XXX

347 15 2
                                    

Iona's POV:

"Hoy bat ka nag-ayang umuwi Mrs. Mariano to be?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Syrin. Hindi niya pa kayang sabihin sa dalaga ang dahilan. Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan pero hindi pa siya handang aminin rito ang lahat dahil kagaya sa mga Mariano natatakot din siya na bigla siya nitong iwan or di kaya'y kamuhian. Labis ang galit ni Syrin sa mga Arellano dahil sa nangyaring ambush sa mga kinikilalang SAF 44 kasama ang kuya ni Syrin sa mga nasawi. Kaya nag-aalala siya na baka kamuhian din siya ng dalaga sapagkat nasambit nito na kahit sino sa mga Arellano ay galit ito kahit walang kinalaman ibang miyembro ng pamilya. Eh paano pa kaya siya na anak mismo ng Commander in Chief na siyang may pahintulot sa hukbong sandatahan at sa operasyon ng SAF 44. Mabalik tayo sa kung bakit nag-aya agad siyang umuwi dahil ang orihinal na plano ay matutulog sila sa mansion ng mga Mariano. Nakita kasi niya ang pamilyar na lalaki na siyang nakita niya noon bago maaksidente ang ina hindi siya pwedeng magkamali na ito ang nakita niyang umaaligid sa kotse nila ng panahong iyon. Palabas siya ng bahay nila, naglalakad lamang siya papuntang eskwelahan noong nasa high school siya kasi malapit lang naman. Naabutan niyang nagmamanman ang lalaking iyon kahit nakita siya nito hindi niya pinansin ang lalaki kasi mukha itong baliw kaya iniwasan na lang niya. Ngayon na nakita niya ulit ito bigla siyang natakot, ano at sino ang sadya nito sa party? siya ba o ang mga Mariano. Sinusundan niya ito ng tingin habang kausap ang mga kaibigan ni Sandro ng biglang mapatingin ito sa direksyon niya at titigan siya na animo'y kinikilala kung sino siya. Labis ang kabang naramdaman niya kaya bigla na lang siyang nag-ayang umuwi makakabuti na din ito dahil kung siya ang sadya ng lalaking iyon ayaw niyang madamay si Sandro o kung sino man sa mga Mariano.

"Wala natatae lang ako" pabirong sagot niya sa kaibigan

"Ay yawa naman Iona, anong klaseng pwet ba meron ka at ayaw sa ginintuang bowl ng mga Mariano, choosy teh ha" naiinis na sambit ng kaibigan.

"Psh ang sabihin mo bad mood ka kasi hindi ka nakalandi kay Simon, iba ang nanlalandi, itsura mo hoy feel na feel mo mag duck face buong party" natatawang aniya niya sa kaibigan at lalo naman itong sumimangot.

"Wow naman matapos kitang ipagmayabang doon, pero pasimple ka din eh nhue, 7 digits, Every week, law, criminal. Asus simple kung magyabang" -Syrin

"Gaga ka malamang nagtanong sila edi sasagutin ko"- saad niya

"Psh edi wow ikaw na, ibaba mo na ako jan sa kanto lakarin ko na lang para hindi ka na pumasok hindi ka makakabwelta agad" -Syrin

"Dika matutulog sa bahay?"- tanong naman niya

"Hindi muna ngayon bakla at maaga kaming aalis nila Daddy bukas"- hindi na siya nag-usisa at inihinto sa may kanto si Syrin. Dumeretcho na din siya pauwi. Dahil puyat at halos mag-umaga na siya nakatulog dapit hapon na ng magising si Iona. Nakalimutan na niyang tawagan at itext si Sandro maski naman ang lalaki ay wala pang tawag o text. Nag-ayos na muna siya at handa ng pumunta sa bahay ng mga Mariano ng sa wakas ay nakatanggap siya ng text mula kay Sandro na pumunta sa isang sikat na bar sa kabilang munisipyo nasa loob din ito ng isang kilalang hotel. Sinabi ng binata na magtaxi na lang siya, medyo nag-alangan siya kasi madalas ay tatawag ang lalaki hindi ito mahilig mag-chat or text kaya tinawagan niya ito pero hindi sumasagot. Since it was Sandro's number who texted her and pareho naman ang text pattern sinunod na lang niya ang utos nito. Nag-taxi na lang siya at ng makarating ay tinawagan niya agad si Sandro pero hindi pa din sumasagot ang binata kaya tinext niya na andito na siya sa labas nagreply naman ito at sinabing pumasok siya sa VIP 209 2nd floor. Pumasok na din siya sa loob at hinanap ang VIP room pagbukas niya nagulat siya ng makitang si Haris at Nicolo lang ang nasa loob nag-alinlangan siyang tumuloy pa lalo sa loob pero hinila siya at isinara na agad ni Haris ang pinto tumayo na lang siya doon kasi hindi siya maka-atras nasa likod niya si Haris.

"Where's Sandro?"- Iona

"Natutulog like a baby" sagot naman nito nagulat siya ng magsalita ito ng tagalog although ang lakas ng accent nito.

"Nakakaintindi ka?" oh diba nagawa mo pang makipag chismisan Iona kahit you can already smell danger.

"I've been friends with them for a year. I'm a fast learner Milady"- Nicolo. Napansin naman niya na hawak nito ang phone ni Sandro.

"Why do you have Sandro's phone?"- Iona

"Come, sit here and I'll tell you"- Nicolo

"If Sandro's not here then I better get going" sakto namang tumatawag si Simon.

"He-" nagulat siya ng biglang agawin ni Nicolo ang phone niya at patayin ang tawag saka ibinulsa sa pantalon nito.

"Not so fast Milady, let's have fun first before I give you back to Sandro, you see he always gets the woman who's also my type" ng bigla siya nitong sunggaban ng halik nakaiwas naman siya at sinipa ito napa-upo naman ang lalaki pero pagharap niya sa pinto isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya, nahilo at dumugo ang kanyang ilong sa lakas ng sampal sa kanya ni Haris. Shit meron nga pala tong bakulaw na'to napahiga siya at nahagip pa ng kanyang mata na nakatayo na si Nicolo at may kinuhang pahabang parang wallet inilabas nito ang isang syringe at maliit na bote. Dahil sa nahihilo hindi siya makatayo ng maayos hinila naman siya ni Haris at inilapit kay Nicolo.

"You'll surely enjoy this night Milady" ani ng gagong Nicolo atsaka ito itinusok sa kanya.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon