PAGKAPATAY KO na ng smart TV ay nagpakandong bigla sa akin si Rosette. Kinuha niya ang dalawang kamay ko para ipatong sa kaniyang tiyan, ginawa niyang belt.
“Mommy, hindi ka na magca-call kay Kuya Caleb para mag-teach?”
“Hindi na, baby,” maikling sagot kong inilapit ang ilong sa buhok niyang napakasarap amuyin, may bahid na oatmeal extract.
“Why mommy?”
Ipinatong ko ang baba sa tuktok ng ulo niya. “Magkaiba kasi ang oras natin. Umaga nila doon, tayo gabi.”
“Sino na ite-teach mo?”
Matipid akong ngumiti bago sumagot ng, “Wala kasi magpapahinga muna si mommy, baby.”
I decided to have a break first for three months or until six months. For that months, I'll do what makes me happy and discover new hobbies before looking for a job that will suit me once I get better.
“Pahinga rin muna ako dito sa tabi mo, mommy,” sagot niyang isinandal ang ulo sa dibdib ko. Hinawakan niya ang daliri kong bahagya niyang hinihila-hila pa, pinapatulis na gaya kandila. “Hindi kami makapaglaro ni Ate Frances kasi nags-study siya,” dagdag niyang kinagat ang daliri pagkatapos dahilan para agad ko namang bawiin. “May quiz siyang kailangan i-perfect score kaya hindi ko siya maistorbo.”
Ipinatong ko ang kamay sa hita niyang mahinang pinagtatapik-tapik. Ganito iyong madalas kong ginagawa noon sa kaniya para patulugin, pero hindi na tumatalab sa kaniya.
“Gusto mo magbasa na lang tayo ng books?” nakasilip kong tanong sa kaniya.
Umiling siyang ipinihit paharap sa akin ang ulo. “Mommy, mag-write na lang ako sa paper,” suhestyon niya at iminuwestra pa ang kamay na nagsusulat. “Gusto ko maging katulad ng pag-write ko ng name sa pag-write ni Ate Frances.”
Naalala ko iyong ilang beses niyang itinuro sa akin ang penmanship ni Frances noong binuklat-buklat niya ang notebook na nakalapag sa mesa. Maliliit na capital letters lahat ang sulat niya, gaya ng dating sulat ni ate kapag hindi siya nagmamadali. Pero ang sulat-kamay ni ate ay suldong na kahawig noong sa doktor.
“Okay, baby. Kunin mo iyong paper at pencil mo sa room tapos tabi ka sa akin para i-guide kita.”
Tumango-tango siyang bumaba sa pagkakandong at lakad-takbo siyang pumanhik sa itaas. Eksaktong pagkatapak ni Rosette sa huling baitang ng hagdan ay saka naman lumabas si Ate Rica galing sa kuwarto nila ni Frances, na may balumbon sa buhok niyang nakasuot ito ng baby pink nightgown. May bitbit siyang maliit na bag sa kaliwang kamay dahil abala ang kanan niyang kamay sa paghila ng sleeves ng nightgown niya.
“May dadaan pala rito bukas,” banggit niyang nakangiti at inalis ang tuwalya sa buhok habang bumababa. “Iyong kaibigan kong Pilipino rin. Gustong bumisita at ipapakilala na rin kita sa kaniya,” patuloy niyang lumalapit sa akin.
Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa maupo siya sa tabi kong humarap sa akin pagkataas niya nang pahiga sa kanang paa sa sofa.
“Lalaki o babae?” tanong ko.
“Lalaki,” kaswal niyang sagot matapos sumabay sa pagbukas niya ng zipper ng bag.
Bumilog ang labi kong ngumisi nang maliit. Itinusok ko ang kukong hindi pa tumutubo sa balat ng bukong-bukong niya. “May gusto ka sa kaniya, ate?”
Salubong ang kilay niyang napatingin sa akin. “Anong gusto? Utak mo, Ruth,” natatawa niyang sabi at umamba na ng pagpitik sa ulo ko, pero mabuti ay paatras kong nailayo sabay tulak pa sa kaniyang kamay.
“Magkaibigan lang kami niyon,” pairap niyang sagot. “Matagal na nga kaming magkaibigan. Ka-batch ko siya. Mas nauna pa siyang nakapagtrabaho rito kaysa sa akin.”
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...