Chapter 35

584 11 9
                                    

PANAY ANG pag-inat ni ate na inaabot ang likod. Humikab siyang tumingin sa akin. “Matutulog na ako, Ruth. Ang sakit ng likod ko,” paalam niya sa akin habang umaakyat ito, samantalang pababa naman ako na may dalang baso.

Tumango lang ako. “Sige, ate. Good night.”

“Sa 'yo rin,” nakangiting balik ni ate sa akin, kumaway pa siya bago isara ang pinto ng kuwarto.

Liliko sana ako para hugasan ang basong pinagtimplahan ko ng gatas ni Rosette noong mapahinto ako sa pagpihit dahil sa tatlong beses na pag-doodbell. 

Bago pa maulit nang sunod-sunod, agad kong inilapag sa mesa doon sa sala ang baso at dali-daling lumabas para mapagsino ang nambubulabog sa gabi. 

Imposibleng may bisita pa si ate kasi matutulog na siya. Lalo naman si papa na kanina pa nagpahinga. Wala rin akong inimbitahang iba, hindi rin naman pupunta si Kalen nang ganitong oras. Alas-dies na ng gabi. 

Nandilat ang mga mata ko sa pagbukas ng pinto. May ngiti siya sa labing kumakaway-kaway, halos mapasubsob siya noong hindi niya napansin ang nilalakaran.

“Aziel—” kusang naputol ang sinasabi ko nang bigla niya akong yakapin. Nanigas lang ako sa kinakatayuan ko, nakalutang sa ere ang mga kamay.

“Why are you here? Gabi na, ah,” sabi ko.

Humigpit lang lalo ang yakap niya sa akin kaya imbes na hayaan siya sa ginagawa, ginamit ko ang buong lakas para itulak ito.

Napasandal siyang hinabol ko ang braso niya at hinawakan. 

“I'm here to love you,” malambing niyang sabi. Hinila ang kamay ko at muli sanang yayakapin ulit nang agad kong inalis ang mga kamay niyang pumulupot sa akin.

Nalanghap ko ang alak sa kaniyang damit. Iiling-iling ko siyang tiningnan sa mata. 

“Lasing ka pa talagang pumunta rito. Hindi ka man lang nahi—”

“Is he the one?” nanunuya niyang tanong.

Pikit-mata kong hinilot ang noo ko sabay iling. “Lower your voice, Aziel. Magigising mo sila,” saway ko.

Namilog ang mata niyang dumako ang paningin sa nakasiwang na pinto. Dire-diretso siyang naglakad, pumasok sa loob. Isinara ko ang gate, sinundan siya sa loob ng bahay. 

“Oh, Rosette's still awake?” walang kamalay-malay niyang tanong, nakatingin sa kisame.

Nilingon niya ako sa kaliwa. Mapungay ang mga mata niya. “Let me see my daughter. Where's she?” nakangiting tanong niyang kumurap nang mabagal.

Itinaas niya ang hintuturo. “But. . .” Mabigat siyang nagpakawala ng buntonghininga. Hinuhuli niya ang palad ko pero agad kong inilayo kaya hindi niya nahawakan. “Let's have some talk first. Speak to me, please?”

“Umupo ka nga muna,” naiinis kong utos. Hinawakan ang pulsuhan niya at hinila siya patungo sa sala.

Bumungisngis siyang idinikit ang pisngi sa gilid ng ulo ko. “Thanks, wife. I swear I'll speak to you politely and act properly.” Nakita ko sa gilid ng mata ang pagtaas niya ng palad.

Pabagsak siyang naupo, bumuga pa nang malakas na hangin. Ipinahinga niya ang ulo sa sandalan ng sofa. Bumaling ang paningin ko sa itaas noong bumukas ang pinto ng aming kuwarto.

“Diyan ka lang. Babalik agad ako. Pupuntahan ko lang saglit si Rosette sa kuwarto,” bilin kong iniwanan siya sa baba.

“Dad is here, mommy?” salubong ni Rosette, nakatingala sa akin.

Tumango akong hinawakan ang balikat niya sabay hagod. “Yes, baby and he's. . .” Ngumiti akong tinapik ang kama. “He's tipsy.”

Tiningnan lang niya ako sabay tingin sa labas ng pinto. Dahan-dahan ko siyang itinulak pahiga na sumunod din agad. “Go back to sleep now, baby. Mag-uusap lang kami ng Dad mo,” sabi kong itinaas ang kumot.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon