NAGING MAAYOS ang pag-uusap namin ni Caleb sa video call. Sinabi kong hindi na muna ako makakapagturo dahil may trabaho akong bago rito at nakalinya sa profession na tinapos ko. Madali lang naman niyang naintindihan kasi nasabi ko na ring hindi talaga pagtuturo ang gusto ko noong makatanungan kaming dalawa kung ano talaga ang pangarap namin.
Gaya ng hula ko, gusto niyang maging engineer balang araw pero alam kong may posibilidad pang magbago iyon dahil bata pa siya.
"Ingat ka diyan, Teacher Ruth. I'll miss you. Hope to see you soon," paalam niya kumakaway-kaway pa bago i-end ang tawag.
Mabilis naglaho ang ngiti ko nang maalalang muli na naman akong nagsinungaling. Itinaas ko ang tuhod kong pati ang mga kamay ay itinaas din ang magkabilang siko, sabay yukyok ng ulo. Paulit-ulit kong isinuklay-suklay ang buhok gamit ang mga daliri.
Taas-baba ang dibdib ko, hinahanap ang tamang paghinga para maging maayos ang daloy ng hangin sa ilong ko. May tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko at kahit hindi na ako magtaas pa ng paningin, alam ko na kung sino dahil sa tunog ng sandals niyang tila higante.
Dumikit ang pisngi niya lulod ko. Lumandas ang kaniyang kamay sa buhok ko, hinahaplos-haplos niya pero may sumasama sa daliri niyang mga buhok ko kaya kumikiliti sa noo ko.
"Mommy, are you good na?" malambing at may pag-aalalang tanong niya.
Nag-angat ako ng ulo. Itinaas ko ang mga buhok kong nahila niya at ngumiting binuhat siya para paupuin sa tabi ko.
"I'm good naman, baby," sagot kong hindi inalis ang ngiti sa labi. Lumingkis siya sa braso kong tumitig sa mata ko.
Inabot niya ang mata ko na muntik pa niyang masundot pero mabuti na lang ay sa kilay ko tumama ang daliri niya. "You don't look good, mommy," sagot niya at saka lumabi. Binawi niya ang kamay at isa-isang pinakita sa akin ang daliri niya. "Binilang ko iyong days na sad ka."
Apat na daliri niya ang nakataas. Nakipagtitigan lang siya sa akin. Pilit niyang inaalam kung ano ang mayroon sa akin pero hindi niya mabasa at maintindihan dahil mukhang magaling akong magtago o sadyang wala pa siyang masyadong muwang sa nangyayari.
"And I saw you cry like this every night." She showed me how I curled my body like a baby, sleeping in a womb.
Nag-angat siya ng tingin. Full of worries and curiosity. "Mommy why are you crying like that? Are you sick?"
I've been lost and doing my usual habit without energy to take care of her. Halos hindi ko siya nakakausap nang maayos. Wala na siyang naririnig na long bedtime story dahil nasa kalahati pa lang kami ng story, sinasabihan ko na siyang matulog. Parang napapansin niyang may mali na nga talaga sa akin. Hindi ko naman alam na pahalata na pala ako masyado.
"No, baby. I'm not sick. Yes, mommy is sad because of the movie I've watched since that day," sagot kong ipinatong ang kamay sa tuktok ng ulo niya at marahang itinulak palapit sa akin para isandal sa dibdib ko. "Hindi maalis sa isip ko iyong sad moment na iyon kaya umiiyak pa rin ako kapag naalala ko."
I'm making a lot of excuses with a touch of reality. Hindi naman siguro masama ang ginagawa ko. Ginagawa ko lang mabulaklak nang kaunti—inihahango sa totoong nangyayari sa paraang madali niyang maiintindihan ang pagbabago na ng sitwasyon namin.
"Sabi ni Tita Sally, kapag sad ka raw, kailangan kumanta ka." Tumayo siya at ikinulong ang pisngi ko gamit ang maliit niyang palad. Ramdam ko ang init ng haplos ng daliri niya. "Mommy, try to sing a song so you won't be sad anymore."
Mas lalong lumawak ang ngiti kong muli na namang nag-iinit ang sulok ng mata ko. Pasimple akong tumingala at pumainlanlang ang mahinang tawa. Niyakap ko siya para hindi niya mapanood ang pagtulo ng luha ko kapag hindi ko na kayang pigilan.
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...