Chapter 50

1.5K 25 28
                                    

“Nasa bayan na raw sila ni Aziel,” imporma ni Kalen habang ibinabalik ang phone niya sa bulsa ng kaniyang hawaiian print shorts. Umakbay siya sa akin at naramdaman ang paghalik niya sa gilid ng buhok ko, malapit sa sentido.

Tumingin ako sa likuran ni Kalen nang bahagya siyang mapatalon sa gulat. Nakahawak pala si Rosette sa shorts niya, tumama yata ang kamay nito sa puwet ni Kalen. Tumatawa siyang yumakap sa aming dalawa.

“Matutuloy si Dad na punta dito, mommy?”

Tumango ako. Pinisil naman ni Kalen ang pisngi niya. Lagi niya talagang pinanggigilan ang mataba niyang pisngi, maging si Aziel ay lagi rin niya itong ginagawa.

“Kahit tapos na birthday party ko?”

“Yes, baby. Extended ang birthday mo.” Inalis ko ang tali ng kaniyang buhok para ayusin.

“Papa, may pa-dance number na naman kayo ni Kuya Caleb mamaya?”

When she addresses Kalen as papa, it sounds divine. Hindi lang basta musika sa pandinig, sobrang gaan. Paano pa kaya si Kalen. Ano kaya ang nararamdaman niya?

“Mama, Papa, Rosette, tingnan n'yo, oh,” sabi ni Caleb, itinuturo ang nasa maliit niyang timba nang makalapit siya sa amin dito sa kubo-kubo.

Another heaven feels and soothing in my ears every time Caleb calls me mama. Alam kong hindi madali pareho sa dalawang bata para kilalanin kaming magulang nila. Si Rosette na nasanay siyang si Aziel lang ang Dad niya, at si Caleb na si Kalen lang ang kasama niya hanggang sa magkumuwang siya sa mundo.

“Wow, shells!” manghang sabi ni Rosette, agad tumabi kay Caleb pagkatapos kong ayusin ang ponytail niya.

“Saan mo nakuha iyan, kuya?”

“Doon.” Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Nakita sila mama, papa at si Mama Aira na nagpupulot ng shells sa dalampasigan. “Kumukuha kami ng ganito ni lolo. Sila lola gagawin daw pang-design sa bahay.”

Nahuli ko ang pagbilog ng labi ni Rosette. “Papa, kuha rin tayo ng ganito. Ilagay natin sa room ko at sa living room natin,” kalabit niyang sabi kay Kalen dahilan para bumungisngis naman siya sa tabi ko at haplusin ang tuktok ng ulo ni Rosette.

“Ilagay mo sa gilid ng paso ng halaman na nasa kwarto mo, Caleb,” suhestyon ko nang maging abala siya sa ipinagtatabi niya ang shells sa timba. Inaayos niya ang puti at medyo itim, saka ang maliit sa malaki.

May tatlo siyang halaman sa kuwarto niya. Hindi naman daw ito mahilig sa halaman, sabi ni Mama Aira at ni Kalen pero may napanood yata siyang video tungkol sa room makeover, kaya nagpalagay rin ito.

“Tama ka pala, mama. Puwede rin pala ito.” Nag-angat siya ng malaking shell.

“Tara, kuya, let's collect more. Hiram tayo ng timba kay lola kasi magkasama naman sila.” Hinila-hila niya ang kamay ni Caleb na natangay naman niya ito.

“Mommy, Papa, sama muna ako kay Kuya Caleb, ah. Call n'yo ako kung nandito na si Dad at Grandma,” sabi niya habang paatras na naglalakad. 

Nagpalit sila ng puwesto. Ang kaninang si Caleb ang natatangay, ngayon si Rosette na at siya na ang may dala ng timba. Tumawa na lang ako habang pinapanood ang paglayo nila, samantala, kitang-kita ko mula rito ang paglublob ng paa ni papa sa tubig tapos winasikan ng maliit sila mama at Mama Aira.

“Can't believe that they easily accepted our relationship,” sabi ko kay Kalen, inihiga ang ulo sa kaniyang dibdib. Abala naman ang kamay niyang hinahaplos-haplos ang buhok ko sa gilid. 

“Ako rin kasi nga bata pa sila at hindi nila maiiwasang maka-encounter ng mga tanong tungkol sa parents.”

Ipinulupot ko ang kamay sa baywang niya, hinapit siya palapit sa akin para marinig ko nang husto ang mga bulong ng puso niya.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon