Chapter 70

266 17 2
                                    

Lumipas na naman ang isang taon ng mahuli ang dalawa pang natitira sa miyembro ng mga Cong, labis silang natuwa sa napakagandang balita ngayon nga ay malaya na ang mga Arellano mula sa kamay ng kanilang angkan at malaya na din sa wakas ang kanyang asawa at anak mula sa balak ng mga ito. Apat na taon na nilang hinahanap ang kanyang pamilya pero sadyang magaling si Blake sa pagtatago sa mga ito. Gumawa ng paraan si Blaire para makontact ang lalaki at idahilan na may problema sa negosyo ni Iona anim na buwan na hindi naghulog si Blaire sa bank accounts ni Iona. Kinausap muna siya ng dalaga tungkol sa plano nito dahil naawa na daw sa kanya na halos araw araw dumadaan sa main branch ng supermarket para lamang magtanong, iyon na kasi ang nakasanayan niya sa loob ng apat na taon. Sinabi nitong ihuhulog ito sa personal account niya, may isang bank account siyang hindi ginagamit kaya dito na lang nila inilagay sadya talagang milyon milyon ang pumapasok na kita sa negosyo ng kanyang asawa linggo-linggo. Dahil dito ay napilitan si Blake na kontakin si Blaire, kumuha naman sila ng expert para i trace kung asan nagmumula ang tawag at na pin ito sa Florida. Agad-agad siyang bumiyahe sa lugar na iyon pero natagalan sila ng tatlong araw bago malaman kung saan eksakto sa Florida ang location dahil dalawang beses lang tumawag si Blake ng huling tumawag ito, nakuha naman nila but then again he's too late umalis daw ang mga ito pitong oras bago siya makarating. Dahil sa hindi pa siguro nakakalayo ang mga ito ay hinanap nila sa susunod na state pero hanggang doon na lang sila, nawalan na naman sila ng lead at hindi na tumawag pang muli si Blake kahit ipinagpatuloy ni Blaire ang hindi paghuhulog sa account ni Iona na umabot ng isang taon. Dahil sa nawawalan na siya ng gana na hanapin ang asawa kung ayaw naman nitong magpakita ipina-ubaya na niya sa tauhan ni Mr. Park at Syrin ang paghahanap sa mga ito. Hindi na siya personal na nakikialam at sinabi sa mga itong itigil na ang regular na pag-update sa kanya. Naiintindihan naman siya ng mga magulang, ganun na din ang mga Arellano na tumutulong din sa paghahanap sa kanilang pamangkin at apo.

"Are you giving up on her, again?" tanong ni Simon ng maabutan siya nitong umiinom ng alak sa bar counter nila. Ngumiti naman siya at umiling.

"Napagod lang ako Simon, napagod lang ako na maghanap sa ayaw namang magpahanap. But that doesn't mean that I gave up on her and to our child. Pwede naman siguro akong mapagod diba? Pahinga lang Simon, magpapahinga lang ako pagkatapos nun gagalaw ulit ako, right now I just wan to rest and do more to my remaining 2 years in service as a congressman for district 1 bago matapos ang termino ko gusto ko namang makita ang pagbabago o progress na nagawa ng aking pamumuno. Just let me do this before I look for her again personally" nanghihinang sabi niya sa kapatid. Tumingin naman ito sa kanya at tumango.

"If I'm talking to the old Sandro right now I'll really punch you. I'm proud of what you've become, brother" pang-aasar nito. Natawa naman siya.

"Minsan naiisip ko it was really Iona avoiding me not Blake taking her away. Nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko na mahal niya pa rin ako. I really don't know what to think and feel anymore, Simon. I'm confident of the things that I can do as a politician but having confidence that Iona still loves me, I'm losing hope." at tuluyan na nga siyang umiyak sa harap ng kapatid wala na siyang pakialam kung he's showing his soft and weak side to his brother, ang importante sa kanya ngayon is to cry, to cry his heart out.

"Simon I miss her, I really really miss Iona, do you think she still loves me Simon, hahaha" lasing na siya pero sinamahan pa din siya ng kapatid kahit wala na siyang kwentang kausap.

"Have faith in her and trust her, Kuya. If you do then at least there's still hope for the both of you" sabi nito bago siya tuluyang makatulog sa kalasingan.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon