Chapter 52

315 15 2
                                    

Simon's POV:

It's been another month and Iona is doing good in Baguio. Nahahalata na din ang pagbubuntis nito, and yes it was him who conspired with Iona's doctor and her files. Hindi din ito alam ni Iona na ipinamalita niya sa asawa nito na wala na ang kanilang anak. He wants Sandro to learn from his mistakes, he wants him to learn how to love unconditionally sasabihin din naman niya sa kapatid kapag malapit na ang due ni Iona he still want his brother to be there kapag nanganak ang asawa. Sa loob din ng isang buwan walang ginawa si Sandro kundi ang ibuhos ang buong atensyon nito sa pangangampanya. Puro na lang ito trabaho although hinahanap pa rin nito si Iona hindi daw para pilitin ang dalaga na bumalik sa kanya kundi humingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang at sakit na ipinaramdam niya rito. Muntik na niyang sabihin sa kapatid kung asan ang asawa at anak nito buti na lang napigilan niya ang sarili minsan kasi naawa na din siya rito. Bigla namang tumunog ang kanyang phone, tumatawag si Syrin.

"I need to talk to you, let's meet at ******" seryosong saad ng dalaga. Nanibago naman siya rito dahil ngayon lang siya kinausap ng ganun. Pumunta na din siya baka magwala pa ang dalaga. Agad naman niya itong nakita at halos lumabas na ang kanyang mata sa nakikita, Syrin has a lot of cakes on her table, ano bang klase ng ahas ang alaga nito.

"Ano yan bibitayin ka na?" tanong niya at tumingin naman ito sa kanya.

"knfisghgnpsdojan" sabi nito.

"Jeez lady swallow your food first, ang dugyot neto" binato naman siya nito ng rolled tissues. Uminom na muna ito bago inihagis ang isang envelope sa kanya. He opened it and saw investigations about Iona oo nga pala may detective agency ang mga ito. Well there's no use in denying.

"So care to explain?" taas kilay na tonong nito sa kanya.

"It's all written in that report and it's true, I'm the one hiding her" lumapit ito at binatukan siya.

"Ako ang bestfriend ako dapat nagtatago sa kanya" sumbat nito

"Maingay ka daw kaya wag na lang, kaya nga di ba hindi ka din pinapayagan humawak ng case ng papa mo dahil jan sa bunganga mo" inirapan lang siya ng dalaga. Pero bigla na naman itong sumeryoso at naglabas ulit ng isang file this time sa mukha niya ito inihagis ng dalaga.

"Ano bang problema mo!?" sigaw niya rito

"Wala lang mga traydor kasi kayo" sambit lang nito. Binuksan naman niya ang file at ito ay report na naglalaman ng pagkatao ni Iona. Nagtataka siyang tumingin sa dalaga.

"Don't look at me like that, copy yan ng report ni papa nung si Pops ang nagpa imbestiga. I accidentally saw that nung nakita ko ang pangalan ni Iona. Bring me to her we need to talk" nag-usap sila ni Syrin about it and tinawagan niya si Iona, pumayag naman ang hipag sa gustong mangyari ng kaibigan nito.

"Tomorrow susunduin kita sa bahay niyo, and by the way bat ka nakiki-POPS sa dad ko?" ngumiti lang ang dalaga sa kanya at tinalikuran na siya. Baliw talaga ang isang yun. Kinabukasan bumiyahe na sila ng dalaga, mga bandang tanghali na sila nakarating sa kanyang rest house.

"Oh ano pang hinihintay mo bumaba ka na" utos niya rito. Nag-alangan naman ito pero bumaba na rin. Pagpasok nila sa loob sinalubong naman na sila ni Iona, pero bigla itong sinampal ni Syrin.

"What the heck Syrin!!" awat niya sa babae. Ngumiti lang si Iona at tumingin sa kanya.

"It's okay Simon, can you leave us for a while" nag-alangan man ay sinunod na niya ang hipag. Makalipas ang isang oras lumabas na ang mga ito sa kwarto ni Iona parehong mugto ang mata ng mga ito pero nagtatawanan na ang dalawa. Psh mga babae nga naman.

"Nangyare mga teh?" -Simon

"Aiy Simon federasyon ka atey?" tatawa-tawang saad ni Syrin. Psh sinadya ko yun baliw ba to?

"So okay na kayo?"- Simon

"Hindi ba obvious? Matapos naming magtawanan sa harap mo hindi pa din obvious?" pang-asar sa kanya ng dalaga. Inirapan naman niya ito.

"Ay teh bengga ang future husband ko nang-iirap, sige umirap ka lang okay lang pero make sure na patitirikin mo din ang mga mata ko sa sarap wahahahaha" what the heck is this woman thinking?

"Hindi kita type, mag-isa kang patirikin yang mata mo" tumatawa lang si Iona sa kanilang dalawa.

"Tama na, kumain na tayo kanina pa ako nagugutom eh," atsaka nito inumpisahang kumain, nagsipagkain na din silang lahat dahil ang gana ng buntis na kumain sa harap nila ni Syrin. natutuwa naman siya at maganda ang lagay ni Iona at ng bata. Tumataba na din si Iona but still remained pretty. Bigla naman siyang siniko ni Syrin.

"Hoy wag mong manyakin si Buntis, lagot ka sa kuya mo. Ako na lang manyakin mo sige na" tatawa-tawang bulong nito sa kanya. Binatukan na lang niya ang dalaga. Pagkatapos kumain ay nagpapahinga lamang sila habang nakikipag kwentuhan kay Iona bago sila nagpaalam na aalis na.

"Hoy bakla aalis na muna ako pero babalik ako next week, mag-stay ako ng isang linggo" sabi ni Syrin sabay yakap sa hipag niya.

"We'll go ahead, Take care and call me if something happens" paalam naman niya rito.

"Sure, have a safe trip both of you and please Syrin don't mention anything to Sandro" tumango na lang silang dalawa rito. Habang nasa daan sila nagsalita ang dalaga.

"Hindi alam ni Iona yung ginawa mo?" umiling naman siya at bumuntong hininga ito. Not now, pero malapit na.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon