NGUMUNGUYA SIYANG nakatingin sa camera ng kaniyang phone nang lingunin ko. Isa-isa ko namang inilagay muna sa refrigerator ang mga pinamili kong hindi ko gagamitin sa mga iluluto ko mamaya.
Bumilog ang labi niyang pumalakpak nang mahina dahil sa naunang sinabi ko at parang sa mga sandali lang ito naging malinaw iyon sa kaniya.
"Aba, napaka-loyal naman ng batang iyan. Tatlong taon na ang lumipas, ikaw pa rin ang gusto niyang maging tutor," manghang-mangha niyang sabi sabay tawa sa dulo.
But it wasn't easy. Five months din kaming hindi nagsama dahil sinabi kong aalis na ako, pero hindi rin nangyari. Napagdesisyunan kong susundin ko kung ano ang gusto ko this time, kaya sinaway ko si Aziel. Sinabi ko sa kaniyang itutuloy ko ang pagiging tutor sa Kumon, kaya noong malaman iyon ni Caleb ay nag-request siya kung puwedeng ako na lang ulit.
Walang samaan ng loob dahil may naibigay din akong bagong magiging estudyante kay Ma'am Karen noong napunta sa akin si Caleb.
"Ako lang daw kasi ang mas nakapalagayan niya ng loob. Mas madaldal pala ang batang iyon sa personal," sabi ko.
Naalala kong binigyan niya ako ng card tuwing teacher's day. Kahit hindi naman ako licensed teacher, binibigyan pa rin niya ako dahil super thankful siya sa pagtuturo ko sa kaniya. Itinago ko sa tinatawag kong safe box iyong tatlong card na ibinigay niya sa akin at paniguradong madadagdagan pa sa taong ito.
Higit pa sa teacher kung ituring daw niya ako. Sabi niya ay para raw may mama siya kapag kinakausap ako. Lahat ng nangyayari sa kaniya sa school nila ay hindi niya nakakaligtaang ikuwento rin sa akin.
"Ganiyan talaga kapag tahimik. Dumadaldal sa tamang tao," sagot niyang tinanguan ko. "Kumusta nga pala kayo ni Azi?" maagap niyang tanong sabay shoot ng kinakain niyang kettle korn junk food sa bibig.
"As usual, we're good."
Not totally good, anyway. Ginagawa niyang big deal palagi ang papa ni Caleb kapag madadatnan niya kaming nag-uusap kapag nagbabalikbayan ito. Ilang beses ko nang nilinaw sa kaniya pero mas lalo lang niyang pinapalabo hanggang sa nagsawa akong idepensa ang katotohanan. Inilalabas ko na lang sa kabilang tainga ang mga hindi magagandang salita sa bibig niya at iintindihin siya dahil paniguradong dala lang iyon ng pagod.
"Sigurado ka?"
Tumango akong hindi ipinakita sa kaniya ang pilit kong ngiti. Hindi lang si Kalen na papa ni Caleb ang pinag-aawayan namin dahil madalas, hindi iimik kapag umuuwi. Yayakap lang sa akin at didiretso agad sa pagtulog pagkatapos niyang makipagkuwentuhan kay Rosette para kumustahin ang anak namin.
"Last time, sinabi mong hindi kayo okay ni Azi. Nag-away kayo 'ka mo," sabi niyang ikinatigil ko sa paglalagay ng itlog sa egg tray dawer ng refrigerator.
"Sinabi sa iyo ni ate?" kunot-noong tanong ko, ibinaba nang maayos ang itlog para hindi mabasag.
"Nabanggit lang niya noong kinumusta ko siya kahapon. I've asked you yesterday, but you didn't told me about that." Kinusot niya ang balot ng kettle korn at itinupi ito nang apat.
Binilisan ko ang paglalagay ng mga itlog na hindi ko kakailanganin at isinara ang pinto ng fridge. "Pasensya na Sally, hindi ko na kasi nabanggit dahil nagmamadali ka rin niyon," sagot kong tumalikod sandali para ilagay sa drawer ang mga plastic na nagamit.
"At ayaw ko kasing ipagsabi ang problema naming mag-asawa. Nagkamali si ate sa sinabi kasi hindi naman kami nag-away," pagdadahilan ko pagkabalik ng harap sa kung nasaan ang laptop.
Ayaw ko lang silang pag-alalahin sa nangyayari sa buhay mag-asawa namin dahil labas na rin sila roon.
"Pagod lang siya niyon kaya hindi kami nagkausap. That's it. I hope you'll stop worrying about us, Sally," pakiusap ko. Hindi naman malala iyong tampulan at away namin. Kaya naming ayusin agad kinabukasan.
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...