Sandro's POV:
Tinatapos na niya lahat ng dapat gawing paper works at meeting dahil approved na ang hinihiling niyang one month leave para sa mag-ina niya. He's finishing signing all the needed documents for next week when his phone rings. Hindi niya na sana sasagutin pero nakita niyang asawa niya ang tumatawag. Pagka sagot niya sa tawag nito ay umiiyak na ang asawa sa kabilang linya, hindi niya ito maintindihan kaya naman ay sinabihan niya muna itong kumalma.
"Iona, mahal calm down please, I can't understand you clearly" sabi niya rito, rinig niyang huminga muna ito ng ilang beses bago sinimulang magsalita.
"Someone took Sander and we don't know who" nanigas naman siya sa sinabi nito, ano na namang gulo ito. Dali-dali siyang nag-ayos at lumabas agad ng city hall dumeretcho agad siya sa supermarket ng asawa dahil kasalukuyang andun ang mga imbestigador at pulis. Nakita naman niya si Iona na kinakausap ng isang pulis kaya agad siyang lumapit rito.
"Mahal" sigaw niya "What happened?" tanong niya agad rito ng mapansin naman niya ang isang dalaga na grabe ang iyak.
"Kasalanan ko po Congressman, pinabantay po kasi sakin ni Ms. Iona si Sander pero may lumapit pong magandang babae na parang model, sinabi po kasi niya kaibigan ninyo siya at pinapasundo ito ni Ms. Iona pero nung dumaan ang isang diser sinabi nito sa akin na hindi sa opisina ni Ms. Iona patungo ang mga ito kundi palabas ng supermarket. Agad po akong lumabas para hanapin sila pero wala na po si Sander" gusto niya itong sigawan pero pinigilan siya ni Iona.
"It's not her fault, it's my fault kung hindi ko sana pinayagan si Sander at isinama na lang siya hindi ito mangyayari." iyak ng iyak si Iona kaya niyakap na niya ito at pinatahan siya na ang humarap sa mga pulis at imbestigador tinanong na din niya ang dalagang nagbantay kay Sander.
"Anong itsura ng babae?" agad naman itong sumagot.
"Matangkad po na maganda parang model, nagpakita po siya ng picture na kasama kayo at isang picture na kasama ang ilan niyo po yatang kaibigan kasama si Ms. Iona, kaya po ako naniwala" si Monique ang agad na pumasok sa isip niya, kinuha niya ang phone at naghanap ng litrato nito sa internet.
"Siya ba?" galit na tanong niya, dahil kung nagkataon na si Monique nga ang kumuha sa anak niya, baka kung ano pang magawa niya sa dating kasintahan.
"Hindi po siya Congressman" nagulat naman siya dahil inaasahan niyang si Monique na nga ang suspect, siya lang ang may dahilan para kidnapin ang anak namin ni Iona, siya lang din ang model na malapit sakin.
"Teka lang po Congressman pwede ko po bang hiramin ang phone niyo?" ibinigay naman niya sa dalaga ang kanyang phone. Nag scroll ito ng nag scroll ng biglang may sinabi itong hindi nila inaasahan.
"Ms. Iona siya po, siya po yung babae hindi ako pwedeng magkamali" ng tignan nila kung sino ang itinuro nito nagkatinginan sila ni Iona, bakit si Clein? wala itong solo picture puro kasama si Monique kaya siguro hiniram ng dalaga ang phone niya.
"S-sigurado ka ba?" tanong ng asawa niya. Tumango naman ang dalaga "Sandro, anong kinalaman ni Clein dito? I mean, ikaw ba ang dahilan?" oh shit don't tell me Iona's suspecting me of something with Clein.
"Mahal no, I didn't had any romantic relationship with her, I barely knew Clein nakilala ko lang siya ng dahil kay Monique we're not even close" paliwanag niya rito.
"Wait, nung nalaman ni Monique yung pagiging Arellano mo, tinanong ko siya kung paano at saan niya nalaman and she said na si Clein daw ang nagsabi. A man during the party kung saan dumating sila noon if you can remember, may lalaking nagbigay daw kay Clein ng isang sulat tungkol sa'yo and Clein told her" dagdag niya pa, tumango lang ito at tila may iniisip.
"Oh shoot, yung lalaking nakita ko noong panahong naaksidente si Mommy siya rin yung nakita ko sa party kaya ako umuwi agad kasi natatakot ako that time, magkasabwat ba sila ni Clein?" gulong-gulo na din sila sa nangyayari hindi nila inaasahan of all people kung bakit si Clein.
"Mr and Mrs. Mariano mas mabuti pong mag set-up tayo ng plano sa bahay niyo para in case na tumawag ang kidnapper at mag ask ng demand, kikilos agad ang kapulisan" pumayag na din sila sa sinabi ng mga ito, they called everyone to be there pag-uwi nila, tinawagan din ni Iona ang mga Arellano kung pwedeng pumunta ang mga ito kasi baka may nalalaman, they need to know how is Clein connected to them. Umalis na sila at dumeretcho sa mansion ng mga Mariano hindi niya alam kung meron ang daddy niya pero so far wala pang media na nakakatunog sa nangyari, inutusan niya ang staff niya to fix the things sa labas ng supermarket ni Iona. Naabutan nila ang ilan sa mga Mariano pagkauwi nila andun ang mga kapatid niya, mga tita niya at ilan sa mga pinsan niya. Nagtanong ang mga ito kung anong nangyari at sinabi naman nila kung paano nakuha ni Clein si Sander, makalipas ang ilang sandali ay ang mga magulang niya naman ang dumating kasunod ng mga ito ang mga pulis kanina. Nasa Malacanang na pala ang mga ito pero ng marinig ang balita mula sa staff ng kanyang daddy ay agad na bumalik ang dalawa. Mag-gagabi na pero wala pa din silang natatanggap na tawag mula kay Clein o sa kung sino man. Ilang sandali ay dumating ang dalawa sa Tita ni Iona, si Tita Pingkhine at Vielanya, inilahad nila ang nangyari pero mukhang hindi din kilala ng dalawa sa kung sino si Clein. Pinakita naman nila ang picture nito pero hindi daw nila ito makilala.
"Wait, Ate Pingkhine hindi ba ito yung anak ni Sergio at Juanita Cong? Hindi ko masyadong maalala ang mukha ng batang iyon, puro make-up kasi dito kaya hindi ako sigurado kung siya nga" bigla silang nabuhayan sa sinabi ni Tita Vielanya.
"Sandali tawagan ko si Ate Ballestine nasa library nila ang lumang family tree album ng mga Cong" sabi nito at naglakad palayo para tawagan si Tita Ballestine.
"Tita sino yung mga binanggit mo?" tanong ni Iona, lumapit naman sila at nakinig dito.
"Si Sergio Cong ay anak sa labas ng kapatid ng head na nakakulong ngayon, dahil sa mas nauna ito kesa kay daddy mo Iona, siya ang ini-uupo ng ilan para mamahala sa pamilya. Pero karamihan sa mga Cong ay hindi gusto ang ideyang iyon, ginawa nila ang lahat para hindi maupo sa pwesto si Sergio Cong at hindi lang yun inalisan siya ng kayamanan at itinakwil ng pamilya para wala itong laban kung sakali. Namuhay ng simple at tahimik ang pamilya ni Sergio at Juanita, may nag-iisang anak ang mga ito, hindi ko matandaan ang pangalan ng bata kasi matagal na at minsan ko lang nakita, parang magkapatid ang turingan ng daddy mo at ni Sergio kaya ng minsang makatakas kami ni Kuya, pinuntahan namin sila doon ko una at huling beses na nakita ang pamilyang iyon hanggang sa mai-upo na ng mga Cong ang daddy mo Iona. Makalipas ang ilang buwan nabalitaan namin na pinatay si Sergio at Juanita nawawala naman ang anak ng mga ito." mahabang paliwanag ni Tita Vielanya, hindi nila alam kung paano magrereact sa nalaman, paano kung si Clein nga ang batang yun, is she here for revenge? Humahangos na lumapit sa kanila si Tita Pingkhine.
"Dyosko, siya nga ang anak nila Sergio at Juanita her name is Maria Constantine Cong " sabi nito at ipinakita sa kanila ang lumang larawan ni Clein at siya nga ang nasa litrato. Umiiyak na naupo si Iona sa sahig.
"W-why is she doing this? Anong kinalaman ng anak ko" sabi ng kanyang asawa.
"I think she's here for revenge, hindi ko alam kung ano ang nangyari pero malaki ang kinalaman ng mga Cong dito, o baka sinisisi ni Clein ang daddy mo Iona sa pagkamatay ng kanyang mga magulang" sabi ni Tita Pingkhine.
BINABASA MO ANG
The President's Son #1 (Sandro's Home)
FanfictionMariano- " Sandro" Growing up in a political family was never easy. Especially when we have to deal with people who hate us for crimes and conspiracies that we, our family, never did. My grandfather may not be a perfect president but he had sworn h...