Chapter 36

500 6 0
                                    

DINADAMA KO ang katamtamang bugso ng hangin. Mainit na may kasamang lamig, hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw sa dalawa. Pinanood ko ang mga tuyong dahon na binitbit ng hangin sa ibang direksyon. Usok na nagmumula sa mga sasakyan ang pumapasok sa aking ilong dahil sa likuran ko ay kalsada.

Pinansin ko rin ang bilang ng mga kabataan nakatambay sa plaza, at marami-rami rin. Karamihan ay magkasintahang nagde-date, sinusulit ang natitirang araw ng kanilang bakasyon. Halos karamihan ay mga may edad na—nasa mid 50's at 60's na nakikipagkuwentuhan sa mga nakilala at kabigan nila habang naghihintay dumating ang iba pang kasamahan.

Samu't saring boses ang dumadaloy sa pandinig ko. Wala akong pinansin kahit ni isa tungkol sa kanilang pinag-uusapan sapagkat nalulunod ako sa kaiisip.

Hindi maalis-alis sa isip ko ang inasal ko kagabi, lalo na ang iniwan niyang salita. Pagkagising ko para sana tawagin siyang sumabay sa aming mag-almusal, nakaalis na pala siya. Walang nakapansin sa pag-alis niya at sa palagay ko, noong nakatulog ako, saka siya umalis.

Napaangat ako ng tingin sa pagdating ng kasama ko, inabot sa akin ang pawisang cup dahil sa lamig. Ipinasok ko agad ang bibig iyong straw, nagmamadaling sumipsip na parang uhaw na uhaw ako kahit ang totoo, hindi naman. 

Sinilip niya ang mukha ko bago siya umupo sa tabi ko. Inilapag niya sa gitna namin ang pagkaing in-order niya. 

“You look unwell. You're bothered by something?” panimula niyang pagpuna sa kung ano ang mayroon sa mukha ko.

Bumuga ako ng hangin pagkatapos kong bitiwan ang pagkagat sa straw. Binalingan ko siya ng tingin na abala ang mga mata niya sa supot sa gitna namin, inilabas ang dalawang styro at kinuha ang tinidor. Sinimulan niyang ihalo ang sauce ng pancit palabok ng Mang Inasal. 

Sa loob sana kami kakain pero pumasok sa isip kong kumain na lang sa labas para makalanghap ng preskong hangin, kaso may dalang usok ng sasakyan ang yumayakap sa amin.

“Pa-rant, puwede?” 

Tumango siyang naghahalo pa rin. “Go ahead. I'm ready to hear you out,” nakangiti niyang sambit.

“At saka kaunting advice ulit.” Binuksan ko rin ang styro para sumubo rin ng pangit palabok. Kumakalam bigla ang sikmura ko dahil sa pumapasok na bango ng kinakain niya.

“If I can't give any, perhaps a hug will help?”

Tinanguan ko siya. Palagi siyang ganito, kapag sa tingin niya ay hindi pa enough sa akin ang sinabi, yayakap siya para pagaanin daw lalo ang loob ko.

“Nag-usap kami ni Aziel kagabi at nagpanggap lang siyang lasing,” simula ko sa sinasabi.

Ikinuwento ko sa kaniya ang buong pangyayari kagabi, na halos nakalahati namin pareho ang kinakain dahil sa bawat pagtigil ko, sabay kaming sumusubo at ngumunguya muna bago ko itinutuloy iyong kuwento ko. Sa tantiya ko, umabot siguro ako ng thirty minutes sa pagkuwento o higit pa.

Ibinalik ko sa plastic ang naubos kong styro. Ipinatong niya iyong sa kaniya at itinali ang supot sabay inom ng kape na binili niya sa starbucks. 

“Alam kong mali ang matuwa akong nasasaktan siya, pero hindi ko kasi mapigilan. Kasi mas nagiging aware siya sa ipinaramdam niya sa akin noon. Pakiramdam ko, naghihiganti ako.” Bumuga ako ng hangin, hinalikan ang straw habang ang tanaw ay dumako sa mga dumadaan sa harap namin.

Kumunot ang noo ko. “Am I being harsh? Huwag kang mahihiyang itama ako kung may mali ako.” Tuloy-tuloy akong sumipsip ng iced coffee.

“May I ask you something?”

Nilingon ko siya. Pinasadahan ko ng tingin ang paglipat niya ng hawak na cup sa kaliwang kamay, iniunat ang kanang kamay sa sandalan ng bench. Medyo humarap din siya ng upo sa akin.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon