(Rafa: Mga mars malapit lapit na tayo sa ending ng story... Before I continue with my next story that hopefully you will also have time to read, beke leng nemen... ehe.... While I was reading Sandro's story andami ko palang typos so I might edit this first before starting Simon's story...)
Iona's POV:
Lumipas ang anim na buwan matapos ang gulong nangyari sa pagitan nila at ni Herbert. Nakulong na ito at si Simon ang tumitingin sa lagay ng matanda sa loob ng kulungan dahil na din sa wala na itong kamag-anak. Si Clein naman ay pinatawad na nila at malaya itong magpunta sa kung saan man ang naisin ng dalaga, tinulungan din ito ni Simon na linisin ang kanyang pangalan pero ng malaman ni Syrin ang lahat ng nangyari pagkabalik nito mula sa kung saan ay sinuntok nito si Clein. Samantala sila naman ni Sander ay nasa sementeryo ngayon kasama si Blake, mukhang nakarecover na si Sander dahil masaya na lang itong nakikipag habulan sa mga butterflies sa lugar. Noong una kasi ay grabe ang iyak nito at hindi kumakain ng malaman nitong wala na ang kanyang Grandpa Miguel pero sa nakikita niya ngayon mukhang okay naman na ang kanyang anak.
"Blake daddy Miguel is surely happy now, because he's with your mom. They will guide and protect you from wherever they are now" nakangiting sabi niya kay Blake na hanggang ngayon ay malungkot pa din.
"Thank you Iona, it's good that Sander and you are here right now" ngiti naman nito sa kanya.
"Ligawan mo na kasi si Blaire para all goods na" pagbibiro naman niya rito.
"Psh, ayaw ko sa clumsy" simpleng sagot lamang nito. Nag-aasaran at nagkukulitan pa sila ng makarinig sila ng busina ng sasakyan at patakbo namang sinalubong ito ni Sander.
"Careful son" sabi ni Sandro sa bata.
"You're here na daddy" sabay yakap nito sa ama at binuhat naman ng kanyang asawa. Nang mabaril ito ni Herbert ay halos manginig siya sa takot kaya nawalan siya ng malay pero ng magmulat siya ng kanyang mga mata ay asawa na niya agad ang nakita niyang katabi niya, his operation was successful pero dahil sa sobrang kulit daw nito ay inilipat na lang silang dalawa sa presidential room ng hospital para magkasya sila sa kama. Mas nauna pa nitong nalaman na dinadala na pala niya ang pangalawang anak nito kaya ayaw ng humiwalay sa kanya halos dalawang araw kasi siyang tulog dahil na din sa pagod at stress while Sandro immediately recover from his operation kaya mas nauna na nitong nalaman.
"Anjan na ang asawa mong possessive wala pang tatlong oras mula ng ipagpaalam ko kayo" natatawang sabi ni Blake at kunot noo namang lumapit sa kanila si Sandro.
"Anong tinatawa-tawa mo jan De La Merced?" masungit na sabi nito sa binata.
"Wala naman Mariano itatakas ko na sana ang mag-ina mo at ako ulit ang kikilalanin na papa ng pangalawang anak niyo bago ikaw" at mas lalong lumakas ang tawa nito, siraulo talaga magagalit na naman ang asawa niya.
"What the F-"
"Sandro!!!" atsaka niya ito pinanlakihan ng mga mata.
"Ba't ako na naman kasi mahal!!! eh si Blake ang nauna" kaya sinungitan din niya si Blake.
"Para kayong mga bata di na kayo nahiya kay Sander" sita niya sa mga ito, she's already six months pregnant and this time kasama na niya ang pamilya niya at syempre Sandro is excited and he's been very patient with her demands and tantrums inaasar na nga ng mga kapatid nito na sobrang under na daw si Sandro sa kanya.
"Hoy De La Merced i-uuwi ko na ang mag-ina ko!!" malakas na sabi ni Sandro
"Ipinaalam ko sila three hours hindi thirty minutes, Mariano" natatawang sabi ni Blake
"Anong thirty minutes, mag two-two hours na oh," giit naman ni Sandro
"Hindi ka ba marunong magbilang ng oras, Mariano?" pang-aasar ni Blake sa asawa niyang pikon
"Ah wala akong pakialam basta matagal na silang nakahiwalay sakin, atsaka uulan na oh" pamimilit ni Sandro sabay pa silang tumingin sa langit ni Blake eh ang ganda ng sikat ng araw.
"Nababaliw ka na talaga Mariano, parang lagi kang nawawalan" tumingin naman si Blake sa kanya "Sige na Iona umuwi na kayo ni Sander at mukhang pusang hindi mapaanak itong asawa mo" sabay lipat ng tingin ni Blake sa kanyang asawa na bumubulong-bulong pa samantalang tinatawanan naman ni Sander ang itsura nito.
"Daddy you look like Nanay Syrin, she used to pout her lips like that if Tatay Simon is teasing her" si Syrin ang nagpauso kung ano ang dapat itawag ni Sander sa mga ito, noong una ay inayawan ni Simon buti daw kung hindi si Syrin ang nanay baka pumayag pa ito pero makulit si Syrin kaya wala na ding nagawa si Simon.
"Yuck, your Nanay Syrin looks like a duck whenever she pouts, so ugly" atsaka nagtawanan ang mag-ama na ini-imagine ang pagmumukha ni Syrin, nakakatawa naman kasi talaga ang itsura nito kapag ganun akala niya siguro cute siya.
"Are you going to be okay here? Tawagan ko si Blaire para samahan ka?" tanong niya sa binata at umiling lang ito.
"Hindi na, I also want to be alone right now, mag-iingay lang ang babaeng yun dito" pagkatapos nilang magpaalam sa isa't -isa ay bumiyahe na sila pabalik ng Ilocos, kahit hindi tumanggi si Blake ay tinawagan niya pa din si Blaire para samahan ang binata, um-oo naman ito sa pag-aakalang andun pa din siya, kasalukuyang nasa store visit kasi ngayon si Blaire sa Maynila. Hindi na muna siya bumalik sa pag-aasikaso ng supermarket gusto na muna niyang maging hands on sa kanyang pamilya.
"Mahal, our house is ready, when do you want to move?" excited na sabi ni Sandro, napakunot-noo naman siya
"Diba sabi ni Pops saka na lang daw kapag tapos na ang term niya? para naabutan niya pa din tayo kapag biglaan siyang umuuwi?" sumimangot naman ito.
"Eeehh gusto ko nang magsolo, andaming istorbo sa bahay panay ang bisita ng mga Mariano, ang gugulo ng mga kapatid ko pati mga magulang ko nakikigulo, gawd wala na tayong sexy time???!!!!" binatukan niya naman ito.
"Siraulo ka ba??? sexy time ka jan, simula ng magbuntis ako wala ka na talagang sexy time" sigaw niya rito.
"Ehhh kasi nga madaming istorbo sa bahay" pagtatampo naman nito, naawa siya na natutuwa sa itsura ng asawa, madalas kasi talaga silang bisitahin ng mga Mariano ganun din ng mga Arellano.
"Tapusin lang natin ang term ni Pops then we can make bukod na, one and a half year na lang naman eh." malapit na rin pa lang bumaba sa pwesto si Pops, kailangan na din muna nitong magpahinga pero madami ang nagsasabi na tumakbo itong bise presidente pagkatapos ng termino para maipagpatuloy pa din ang naumpisahan ng mga ito. Pero wala pang plano si Pops sa susunod na halalan, parang mas gusto na lang daw nitong mag-stay sa Ilocos at mag-alaga ng mga apo nito.
" Ano pa nga ba, your my boss" nakangiti naman sabi ni Sandro.
BINABASA MO ANG
The President's Son #1 (Sandro's Home)
FanfictionMariano- " Sandro" Growing up in a political family was never easy. Especially when we have to deal with people who hate us for crimes and conspiracies that we, our family, never did. My grandfather may not be a perfect president but he had sworn h...