I STARTED my day with a smile, like my usual routine every day but there's a difference from the old days.
Kung dati ay gigising ako na ginagawa ang mga trabahong hindi gaano nagpapasaya sa akin, ngayon, nagawa ko na ang trabahong bumubuo sa araw ko. Ibang-iba talaga sa pakiramdam kapag ginagawa mo iyong gusto mo, mas magiging ganado kang kumilos.
Gaya noong nakapagtrabaho ako sa New York. Walang araw na pinuri ako ni ate dahil ibang-iba raw ako sa dati.
“Sally, nagpapaanak pa ba si doktora? Manganganak na siya,” imporma kong itinuro si Miss Lalein na nanatiling nakabukaka sa harap ko.
Mas lumala ang guhit sa noo niya. Kahit wala ako sa posisyon niya sa mga sandaling ito, ramdam ko ang sakit na iniinda niya dahil minsan ko na rin nararamdaman. Mapupunit na yata ang bed sheet sa ginagawa niyang paglamukos.
Tumango si Sally, sinilip ang katabing kuwarto, iyong isa pang delivery room. Tatlong kuwarto lahat ang delivery room sa birthing center na pagmamay-ari ng isang Ob-gyn doctor.
Nagpla-plano si Sally na tumuloy sa pagiging OB-Gyne, samantala, okay na ako sa pagiging midwife. Sabi ko, kunin na lang niya akong midwife kapag naging doctor siya at sa birthing center na ipapatayo niya.
“Dok, manganganak na si Lalein,” bungad ni Sally. Ngumiti siya sa akin bago pumasok sa loob ng kuwarto. Sumunod naman si Sally, tinapik pa ang balikat ko at itinulak papasok para isara ang pinto.
Puwede rin sanang kami na lang magpaanak pero ayaw naming makasuhan at mapahamak ang bata kahit may lisensya pa kami. Since the mother is her first time, we can't do the job of delivering her baby in our own hands as midwives. Nasa batas na bawal magpaanak ng panganay at ikalimang anak o pataas, ayon sa DOH.
“Hinga nang malalim, miss,” utos ni Doc. kay Miss Lalein na panay ang pag-ungol sa sakit, hindi na alam kung saan ibabaling ang ulo at pati ang kamay ay hindi na alam kung saan kakapit.
Natuto ako sa New York kung ano ang paraan ng mga kasamahan ko roon sa pagpapaanak. They're very accommodating like we won't make the patient feel intimidated because we are all conversing with the patient, making her laugh and calm instead of stressing her. We gave some advice too since most of us were moms already.
Sa kasamahan ko rito, tatlo lang kaming may anak na talaga, kasama na si Doc. Sharon at dalawa ang dalaga pa. Dala-dala ko iyong natutunan ko sa New York at magandang technique para pagaanin ang loob ng mga pasyente. Si Sally at Ate Myra lang pala ang madaldal sa kanila rito, nadadamay lang si Doc. Sharon sa kanilang ingay.
Karamihan sa mga naha-handle namin dito simula noong magtrabaho ako last week ay puro kabado. Hindi naman talaga maiiwasan iyon pero madalas puro iyak ang nanaig kaysa sa pag-ire. Stress na stress tuloy si Doc. Sharon sa mga patient na hindi sumusunod sa sinasabi niya.
“Kalma lang, huwag kabahan. Mahihirapan ka lang,” sabi ni Doc. Sharon sa medyo kalmadong boses.
Mabait siya kahit medyo intimidating lang ang dating niya kapag unang pag-uusap. Siguro halos lahat kaming mga empleyado niya ganoon ang impression.
“Glooming na midwife, ano?” tanong ni Sally, itinuro pa ako. Paraan niya para aliwin ang pasyente.
“Parehas lang po kayo, ma'am,” sagot niyang binigyan pa kami ng ngiting matipid sa dulo kahit halatang nahihirapan siya.
“Nang-uto ka pa. In love kasi ito,” masayang pagbabalita niya sabay sikil sa braso ko dahilan para umiling ako at lumayo.
Tumabi ako sa kaliwa, hinawakan ang kamay niya nang kunin ko. Pangalawang beses pa lang naming pagkikita ito, pero mukhang okay lang sa kaniya ang hawakan ko siya.
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...