Chapter 99

401 15 3
                                    

Iona's POV:

Naiinis ako sa lalaking to, bigla bigla na lang mag-aamok ng away parang bata, parang hindi naging congressman. Kung nagseselos ipapakita niya talagang nagseselos siya, ang init lagi ng ulo parang shunga. Well kung iniisip niyong naglalandian kami ni Zion of course not!!! mahal ko asawa ko at mga anak ko. As for Zion he's gay, yes you heard it right, closet queen ang lolo niyo kinaibigan siya nito kasi safe naman daw ang beauty nito sa kanya since may asawa na nga siya. Okay na din na lagi silang magkadikit ni Zion gamitan ang friendship nilang dalawa ito sa pag-iwas sa mga babae sa pag-aakala na may relasyon sila, nachichismis nga siya sa college nila na naglalandi kahit may asawa na at syempre ginagamit niya din ito para maiwasan ang mga lalaking nagpapakilala at nagbibigay interes lalo na sa ibang department na hindi alam na asawa siya ng isang Mariano. Alam din niya ang ginagawang kalokohan ni Sandro at Vinny, kaya naka-enroll din si Vinny rito para kumuha ng ilang units for business management ay dahil sa pagbabantay sa kanya, at first iniisip ko lang na praning na si Sandro pero ng magbigay opinion si Zion tungkol dito ay napa-isip siya, na kung wala daw bang tiwala sa kanya ang asawa niya. I know naman na malaki ang tiwala namin ni Sandro sa isa't-isa pero kasi kahit naman may lumapit at magpakilala sa kanya wala ba akong utak para malaman kung interesado sila o hindi sa akin. Kasi kung mahahalata ko naman ako mismo ang lalayo dyos ko nasa 30's na kaming dalawa feeling niya teenager pa din kami? Like ang ganda ko ba talaga? Char!! malamang asawa na nga ako ni Sandro ngayon eh wahahaha, ang pinag-aagawan sa social media up to now... pero hindi, naiinis pa din ako sa lalaking 'to kaya hindi ko siya pinapansin kahit makailang ulit na itong lumilingon sa akin at palakas ng palakas ang kanyang pag-buntong hininga pero hindi ko talaga siya pinapansin. Hanggang sa bigla itong mag-outburst.

"So, nagagalit ka sakin dahil naistorbo ko ang paglalandian niyong dalawa" may hinanakit na sabi nito sa kanya. What the fudgee bar o bar sa sarap!!!!!

"Nasaan ang paglalandian sa sinasabi mo, Sandro!!! We are only talking like normal friends!!!" hindi niya maiwasan na pagtaasan ito ng boses dahil ayaw niya sa ipinupunto nito, paano kapag hindi bakla si Zion at magkaibigan lang talaga sila? pag-iisipan siya nitong nakikipaglandian??!!!

"Naah from what I saw ang sweet niyo habang nagtatawanan and yeah" sabay tingin nito sa bulaklak na ibinigay sa kanya ni Janice kanina isa sa mga classmate niya na laging nakakatanggap ng bulaklak mula sa admirer nito na ipinapamigay lang naman niya sa mga kaklase namin at dahil kasabay namin siya kanina ibinigay niya ito sa akin, gusto sana ni Zion na sa kanya para daw naman ma-feel nito ang mabigyan ng flowers kaya sila nagtatawanan dahil sa bulaklak pero hindi niya sasabihin kay Sandro, bahala itong mamatay sa pag-ooverthink at pagseselos "may pabulaklak pa ang gag*" pagpapatuloy na sabi nito.

"Ang laki ng problema mo!!! paglalandian na sa'yo yun? Ang paglalandian yung maghahali-" nagulat siya ng sumigaw ito.

"Ituloy mo yang sinasabi mo Iona, ipapabugbog ko sa mga tauhan ko yang kalandian mo!!!!" sigaw ni Sandro, shucks galit na galit na talaga ito pero galit din ako, napaismid na lang ako at umayos ng upo.

"Ihatid mo ako kung asan ang mga bata ngayon, ayokong umuwi sa bahay mo!!!" sabi niya rito.

"Bahay ko??!! So, bahay ko na lang ngayon??!! para ano malaya kayong mag-usap ng kalandian mo" sarcastic na sabi nito, my gawd diko matake ang childish side ni Sandro kapag nagseselos.

"You're really thinking na nakikipag landian ako?" ngisi niya rito.

"Bakit hindi ba?" masungit naman na sabi ng kanyang asawa.

"Ihatid mo ako kung asan ang mga anak ko sinasabi ko sayo kapag hindi mo sinunod ang utos ko, you won't like what I'll do" pananakot niya rito mukha naman itong naalarma sa sinabi niya.

"W-what? What will you do?" kunot noong sabi nito sa kanya.

"It's for me to know and for you to find out" inis na sabi niya rito, sa totoo lang wala naman siyang plano. Masama lang ang loob niya dalawang linggo niyang hindi nakita ang mag-aama niya tapos ganito pa siya tratuhin ni Sandro, bweset nagugutom na ako pero hindi ko masabi sa kanya dahil sa pride ko. Kalaunan ay may kinuha itong paper bag sa backseat, ibinigay naman nito sa kanya, it's from a popular fast food chain and her favorite. Dahil sa gutom hindi na siya nag-inarte pero nakita niyang palihim na nangigiti si Sandro, hinayaan na lang niya kasi gutom na talaga siya.

Sandro's POV:

Pabagsak na isinara ni Iona ang pinto ng kanyang kotse ng makababa ito, gaya ng nais ng kanyang asawa ay dumeretcho sila sa mansion ng kanyang magulang dahil nga sa andito ang mga bata. Balak niya sana na mamayang gabi na nila daanan ang mga bata at idi-date na niya muna si Iona, pero ng dahil sa nakita niya kanina sa school nito ay tuluyan na siyang na-bweset aminado naman siyang nasabihan niya ang asawa ng malandi base na din sa kung paano niya ilarawan ang ginagawa nila ni Zion kanina. Nagtataka nga siya na hindi nirereport sa kanya ni Vinny kapag si Iona at Zion ang magkasama, speaking of Vinny ay nakita niya itong palabas ng kanilang front door habang may chuckie na iniinom, psh isip bata siguradong kumuha na naman ito sa stock ng kanyang mga anak, well kahit naman kasi well-off ang pamilya nila, hindi nila ini-aasa ni Iona sa kanilang mga pamilya ang simpleng pangangailangan ng kanyang anak lalo kapag nag-isstay ang mga ito dito.

"Hoy!!! I told you to report everything if Iona and Zion are together? For two years tatlong beses ka lang nag report eh madalas ko silang nakitang magkasama everytime na susunduin ko si Iona?" sita niya sa kapatid na tinignan lang siya?

"Why do I need to report if they're together?" nagtataka naman nitong tanong na siyang nagpakunot noo sa kanya.

"Idiot, I spent million of dollars sa wine cellar ng bar mo, sabi ko i-report mo lahat ng umaaligid na lalaki sa asawa ko!!!!" sigaw niya sa kapatid, mukhang may naalala naman ito at bigla na lang tumawa, tumalsik pa yung chuckie na iniinom niya, kadiri!!!!

"Hahahahah!!!!!! I thought excempted siya? ahahha akala ko hahaha-" patuloy na tawa nito, habang hawak pa ang tiyan.

"Sige, tawa pa!!!" bored na sabi niya

"Kung ikaw ay masaya tumawa ka" sulpot na sabi ni Simon

"hahahhahhaa" tawa naman ni Vinny

"Kung ikaw ay masaya tumawa ka" sinabayan pa ito ng palakpak ni Simon

"Hahahahhaa" mga baliw !!!!!

"Kung ikaw ay masaya at gusto mong matigok sa kamay ni Sandro, tumawa ka" patuloy ni Simon

"hahaaha-hhhhrrkkk" dun lang natigil sa Vinny at tumingin sa kanya dahil sa nasamid ito, nagkakamot lang ito ng batok atsaka ngumisi sa kanya.

"Eh, kasi naman kuya akala ko alam mo na, kaya kapag si Zion ang kasama ni Iona hindi ko na sinasabi" ngiwing sabi nito.

"Ang alin????"

"Eeehhh, well based on my detective intelligence by nature. I found out that Zion Almeda is gay, well what they call as closet or also as pa"men"ta" sabi ni Vinny na siya namang nagpagulat sa kanya watdafa#%$%$^% lagot na talaga siya kay Iona nito. He needs to say sorry and make suyo to his wife, the heck ang palpak ko naman kasi, hindi din halata sa Zion na yun ang pagiging part ng LGBT.

"Wait so pinagseselosan ni Sandro is a gay?" tanong ni Simon at tumango naman si Vinny, isang sandali pa ay sabay na nagtawanan ang dalawa.

"Hahahahahaha" tawa nila

" Kung kayo ay masaya, tumawa kayo" kanta niya this time

"Ahahahahahahha" patuloy pa din nila

"Pag-umpugin ko kayong dalawa jan, tumabi na nga kayo at manunuyo pa ako ng asawa, palibhasa walang babae sa buhay niyo na nagpapasaya sa inyo.!!!" natigil naman ang mga ito at simangot na sumulyap sa kanya.

"Foul yun Sandro!!!" sigaw ni Simon

"Malupet ka Kuya!!!!" ngawa naman ni Vinny. Iniwan na niya ang dalawa at kung tatagalan niya pa ang kabaliwan ng mga ito ay baka sa labas na siya ng kwarto matulog mamayang gabi.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon