Chapter 94

247 11 4
                                    

Iona's POV:

Pagkatapos isigaw iyon ni Tita Ballestine ay tumatakbong lumapit ang mga ito sa kanya, I think it's also good that the Arellanos are here maybe they know the story better than I do. Malaking tulong ito para mabago ang isip ni Clein.

"Kung hindi ang tatay niya, sino?" naguguluhang tanong ni Clein

" Ang nagpalaki at kumupkop sa'yo hija, Herbert Rivera siya ang may pakana ng lahat!!!" kahit siya ay nagulat sa sinabi ng kanyang Tita nang tignan niya si Clein ay napatulala na lang ito habang umiiling.

"NO!!!!! nagsisinungaling kayo kasi gusto niyong pakawalan ko si Sander, you bunch of liars you think you can fool me!!!!" galit na ito at natatakot siyang aksidenteng maiputok nito ang baril.

"Clein hija, nangangako kami na kung hindi totoo ang lahat ng sasabihin namin ay kami mismo ang magpapatunay na ang ama nga ni Miona ang nagpapatay sa magulang mo sa korte, aakuin namin ang kahihiyan at sasabihin ng mga tao." sambit naman ng kanyang Tita Vielanya.

"Malaki ang galit ni Herbert sa mga Cong, wala itong pakialam kung sino sa mga ito ang mapatay niya basta lamang makakuha ito ng impormasyon tungkol sa nawawala nitong anak. Dahil ang papa mo ang isa sa may mataas na posisyon sa pamilya before you were exiled in the family, ito ang unang pinuntirya ni Herbert, oo inutusan ni Benoy si Herbert nang maupo ang aking kapatid para hanapin kayo at tulungan, mag-isa si Herbert na inutusan kung kayat ang mga sinasabi mong grupo ng mga tauhan ay hindi mula sa mga Cong kundi ay sariling tauhan ito ni Herbert, nagawa nitong kumuha ng mga tauhan at unti-unting nagtatayo ng sariling drug den sa kanyang pagnanakaw sa mga transaksyon kung saan ay ito ang inuutusan ni Benoy ng mga panahong iyon. Alam ng kapatid ko na nagnanakaw si Herbert pero hinayaan lamang niya ito. Matagal ng tauhan ng mga Cong si Herbert at hindi totoo ang sinabi nito sa'yo na undercover lamang ito para mahanap ang anak. He's using you against us, Clein!!!!" sigaw ng kanyang Tita Pingkhine. Pagkatapos nilang marinig ang sinabi ng mga Arellano ay biglang may limang armadong lalaki ang lumabas mula sa bahay at isang matandang lalaki na mukhang Don, ito na ata si Herbert Rivera. Tumatawang pumalakpak ito at kinuha ang kanyang anak mula kay Clein na nabitawan naman ng dalaga. Lumuluha itong tumingin sa amain.

"Is that true Tay??" nanginginig na tanong nito, pumalakpak at tumawa lamang ang matanda habang tumatango.

Tila nawalan ng lakas si Clein at muntik ng matumba.

"Yes anak, ako ang nag-utos na patayin ang mga magulang mo, nang makita kitang nakatago ay hinayaan lamang kita dahil iniisip kung balang araw ay magagamit kita laban sa pamilya mo, and here it is now. Sa totoo lang mabait ang tatay nitong si Miona sa lahat ng mga lalaking Cong let's just say that he's the lesser devil. Pero hindi sapat na dahilan yun para magantihan ko ang iba pang miyembro ng mga Cong lalo na ang anak niyang babae, sapagkat nawawala pa din ang anak ko hanggang ngayon, kahit katawan niya'y hindi ko mahanap" sabay ngisi nito sa kanya at tutok ng baril nito.

"Herbert wag mong idamay si Miona, alam mo sa sarili mong hindi kinamulatan ni Miona ang mga Cong" sigaw naman ng kanyang Tita Kristanya.

"It doesn't deny the fact that all of you are Congs even this child, paulit-ulit niyo mang isuka ang pamilyang pinagggalingan ninyo ay dumadaloy pa din sa mga ugat niyo ang dugo ng mga demonyo" sigaw nito at nagulat kami ng bigla nitong itutok ang baril kay Clein mismo.

"And you my anak-anakan na nasikmura kong makita at palakihin ng ilang taon ang mauuna sa hukay" tumatawa nitong sabi pero mabilis si Clein at ipinutok ang baril sa direksyon ni Herbert ngunit isa sa mga tauhan nito ang humarang at natamaan ito sa dibdib. Dahil sa nangyari ay sunod-sunod na putukan na ang naganap rumesponde na din ang mga pulis na nakapalibot na sa buong lugar. Si Herbert naman ay pumasok sa bahay akay-akay ang kanyang anak habang si Clein ay may tama sa braso at inaalalayan na ng mga pulis. Agad naman silang na proteksyonan ng mga ito. Nakita nilang bumukas ang pinto sa may balcony ng bahay sa second floor at lumabas ang kanyang anak at si Herbert, nahuli na ang tatlo sa mga tauhan nito samantala ay patay na ang dalawa.

"Subukan ninyong lumapit at barilin ako, ipuputok ko ang baril sa batang Mariano na ito" sigaw nito sa kanila. Habang abala si Herbert at ang mga pulis sa pakikipag negotiate ay nakita niya ang asawa na patagong pumapasok sa loob ng bahay sisigawan na sana niya ito pero pinigilan siya ni Blake, andito na pala ang mga ito.

"Don't shout Iona, ibubuko mo lamang ang asawa mong hindi nag-iisip" may inis na sabi nito.

"Tsk, I told him to wait" sabi naman ng isa pa ng lumingon siya ay nakita niya si Simon na kunot din ang noo.

Sandro successfully entered the house, sinabihan ni Simon at Blake na back-upan agad ang kanyang asawa, napamura naman ang tumatayong leader ng mga ito at nagplano na kung paano matutulungan si Sandro. Nakita na rin niya ang ilan sa mga ito na patagong pumapasok sa bahay. Makalipas ang ilang sandali ay nakita na niya ang asawa sa likuran ni Herbert na may hawak na tali at sinakal nito ang matanda para mabitawan ang anak nila.

"Son, run and hide!!!!!" noong una ay natulala ang kanyang anak pero ng sigawan ito ulit ni Sandro ay tumakbo na ang bata. Nakita nila kung paano nanlaban si Herbert sa pagkakasakal nito hanggang sa makapasok silang dalawa ni Sandro sa loob ng bahay at hindi na nila makita ang pangyayari agad namang kumilos ang iba pang kapulisan hanggang sa may narinig silang isang putok ng baril kasunod nito ang sigaw ni Sander ng "DADDY!!!"

Sandro's POV:

Nag-agawan sila ni Herbert ng baril dahil na din sa nanlaban ito ay nabitawan niya ang pagkakasakal rito, pero hindi nagtagal ay nakalabit ni Herbert ang gatilyo ng baril na siyang naging dahilan para matamaan siya sa bandang dibdib bago mawalan ng malay ay nakita niya ang umiiyak na anak at marinig niya sa labi nito ang salitang "Daddy" na matagal na niyang gustong marinig na manggaling mula sa bata bago tuluyang mawalan ng malay ay nakita na niyang binitbit ng isang pulis ang anak at sunod-sunod ng nagdatingan ang mga ito para hulihin si Herbert, dahil sa ligtas na ang anak ay tuluyan na siyang pumikit.

The President's Son #1 (Sandro's Home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon