Iona's POV:
She finally told Blake that she wanted to go home already, sinabi niya dito na ligtas na para sa kanilang mag-ina ang umuwi. Na namimiss na niya ang kanyang pamilya sila Syrin ang Nay Milagros niya sige isama mo na din si Mang. Bert at syempre para na din sa pagkikita ng mga Mariano at ng kanyang anak. Tila nag-iisip pa ito sa kung anong sasabihin kaya tinitigan niya ang abogago este ang abogado.
"I don't know Iona, we already have a good life here" sabi nito na umiiling-iling pa.
"I understand pero kasi Blake gusto ko na ding umuwi, ngayon na nakakulong na ang mga Cong malaya na kami ng anak ko para umuwi ng Pilipinas." pagmamakaawa niya sa binata.
"What about me and dad, Iona?" nagulat naman siya sa sinabi nito, oo nga pala sa nakalipas na apat na taon ang mag-ama ang naging pamilya nila, she suddenly felt bad na hindi niya naisip kung anong mararamdaman ng mga ito. Mag-sosorry na sana siya kay Blake ng biglang may magsalita.
"Then we will all go to the Philippines" masaya at nakangiting sabi ni Daddy Miguel na ikinagulat nila. Inalalayan naman nila ang matanda na kasama ang private and personal nurse nito.
"Dad, what are you doing here?" may halong inis na sabi ng binata. Tumingin naman ito sa nurse.
"Eh kasi Sir nagpupumilit po siya, hindi daw siya kakain kung hindi ididischarge ng doctor" nakalabi namang sabi ni Ate Tess, pinay din kasi ito at matandang dalaga na like I mean nasa 40's na. Napa Facepalm naman si Blake habang natawa naman siya.
"I told you Hijo, gusto ko nang umuwi ng Pilipinas at doon na maghintay ng aking oras. Ngayon na nakakulong naman na pala ang mga Cong, Iona is also free to go back home baka namimiss na din siya ng kanyang mga Tita" napangiti naman siya ng malapad rito at kumindat pa ang daddy Miguel niya. Tinignan nilang dalawa si Blake na wala ng nagawa kundi bumuntong-hininga na lang kaya nag-apir sila. Hindi din kasi alam ng matandang lalaki na hindi na talaga siya nakipag-communicate sa kahit na sinong nasa Pilipinas. Kahit ang kaugnayan niya sa mga Mariano hindi din nila sinabi rito.
"Okay fine, I'll just finish some things and get ready. We'll fly back to the Philippines this weekend" sumusukong sabi nito, hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ng binata na umuwi ng Pilipinas. Pero para sa kanya sobrang saya niya kasi makikita na niya ang mga taong malapit sa kanya at the same time kinakabahan sa kung anong maaari niyang datnan sa Pilipinas. Kung paano haharapin ang mga ito at magpapaliwanag, pero bahala na si batman ang importante makauwi silang lahat. Dumating ang weekends at tinupad nga ni Blake ang pag-uwi nila ng Pilipinas.
"Where are we going this time mommy?" sanay na kasi si Sander na palipat-lipat sila ng tinitirhan.
"We're finally going home anak" masayang sagot niya rito.
"Home? We do have lots of homes, papa is so rich that he can easily buy a house in every state in the US" natawa naman ang kanyang mga kasama sa sinabi nito.
"Oh believe me son, your mommy is a lot richer than I am" tumatawang sagot ni Blake na kasalukuyang naka-akbay sa kanya. Kapag nasa harap kasi sila ni Daddy Miguel they make sure na happy and perfect family sila. Although sanay at komportable naman na silang dalawa sa isa't-isa kahit nasa iisang kwarto kasi sila naglalagay si Blake ng isa pang kama sa master's bedroom everytime na lumilipat sila ng bahay, so walang malisya para sa kanya, ewan na lang niya sa binata kung manyakis pa din ito.
"Really? She's rich? Whenever I ask for 5 bucks she keeps on saying that she doesn't have any money. Then gagalit na siya" namula naman siya sa sinabi ng anak, kulang na lang sabihin nitong kuripot siya.
"Your mommy is kuripot kasi son, kaya ganun" tumatawa-tawang sagot ni Blake, na kinurot naman niya.
"Kulipot? what's that?" sasagot pa sana si Blake ng binuhat na niya ang anak kahit ang bigat nito.
"Let's go na anak, pagbalik natin ng Pinas bubuksan ko ang alkansya kung taglilima ang laman at isusubo ko sayong lahat" sabi niya rito na naguguluhan dahil sa pag tagalog niya, well kung may aabutan pa siyang alkansya baka inubos na lahat ni Syrin. Malakas na tawanan naman ang narinig niya sa kanyang likuran, pinagtatawanan siya ng mag-ama at ni Ate Tess. Sige tumawa lang kayo kapag nasa Pinas na tayo diko kayo bibigyan ng lima kahit magmakaawa pa kayo, mga hampaslupa ay char!!!. Sumakay na sila ng eroplano na maghahatid sa kanila pauwi ng Pilipinas malamang alangan namang shark ang maghatid sa kanila diba? After a long flight sa wakas lumapag na ang plane sa Manila Airport. Dumeretcho na sila sa mansion ng mga De La Merced sa Quezon City, dito na muna sila tutuloy habang nag-iisip pa siya ng plano kung paano haharapin ang mga taong dapat niyang harapin.
"What's your plan now, wife?" pang-aasar sa kanya ni Blake ng patulog na sila, well kailangan pa din naman nilang magpanggap sa harap ni Daddy Miguel, inirapan naman niya ito.
"I don't know yet, Husband,papa makeover muna ako para maganda ako kapag humarap sa kanya" nakangising sabi niya
"Psh, baliw ano ka nasa teleserye? maganda ka na" sabi nito sabay talikod pahiga sa kanya.
"Aba syempre isa kaya akong Hansley" mayabang na sabi naman niya.
"By the way, okay naman pala kayo ng mga Arellano bago ka umalis diba? Wala kang balak papalitan apleyedo mo? I can do that for you if you want" suggest nito sa kanya
"Naah, hindi ko alam. Wag na siguro letter A kasi yun eh diba pano kapag naisipan ko ulit na mag-aral tapos Arellano na ako edi lagi na lang na first akong tatawagin kapag may recitation? Haanen manong bayamun (Wag na kuya, hayaan mo na). Pinagtawanan lang siya nito
"Ang tanda mo na, natatakot ka pa sa recitation? akala ko naman may mas malalim ka pang dahilan kaya ayaw mong palitan. Atsaka isa pa dala mo pa din ang apelyedo ng asawa mo edi yun gamitin mo" umiiling na sabi nito.
"Ang daldal mo ata ngayon? Atsaka no way highway nasa batas naman na pwede ko pa din wag gamitin ang apelyedo ng asawa ko ah. I just want to graduate as a Hansley and that's my final answer and I thank you". Nanahimik naman ito at nagtalukbong na. Wala kasing isang kama sa kwarto nito kaya tabi sila naglagay na lang sila ng unan sa pagitan nila atsaka king size naman ito kaya kahit gumulong-gulong silang dalawa okay lang. Hindi na ito sumagot kaya natulog na lang din siya.
BINABASA MO ANG
The President's Son #1 (Sandro's Home)
FanfictionMariano- " Sandro" Growing up in a political family was never easy. Especially when we have to deal with people who hate us for crimes and conspiracies that we, our family, never did. My grandfather may not be a perfect president but he had sworn h...