Chapter 4

506 5 0
                                    

SINUNDAN NG mata ko ang daliri kong nakaturo sa papel para basahing mabuti ang nakalagay sa resume. Sinabi ko namang kahit hindi na gawin ito ni Aziel dahil okay na iyong interview lang, pero nagpapasa pa siya ng ganito.

Lumubog ang upuan sa tabi ko, nalanghap ko pa ang mamahalin niyang pabango. Parang lagi siyang bagong ligo dahil sa fresh ng amoy ng citrus at may iba pang kasama kaya napaka-manly ng dating sa ilong ko.

"I don't want to hire this girl," sabi niya sabay turo sa nakadikit na picture.

Nilingon ko siya. Bakit hindi? May experience naman siya sa pag-aalaga ng bata.

"She's not capable to babysit Rosette,"dagdag niyang nakapukol ang tingin sa papel.

Nasa mid-thirties, pixie cut ang buhok at nakalagay sa experience  niyang dalawang taon siyang nag-aalaga ng bata. Naalala ko ring may anak din siya noong na-interview namin siya kanina, pero ayaw sa kaniya ni Aziel.

Mas magandang maging tugma kami sa pagpipili ng babysitter para sa ganoon ay walang problema. Hindi namin pag-aawayan na ako nag-hire at ipinilit sa kaniyang tanggapin.

"How about this?" tanong ko at iniipit ang daliri kung saan ang tinutukoy ko.

Tiningnan niya ang picture ng aplikante. "She's too old to help you."

Sinulyapan ko siya. Kakaunti pa lang ang puting buhok base sa picture at hindi naman mapapansing matanda. Hinanap ng mata ko ang edad niya at nalamang kaya pala niya nasabi iyon dahil lampas na nga sa employee age.

"May experience pero siya sa pag-aalaga ng bata. Matagal na siyang nanny," sabi ko. Gusto kong siya na lang ang katulong ko sa pag-aalaga.

Matututo pa ako sa kaniya. Nag-volunteer si mama na siya ang tutulong sa akin, pero ayaw ko. Iba ang iisipin ni Tita Vivian. Sasabihin niyang pinapaboran ko palagi ang mama ko, kaya mas magandang ibang tao na lang para walang gulo.

Tumango siyang sinulyapan ako. "Yes, she may experienced about this kind of job, but consider her age. She's already sixty-six," sambit niyang binilog-bilugan ang kinaroroonan ng edad ng aplikante gamit ang hintuturo.

"Tingnan mo itong resume nito," sabi ko ulit nang ipakita ko sa kaniya ang pangalawa sa huling resume ng aplikante.

Muli siyang umiling. "She's not trustworthy." Inayos niya ang pagkakabit ng neck tie.

Lumandas doon ang kamay ko para tulungan siya sa pag-aayos dahil mali ang pagkakakabit niya. Itinupi ko rin nang maayos ang collar ng suot niyang black suit.

"Uso pa naman ang magnanakaw ngayon," sabi niya. "Hindi natin alam kung spy iyan o may masamang balak."

Kumunot ang noo ko dahil napakaaga pa para husgaan siya. Pinansin ko ang picture ng babaeng hindi ko naman makitaan ng kahina-hinala. Nang dahil lang sa parang pagod niyang mukha, makapal ang labi, hindi na katiwa-tiwala?

"We need to hire someone who has a at least one year of experience," klaro niya, magiging businessman bigla ang aura niyang nakikipag-usap sa akin.

Three months lang iyong work experience niya nang basahin ko ulit ang nasa ibabang bahagi ng resume nito.

"Hindi sa sumasang-ayon ako sa sinabi mo sa kaniya, pero medyo nakapag-aalala nga kasi kulang sa work experience," sagot ko.

Talagang mataas talaga ang standard niya sa mga employee. Kahit sa family business nila ay madalas akong nakakarinig sa mga nagtratrabahong nakatatakot daw siyang boss. Kapag oras kasi ng trabaho, gusto niya iyon ang gawin nila at hindi ang makipagkuwentuhan.

Mabuti na lang at ipinilit ko sa kaniyang kunin niya ang gusto niyang bachelor's degree noong kapanahunan ng kolehiyo namin. Gusto niya akong sundan at sinabi pang mag-doktor na lang kami para mas maganda ang opportunities na dumating sa amin, pero ayaw kong gawin niya iyon nang napipilitan.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon