Chapter 13

458 8 0
                                    

NAKATITIG LANG ako sa dalawang tasa sa harap ko habang nasa gitna naman ang phone ko. Ilang beses akong nagpakawala nang malalim na buntonghininga. Kulang na lang ay apoy ang maibuga ko. Sumasakit ang ulo ko sa pagdadalawang-isip. May bumubulong sa aking buksan ko facebook account niya sa phone ko para makasigurado.

Akala ko ay mapapanatag na ako sa ginawa niya, pero hindi pa sapat. Hindi naalis sa isip ko ang pabango. It's a threat for me if they're seeing each other.

Pumikit akong nagpakawala nang sobrang lalim na buntonghininga. Mahigpit ang yakap ng kamay ko sa phone at pagkadilat ay nanlalamig pa ang mga daliri kong nagta-type ng mga letra sa keyboard.

Lumunok ako, tinititigan ang maliit na bilog sa gitna matapos kong pindutin ang log in. This will be the very first time that I'm going to this to him.

Hindi ko kailanman binuksan ang facebook account niya. High school pa lang kami, ibinigay niya sa akin at nakakakaba lang na nakatutuwa dahil hindi pa pala niya pinalitan ang password.

Kahit ilang beses akong nagduda sa kaniya. Kahit nahuli ko siya. Kahit nasasaktan ako, hindi ko kailanman binuksan dahil nirerespeto ko ang privacy niya. Pero. . . iba sa ngayon. Hindi matahimik ang isip ko.

I immediately went to his messenger to check their recent conversation. My eyes grew bigger when her name was in the first. I painted a painful smile. There are still unread messages from me below Emily's name.

My mind did a little celebration for some moment because I hit the right button of gut that they have communication behind my back.

My mind is going in circles. They were talking about the free cosmetic packages she received from Aziel's company. She talked about how it suits her the rose color lipstick, how cute the package is, how the sales of their recent cosmetic product increased because of her goddess beauty and so on. They were practically talking about business matter, but my mind and heart can't be contented from what I had read.

I scrolled up fast, looking for more until my eyes see something that will make my eyes wet. My fingers stopped from scrolling when my eyes caught a heart emoticon and a kiss mark emoticon, swallowing hard as my hands started to shiver. There is it, the genuine conversation of them.

"Where are you? I'm free tonight."

"Still at work. Why? Are you okay? Do you need me?"

Sana tinatanong mo rin ako ng ganiyan, Ziel. Kailangan kita sa lahat ng panahon, pero hindi ko ipinakita ang lahat ng kahinaan ko dahil ayaw kong mahawa ka sa lungkot. Kahit tumabi ka lang sana. Kahit hindi mo na iyan tatanungin, basta nasa tabi lang kita pero wala ka pa rin.

Hindi ko na inalam pa kung kailan sila nagsimulang mag-usap ng ganito ka-casual. Iyong paraan pa ng typings nila ay hindi masasabing for business matter dahil for love matters.

"Yes, I need you. Can you drop by?"

Nag-iwan ng simpleng okay na reply si Aziel sa text ni Emily. Napangiti ako nang mapait sa naimadyin kong pagkikita nila. Ano kaya ginawa nila? Saan kaya sila nagkita? Kumain ba sila?

Itinuloy ko ang pagbabasa. "Michael has left. Nasa condo ako. Let me know if you'll come."

"I'm coming."

Nangunot ang noo kong napanganga nang kaunti. Pumunta siya. Ito iyong gabing hinihintay ko siyang umuwi nang eleven-forty five. Sinabing kumain siya kasama ang mga college friends niya, pero mukhang si Emily ang kasama.

Kaya ka ba gabing-gabi na umuuwi sa bahay kasi siya kasabay mong kumain, Ziel?

Mas masarap ba siyang kasama kumain kaysa sa akin?

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon