon.

"Psh mom si Vinny lang ang baby boy mo, wag mo na kaming idamay" Simon said. While Vinny on the other hand ay naglalambing na parang baby sa kanilang mommy. Binatukan naman ito ng daddy nila.

"Umalis ka nga jan ke damulag mong bata, ako na lang ang baby ng mommy niyo. Maghanap na kayo ng ibang magbaby sa inyo" sabay pabebe ng daddy nila sa kanilang mommy na itinulak naman ang kanilang ina.

"Mahiya ka ngang matanda ka, para kang hindi presidente." nagtawanan naman sila ng ngumuso ang kanilang ama. The hell is that?

"I wish I could do these things with Iona and my child soon" may halong lungkot na sabi niya, napatingin naman ang mga ito sa kanya.

"Don't worry anak makikita din natin sila soon" pang-aalo ng kanyang mommy.

"I have a strong feeling that when we see Iona again she's with Ferdinand Alexander Mariano the IV" proud na sabi ng daddy nila.

"Bakit sure ba kayong lalaki ang apo ko?" taas kilay na tanong ng mommy nila.

"Oh mom wanna bet? 2 million coming from my own savings account, I bet he is the IV" mayabang na sabi ni Vinny.

"Count me in. 1 million, he's the IV" his father added.

"Mga poor, 3 million, he's the IV" sabi naman ni Simon at napatingin ang mga ito sa kanya.

"What? Do I have to bet, too?" tumango naman ang mga ito. " 1 million if my baby is a mini version of Iona and 5 million if my baby is a mini version of me" nanlaki naman ang mata ng mga ito.

"Teka nga!!! ang yayabang niyo may pa-million million pa kayong nalalaman, peso ba ang usapan natin dito?" pagtatanong ng kanilang ina.

"Nope 2 million sack of rice for the people, yeah donation" sabi ni Vinny

"1 million box of assorted canned goods for the people, donation as well" kibit balikat na sabi ng kanilang ama.

"3 million worth of computers for students, donation" sabi naman ni Simon.

"1 million donation funds and 5 million donations for feeding program and scholarships" saad naman niya.

"Psh ang yayabang nga ninyong mga Mariano, fine 10 million worth of funds for livelihood para sa kababaihan my grandchild is a mini Iona" oh diba nagpustahan na nakatulong pa sila and his Mom coming from an old rich family of the Alcantara would bet 10 million first time haha...

"Akala niyo kayo lang ang mayabang na Mariano sa pamilyang ito? 15 million worth of pabahay funds, my great grandchild is the IV" sabi ng kanilang Lola Meldy hindi namalayan ng mga ito ang pagdating ng iba pang Mariano, at kanya-kanyang pusta na nga ang mga ito syempre ang mga tita at tito niya gusto ng babae ang mga pinsan naman nila ay puro lalaki. Tumingin siya sa langit na puno ng bituin. We are all waiting for you, young Mariano.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon