NAGTATANGGAL AKO ng sapatos nang makitang lumabas si Ate Rica galing sa kusina na may dalang baso. Bahagya pang namulagat ang mata niya sa gulat pagkalingon sa akin. Huminto siya sa paglalakad, nagtatanong ang mga matang tiningnan ako.
“Lumabas kami ni Kalen,” simpleng sagot ko dahilan para ngumiti siyang napatango at saka itinuloy ang paglalakad.
Naupo siya sa couch at dahan-dahang iniangat ang baso patungo sa labi niya. Dumako naman ang mata ko sa ikalawang palapag ng bahay, sa pinto ng kuwarto namin ni Rosette na nakasara pa rin hanggang ngayon.
Iniwan ko siya kay papa dahil nakatulog pa ito, pero mukhang wala na rin si papa rito at ipinasa niya kay Ate Rica, na mukhang katatapos lang kumain ng tanghali.
May pagtataka sa matang nilapitan ang sofa. Lumingon-lingon pa ako sa likuran ko, hinahanap ang dalawang bata. Napakatahimik ng paligid. Imposibleng tulog pa rin sila sa mga oras na ito.
“Nabanggit na ba sa 'yo ni Kalen ang plano niya?” bungad niyang tanong pagkaupo ko sa sofa, imbes na dumiretso sa kuwarto para sana magbihis.
Tumango ako. “Hindi na raw niya tatapusin itong taon kasi magre-resign na siya. Bale, babalik muna siya roon para asikasuhin mga papeles niya pagkatapos ng isang buwang bakasyon niya rito,” sagot ko.
Isa rin ito sa pinag-usapan namin kanina noong ayain niya akong kumain sa labas. Akala ko ay didiretso kami sa bahay nila dahil gusto ko ring makita si Caleb, pero napag-alamang may pinuntahan sila ni Tita Aira at tanging siya lang ang naiwan sa bahay, hindi na nila siya ginising sapagkat nakatulog daw ito.
Simula kasi noong dumating siya ay wala pa ring halos sapat na tulog gaya nila ate at ng mga bata. Inaasikaso niya kasi ang mga papeles na ihahanda niya sa pagre-resign.
“Gusto ko rin siyang gayahin,” banggit ni ate. Niyakap ang bunganga ng tasa at iniipit sa pagitan ng kaniyang hita. “Parang mas magandang tumira na lang dito. Bumili ng maliit na bahay malapit sa bahay nila mama para isang lakaran lang.”
Pinansin ko ang kaseryosohan sa boses niya. May parte sa aking natutuwa kung ito ang nais niyang gawin, pero ang natirang kalahati ay nanghihinayang ako sa ganda ng buhay niya sa New York.
Hindi man ganoon kalaki at hindi masyadong maluwang ang bahay ni ate at ka-engrande, subalit napaka-cute ng hitsura, saka napaka-komportableng tumira roon. Tamang-tama lang sa maliit na pamilya, apat na katao ang kasya.
Napakatahimik ng paligid tapos presko pa dahil sa ibinubugang hangin ng tanim niyang mga halaman, maging ang mga puno at halaman din ng kapit-bahay niya. Gustong-gusto ngang sumama ni Rosette sa pagdidilig ni ate palagi sa mga pananim niya sa kaniyang mini-garden, malapit sa gate.
Pinatunog niya ang dila at may itinuturo sa kawalan kasabay nang pagsingkit ng kaliwang mata niya, may inaalala.
“Tamang-tama may nakita akong ibinebentang bahay malapit dito. Mukhang maganda na rin iyong bahay kahit bungalow, malayo sa two-story house na nakasanayan namin ni Frances sa NY.” Itinaas niya ang tasang kanina pa yakap-yakap ng kamay. “Pero pag-uusapan pa naming mag-ina.”
“Tama, ate. Pag-usapan n'yo muna para hindi mabigla si Frances kapag dito na kayo titira,” suhestyon kong gatong sa plano niya.
Kilala ko si ate. Hindi siya iyong klase ng taong basta-basta na lang lilipat dito dahil hindi niya maiwan-iwan ang bahay na ipinundar niya at ang kulturang nakasanayan niya na.
“Titingnan ko muna kung makaka-adjust agad sa environment si Frances dito bago magdesisyon.”
A moment of silence envelope us. I'm drowning myself in thoughts if what will be the next step after deciding to move in here again.
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...