Chapter 40

532 4 1
                                    

DINADAMA NAMIN pareho ang hampas ng hanging hindi ganoon kalakasan at maalinsangan sa balat. Maaliwalas din ng kalangitan, hindi masakit sa matang tumitig dahil hindi nakatutok ang araw sa kinaroroonan namin sa lilim ng mga malalaking puno.

Tinapunan ko ito ng tingin na kay Rosette lang siya nakapokus dahil nakikipaglaro siya sa mga batang nakilala lang niya. Didiretso sana kami sa zoo gaya na ng napag-usapan naming pupuntahan sa araw na ito, pero hindi natuloy.

Napabuga ako ng hangin at itinuon ang mga mata kay Rosette. Kasalukuyan siyang nakapila sa mga batang mag-s-slide. Gustong dalhin ni Aziel sa mall para doon na lang siya maglaro kasi mas malinis daw, kaso mas gusto ni Rosette rito. Wala naman kaming ibang nagawa kundi ang payagan siya sa gusto niya.

“Would it be okay if we transfer Rosette to another school?” tanong niya. “Mas maganda ang educational system nila sa kabilang school,” patuloy niyang tinutukoy ang La Marea Academy.

Kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsulyap  niya at agad din niyang ibinalik kay Rosette noong hindi ko siya lingunin. 

“Sabihin mo rin kay Kalen kung gusto niyang ilipat si Caleb. Rosette wants to be with him,” sabi niyang napatango ako. “They look like siblings even though I didn't see how they bond in person, but based on her stories, they're quite close. Caleb appears to have been raised in a loving environment by Kalen.”

“Caleb was well-raised by Tita Aira and him. I'm sure we can raise our Rosette in the same manner.”

Gusto ko ring tularan kung paano nila napalaki si Caleb. I adore their style of raising him, but I guess, all parents have different styles.

Malalim siyang nagbuga ng hangin kaya nilingon ko siya dahil malungkot ang himig at problemado.

“I hope I am being a good father to her.” 

“You are the one. You may not have been a good husband to me, but you did well raising our daughter.” Ngumiti ako.

Gumanti rin siya ng pagngiti, na parang ngayon ko lang ulit nakita dahil palagi kaming nagkakasagutan at sa ibang bagay kami nakatuon, kaya parang napakaganda rin palang makita kahit minsan.

His smile is pure that he's happy from what I've said, but I can still see the sadness behind it.

“I'll take that as a compliment. Thanks,” sabi niya, iniabot sa akin ang cup niha na may laman pang kape. 

Inilingan ko para tanggihan dahil busog na ako sa pag-inom ng kape. Binawi niya ang nakalahad na kamay at inilapit ang labi sa straw. 

“Nasabi mo na ba kay Rosette tungkol sa plano mong ilipat siya? Mabuti binanggit mo kasi kakausapin din sana kita tungkol diyan,” sambit ko.

Nagpla-plano rin akong ilipat si Rosette dahil medyo maliit lang ang Dominican School, kung saan pumapasok si Caleb. 

Naubos niya ang natitirang kape, nilingon ako pagkatapos niyang ilapag sa gilid ang cup na binalot pa niya sa tisyu. 

“I'm going to tell her about it, but I might need your help persuading her.” Inilabi niya si Rosette kaya napatingin ako kung nasaan na ito.

Tumatawa siyang nakataas ang kamay habang dumadausdos ang katawan sa slide. Pinagpag niya ang likod ng shorts niya at muli siyang pumila para umulit sa pagdausdos.

“Tutulungan kitang kausapin siya para makahabol siya sa enrollment ngayong buwan.”

“Kapag ba lumalabas kayo palagi ninyong binibilhan ng ice cream?” tanong niya agad bago pa kami bumalik sa katahimikan. 

Kahit hayaan niyang manahimik ang buong paligid, hindi naman na ako naiilang pa sa kaniya. Hindi katulad dati noong unang pagkikita pa lang namin na halos mailang ako, ayaw siyang kaharapin. 

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon