Chapter 6

451 4 0
                                    

TANGING BABA at dibdib lang ng kung sino ang nakita ko noong sagutin nila ang tawag ko. Kulay asul ang damit at mukhang babae dahil nahuli ko ang buhok niyang hinahangin ng electric fan galing sa likuran niya.

Tumikhim ang taong nasa harap ko. "Caleb, nandito na iyong magtuturo sa 'yo!" sigaw niyang tama ako sa hinalang babae nga.

Iyong boses niya medyo may pagkamatinis, pero hindi naman ganoon kasakit sa tainga kasi malumanay rin naman.

Umubo siya at tumayo. "Tawagin ko lang, miss," paalam niyang inilayo ang electric fan para makadaan siya ng maayos.

Ang harap ng camera ng gadget nila ay pinto agad at paglingon sa kaliwa, na kanan kapag nandoon ako mismo ay ang hagdan. Sinundan ko ang pagpasok niya sa kuwarto sa ilalim ng hagdan na kuha pa ng camera.

"Caleb, halika na. Naghihintay na iyong magtuturo sa 'yo," tawag ng mama yata noong batang tuturuan ko at may guwapo rin palang pangalan ito.

Tanging huni ng electric fan ang naririnig ko noong tuluyang pumasok ang babae sa loob ng kuwarto, naisara pa ang pinto kaya wala akong narinig na pag-uusap nila. Ilang sandali pa ay bumukas din agad ang pinto at naaktuhan ko ang paglabas nila, pero mukhang napunta sa gadget nila ang tingin noong bata kaya nagtago sa pinto.

Bumalik ang mama niya pagkalingon nang mapansin niyang walang sumusunod sa kaniya. Bumalik siya roon at nahagip ng mata ko ang paghawak ng babae sa kamay ng bata.

"Huwag kang mahihiya. Halika na. Nasa tabi mo lang ako," pangungumbinsi niyang may kasamang pagpapanatag sa kaniyang tono.

Akala ko magmamatigas pa iyong bata, pero nakatingin lang siya sa mama niya habang nagpapatianod. Kagat-kagat ang daliri niyang naupo sa harap ng camera, at idinikit ang pisngi sa braso ng kaniyang kasama.

In-adjust namang babae ang gadget kaya mas nakita ko rin ito nang malinaw, hindi na iyong baba at didbib nito ang nakikita. Napansin ko ang puting buhok niya sa gilid, pero mas nangingibabaw ang pagka-brown ng kulay ng kaniyang buhok na tumatama sa sikat ng araw galing sa butas ng pinto sa likuran niya.

Tiningnan ko si Caleb na nakatingin lang sa akin. Hindi ako sigurado kung tama ba iyong narinig kong pangalan niya kanina. Nakangiti akong kumaway. "Good morning, kumusta ka?" masigla at mabait ang tono kong tanong.

"Okay lang po," mahina niyang sagot, halata ang pagkamahiyain sa tono niya.

"How old are you?"

Pinunasan ng babae ang buhok ng kausap ko kaya bumungad ang noo niya, at masasabi kong mas bagay niya ang walang bangs. May maliit siyang nunal sa ilalim ng kaniyang kanang mata, malapit sa bridge ng ilong niya. Naalala kong iyakin daw ang mga batang ganito kapag may nunal. Hindi rin nakatakas sa mata ko ang nunal pa niya sa taas ng gilid ng kaniyang labi.

"Five 'ka mo," pagturo ng mama niya. Kinuha pa niya ang kamay ni Caleb para ipakita sa akin ang limang daliri pero agad bumagsak nang ayaw gawin ni Caleb.

Sinilip niya ang bata at itinaas din nito ang palad, sinasabing gayahin niya ang ginagawa. "Sabihin mo five years old, ma'am," utos niyang sinikil siya, pero nanatiling nakadikit lang ang pisngi niyang wala na sa akin ang paningin.

"Pagpasensiyahan n'yo na, miss. Hindi naman gaanong mahiyain pero hindi lang talaga nagsasalita kung first time niya makita iyong kausap niya."

Napatango ako. Karamihan naman sa mga batang nakakausap ko noon bago kami mag-start sa tutorial ay katulad niya. Bihira lang iyong mga batang napunta sa akin na sobrang gulo. Iyong itatanong ko pa lang kung anong pangalan at ilang taon, ipapakilala agad ang sarili sa napakabibong paraan.

"Ayos lang ho, ma'am. Hindi pa sanay sa akin kaya ho ganiyan."

Bumalik ang tingin ko sa bata. Nakatingin lang siya sa daliri niyang nakapatong sa mesa. Inalis na rin niya ang kagat-kagat niyang daliri kanina.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon