MASASABI KONG napakasayang magturo ng tatlong bata sa isang araw at iba-iba pa sila ng personality. Iyong dalawa ay hindi pa masyadong nakakapag-adjust sa online tutorial. Dapat ay face to face sila, kaso mas gusto ng mga magulang nilang sa online na lang para kahit hawak daw ang gadget ay puro aral ang nasa isip at hindi ang paglalaro. Isa na rin sa kanilang dahilan ang malayo sila kaya mas pinili kung ano ang convenient.
Mataas daw kasi ang rating ng tutorial center na pinagtrtrabahuan ko, ang Kumon. Magaganda raw ang review kaya sa Kumon sila naghanap ng puwedeng mag-tutor sa mga anak nila.
Ka-close ko naman silang lahat, pero hindi ko aakalaing mas makakagaanan ko ng loob si Caleb. Parang noong unang pag-uusap namin ay nahihiya pang magsalita pero may itinatago palang kadaldalan.
“Teacher Ruth, mag-a-out ka na?” tanong niya matapos iligpit ang lapis sa pencil case niyang gawa sa metal tin.
Tumango ako na nakita pa niya bago pa siya magbaba ng tingin. May disenyong batman logo sa harap at two layers pa. Maingat siya masyado sa paglalagay ng lapis. Ipinagpantay-pantay pa niya ang laki ng mga niyon.
Lumingon ako sa pagngawa bigla ni Rosette sa tabi ko. Agad akong tumayo para kunin siya sa kaniyang stroller at maisayaw.
“Baby mo iyan?” tanong niyang namulagat nang makita ang hawak-hawak kong si Rosette sa bisig ko.
Agad namang kumalma si Rosette sa ginawa kong pagsayaw sa kaniya kaya bumalik ako sa pag-upo para kausapin pa si Caleb.
Napansin kong dumaan sa likuran ang lola niyang hinawakan pa siya sa balikat. “Ay, Caleb, hindi ganiyan. Nasaan na iyong po at opo mo kapag kinakausap ang matanda?”
Humaba ang labi niya sa pagsimangot at bumaba ang ulo. “Sorry po,” hingi niya ng paumanhing ibinaba rin ang nakapatong niyang daliri sa mesa.
May ngiti ako sa labing ngumiti. “Ayos lang, Caleb. Basta wala kang dini-disrespect na nakakatanda sa pananalita mo, okay lang iyon.” Bahagya siyang nag-angat tingin sa narinig. “Rosette name niya,” pagpapakilala ko sa kaniya.
Mahina akong tumawa dahil tumayo pa siya at pilit sinisilip, kahit hindi rin niya makita si Rosette. Kumakamot siya sa ulong bumalik sa pag-upo.
“Ilang taon na po baby mo teacher?” curious niyang tanong habang nilalakihan ang mga mata dahilan para muli akong tumawa ulit nang mahina.
“3 months old pa lang,” sagot kong inayos ang nakasuot na damit ni Rosette sa bandang didbib niya. Nakatitig lang ito sa akin kaya nginitian kong pinisil nang magaan ang pisngi.
Nakapanggigigil ang taba ng pisngi niya at napakatangos ng bridge ng ilong. Napakasarap nakipagtitigan sa kaniya, hindi nakakasawa lalo na ang ngiti niyang nakapapawi lahat ng pagod.
“May ganoon pong age, lola?” lingon niyang tanong kay Miss Aira na dumaan ulit sa likuran niya at naupo sa kanan niya pagkatapos itutok ang electric fan sa kanila.
“Oo, kapapanganak pa lang kasi ni Teacher Ruth sa baby niya kaya hindi pa katulad sa edad mo,” sagot ni Miss Aira na tinanguan ko.
“Nakakapagsalita na po siya?” tanong niya pagkabalik ng tingin.
Muling tumayo si Miss Aira at tinalikuran si Caleb na nakita pa niya ang pagtango nito. “Mag-usap na muna kayo diyan, ha? Salubungin ko lang sa labas ang papa mo.”
Nahuli ko ang pagbilog ng mata at labi ni Caleb kasabay nang pagharap niya agad sa nakatalikod na pigura ng kaniyang lola. “Nandito na po si papa?”
Parang nakatanggap ng sagot si Caleb dahil agad siyang humabol. “Lola, sama ako!”
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...