Chapter 22

576 9 3
                                    

NAKANGITI LANG akong nagniningning ang mata sa pagpapakawala nang mahinang pagtawa. Tiningnan namin ang aming kasuotan at sabay pa kaming napakamot sa noo sabay tawa ulit.

He's wearing a black polo shirt with a big white printed rose and he tucked it in his gray jeans, pairing them with black loafers. He changed his hairstyle tonight into a comb-over, which made me smile after seeing this formality.

While as for me, I'm wearing white jeans and pair them with a red velvet top and white low heel sandals that Ate Rica recently bought for me as a gift. I applied a light foundation and tied up my hair in a little artsy bow ponytail. I represent myself at least presentable, but I felt like I've prepared well.

Tumikhim siyang iminuwestra ang upuan sa tapat niya para maupo na rin. Inilapag ko ang bag ko sa katabing upuan.

"To make it formal like we're on—" Tumawa siya bigla kaya natawa rin ako.

"Ibang version yata ng Kalen kaharap ko," pang-aalaska ko sa kaniya.

Hinaplos niya ang adams apple niya sabay tikhim at tumingin nang seryoso sa akin, pero nakikita naman sa mga mata niyang gusto niya ulit tumawa.

"Alam kong tatlong araw tayong nagkikita sa isang linggo sa loob na nang dalawang taon, pero gusto ko lang tanungin kung kumusta ka na?"

Magkadikit ang dalawang palad kong ipinaibabaw sa mesa, saka ako umayos nang pagkakaupo. "Thank you for asking me, Mr. Kalen, but I'm happy to say that I'm doing good for the past years until today," pormal kong sagot na para akong kandita sa isang pageant.

After taking their tons of advice and I made an action to get better, I can say that I'm happy with what am I—the new version of myself, rather. They have approved the legal separation last year, but I'm still a married woman.

It's never been easy to overcome infidelity, but I realized that it's not the end of my life.

Maraming beses akong natumba at hinayaang liliman ng makapal at itim na ulap ang mundo ko. Ilang beses kong hinayaan malunod ang sarili ko sa pagbaha nang samu't saring emosyon-lalo na ang sakit.

Ilang beses kong tiniis at nilabanan ang bagyong sinisira ako tuwing mag-isa. Nakulong pa ako nang matagal sa madilim na kuweba, walang maaninag na kaunting liwanag pero pilit kong hinanap ang daan palabas para makita ang liwanag at sa wakas, nagawa ko.

Sa tulong ng mga rescuer—mga ipinadamang pagmamahal ng pamilya at kaibigan, saka ni Rosette ay nakayanan ko ang laban. Ilang taon din akong hindi na nagkapagbukas ng social media account ko at sa viber na kami nag-uusap nila mama at Sally.

"It's lovely and a relief to hear that, Miss Ruth." Ngumiti siya nang napakalawak.

Iwinagayway ko ang palad bilang pagsaway sa kaniya. "Ang pormal, Kalen. Hindi natin bagay," ngiwing sabi ko dahil hindi ako sanay sa ganitong klase ng pag-uusap namin.

Mas lalong naging matibay ang pagkakaibigan namin simula noong araw na iyon. Tuwing Sunday, nakakausap ko si Caleb kasama namin si Rosette at sila Ate Rica sa bahay. Nakagawian na rin naming imbitahan siyang magsimba at pumasyal pagkatapos.

"I agree," natatawang sang-ayon niya subalit agad ding naglaho. "Kung alam ko lang na ikaw pala ang sinasabi ni Rica sa aking makaka-date ko, hindi na ako pumayag." Nanghihingi nang paumanhin ang mga mata niyang tumitig sa akin. "Ayaw kong isipin mong tine-take for granted kita," dugtong niya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman ganoon ang iniisip ko. Kahit sinabi sa akin ni Ate Rica na ikaw pala kikitain ko, matutuwa pa ako kaysa sa ibang lalaki ang nandiyan sa kinauupuan mo."

Wala naman akong ibang iniisip. Kagaya ko ring walang alam na kaming dalawa pala ang pinagtrip-an ni ate. Malinaw din naman sa aming dalawa na magkaibigan lang kami kaya walang malisya ang ganitong scenario sa amin, lalo na at may mga araw na kaming dalawa lang ding ang magkasamang lumalabas.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon