PINAIKOT-IKOT NI Sally ang nakasuot na rose gold bangle sa kaniyang kaliwang pulsuhan. "Naka-duty pa rin si Ate Rics?"
Tumango akong nahagip ng camera ang pagdaan ni Frances sa likuran kong kumaway pa siya at ngumiti. Hindi pa pala siya nakapagbihis pambahay. Akala ko ay nakatulog na siya dahil halos magkasabay lang kaming dumating, pero hindi niya ako nakita kasi nakatutok siya sa kaniyang phone noong pumasok sa bahay.
"Hi, Frances. How are you doing?"
Lumingon akong iwinagayway ang kamay para tawagin siya. "Frances, may binili akong oatmeal cookies at crossiant bread. Magmeryenda ka muna habang hinihintay natin ang mommy mo," sabi kong hinawakan ang pulsuhan niya pagkalapit sa akin at marahang hinila para paupuin sa tabi ko.
Naalala ko iyong amoy ng buhok ni Rosette na may halong oatmeal extract, kaya napabili ako nang mapadaan ako sa bakery malapit sa birthing center na pinagtratrabahuan ko.
"Kailan uuwi si Rosette, Auntie Ruth?" tanong niyang kumuha ng crossiant bread.
"Wala pa rin ang inaanak kong si Rosette, bestie?" tanong ni Sally sa kabilang linya na may kinakagat na ring loaf bread.
"Bukas pa raw siya uuwi rito sabi ni ate sa akin. Ihahatid ni Aziel bago umalis patungong airport," sagot ko sa tanong nilang dalawa.
Umurong ang upuan galing sa kinaroroonan ni Sally. Yumuko siyang itinutuok sa labi ang microphone ng earphone.
"Bestie, huwag mong i-end call. Puntahan ko lang saglit si Daddy. May sinasabi kasi," paalam niya at tunog ng pagtakbo ang narinig.
Dumampot din ako ng cookies para kumain muna habang hinihintay ang pagbalik ni Sally. Kagabi pa hindi sumasagot sila mama sa tawag namin ni ate sa kanila, kaya medyo nakakapag-alala.
Nakakahiya naman kung uutusan namin si Sally na bisitahin niya sila mama bukas dahil may trabaho pa siya sa hapon at baka may date sila ni Chris nang umaga. Isang malaking salamat kung dadaan talaga siya bukas kasi Tuesday ang schedule ng pagbisita niya sa bahay.
"Auntie, sayang iyong two points. I didn't ace my quiz. I can't bribe mommy to buy you delicious food to pay your effort from teaching me," sabi ni Frances dahilan para lingunin ko siya.
"Ano ka ba," natatawa kong sabi na marahan pang sinikil siya sa braso. "Okay lang iyon. Bawi ka na lang next time, saka huwag ka na malungkot. Sigurado akong perfect score na ang makukuha mo sa next quiz." Ngumiti akong inilagay sa likod niya ang buhok na nakadikit sa kaniyang pisngi.
Bahagya niyang inilayo ang tinapay na may kagat siya sa magkabilang gilid. Kumurba ang pagsimangot niyang bumagsak pa ang magkabilang balikat. "I always get lower scores. This is my third time to get eight points over ten items. I want to have perfect scores."
"Tingnan mo, ang laki rin pala ng achievement mo. Ganito na lang gawin natin mamaya," sabi ko para kunin ang atensyon niya. Kumagat siya nang dalawang beses sa magkabilang gilid ulit. "Ilabas mo iyong test paper mo kung ibinigay na sa iyo tapos pag-aralan natin para sa susunod, makuha mo na ng tama."
Tumango siyang umukit nang maliit na ngiti sa narinig, nagustuhan ang suhestyon ko. Gumaan pa ang ekspresyong nakapaskil sa mukha niya.
"Oh, okay na. Ano na ganap?"
Tumayo siyang kumaway sa akin at kay Sally. "Tita, Auntie. I'll go to my room and get change," paalam niya sa aming patakbong umalis.
"I miss you, Frances, my big girl," malakas at malambing na sabi ni Sally at lumabi pa siya.
"I miss you, too, tita. I'll talk to you tomorrow."
She keep nodding as if Frances sees her. A thud of closing door makes Sally shift the topic.
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...