Chapter 1

1.5K 15 2
                                    

"Lakad ka nang lakad baka mamaya mapaanak ka bigla."

Huminto ako sa sinabi niya habang palapit siya sa akin at may dala siyang mangkok. Tumataas-baba ang dibdib kong hinahabol ang paghinga ko. Nakakapagod pala ang magpabalik-balik sa iisang area lang.

Sabi kasi nila ay mapapadali raw ang panganganak ko kapag maglalakad-lakad ako. Alam kong dapat kanina ko pa ginawa, pero hindi na niya ako pinalabas pa ng bahay.

"Oo na. Uupo na," sagot ko. Nilingon ko ang sofa. Isinandal ko nang maayos ang mga natumbang unan bago umupo.

"Be careful," aniyang hinawakan ang kamay ko pagkalapag niya ng dala niyang mangkok na may lamang fresh slice fruits.

"With my heart," taas-babang dugtong ko sabay ngiti nang napakalapad matapos siyang umupo sa tabi ko.

Nailing siyang tumawa. "Have some apple and peaches." Inilapit niya ang nadampot niyang peaches sa labi ko.

Pinanlikahan ko ng matang nilingon siya habang nilalasahan ang peaches. Napakatamis. Ang sarap!

Kinuha niya ang mangkok sa mesa para ipatong sa kandungan niya. Muli niya akong sinubuan, pero mansanas naman ngayon. Bahagyang nagtalo pa ang panlasa sa bibig ko dahil mas nangingibabaw ang lasa ng peaches. Nalalasahan ko rin ang tamis, hindi ito katulad ng ibang mansanas na may pagkamaasim.

Tatango-tango akong ngumunguya. Naririnig ko ang crunchiness ng mansanas habang tinutunaw sa bibig.

"Ziel, Rosette na lang kaya pangalan ng baby girl natin." Hinarap ko siya. Dumampot ako ng peaches sa mangkok at napansing huling slice na pala iyon.

Inaaral ko ang biglang pagkakaroon ng guhit sa kaniyang noo kung gusto niya ba ang suhestyon ko o hindi. Nakita ko lang sa google ang pangalang Rosette at pakiramdam ko, bagay sa anak namin. A delicate rose.

"Sa tingin mo?" Nakangiti akong nakatingin pa rin sa kaniya. Unti-unting nangunot ang noo ko sa pananahimik pa rin niya.

Ayaw ba niya? Ambang babawiin ko ang sinabi nang bigla siyang humugot ng hangin at niyakap ang mangkok.

"Gusto ko iyong pangalan na Riley para sa lalaki, pero babae first baby natin kaya okay na ako sa sinabi mo." Ngumiti rin siyang sinulyapan ako.

Lumapat ang daliri niya sa gilid ng labi ko at agad din niyang ibinaba. Ipinahinga ko ang ulo sa balikat niya kasabay niyon ang paghaplos nito sa buhok ko.

"Talaga?" paniniguro ko. Akala ko pa naman ayaw niya. Biglang umukit ulit sa labi ko sa naalala. "Tandang-tanda ko pa iyong mga pangalan na isinulat mo sa papel noong huling tatlong buwan," kuwento ko.

Iyon sana ang titingnan ko kanina at pagpipilian, pero hindi ko maalala kung saan niya itinago. Baka nga ay itinapon niya, kaso imposible. He value his things so much. Siguro nasa pitaka niya. Mahilig pa man din siyang magtago ng mga letter at palagi kong nahahanap ang mga letter na isinulat ko sa kaniya dati na nakasiksik sa isa niyang wallet.

"Don't bother to find that paper. Mas bagay na iyong Rosette para sa anak natin," sagot niyang naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. "Paniguradong magmamana sa ganda mo iyon." He gently pinched my cheeks.

Tumingala ako at ipinatong ang kamay sa kaniyang dibdib. "Tayong dalawa kamukha niya kasi tayo mama at papa niya."

Nai-imagine kong magiging maganda siya at baka maging habulin ng lalaki. Aziel is a handsome guy and he still maintain his athletic built. Many women adore him so much, but I'm lucky to have him for the rest of my life.

Kinuha niya ang kamay ko pagkadikit ng pisngi nito sa ulo ko. "Yeah, you're right." Idinampi niya sa kaniyang pisngi ang kamay ko at pinaulanan nang malambing na halik ang bawat daliri ko.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon