NAKATAYO LANG siya sa harap ko habang nakaturo ang kanang kamay niya sa sofa sa kaniyang likuran. Tiningnan ko siya saglit bago ko siya lagpasan pagkatapos kong tanggalin ang sandals ko at isuot ang tsinelas na nakita sa ibaba ng shoe shelves.
“Susunduin ko bukas si Rosette. Nagbabakasyon pa siya kay mama,” sabi niya, dahan-dahan ang pagpihit paharap sa akin.
“Akala ko dito siya tuwing gabi,” sagot ko namang umupo sa sofa, inilapag ang dalang maliit na bag sa mesang nasa tapat ko.
“Ngayong gabi lang siya hindi matutulog dito. Sabi mo kasi darating ka ng hapon. Akala ko hindi ka na matutuloy.” Bumuntonghininga siyang bumaling sa akin.
Napatango-tango akong dumako ang tingin sa palad kong inilagay sa ibabaw ng aking mga hita pagkasandal ko nang tuwid.
“I guess you've made up your mind.”
Matipid akong ngumiti sabay tango na hindi ako nag-aksaya nang ilang segundo para tapunan siya ng tingin.
Alam naman niyang mag-uusap kami pero naalala ko bigla iyong sinabi niya sa akin kahapon noong banggitin ko ulit ang pag-uusap namin nang masinsinan.
'Hindi ako nagmamadali. Habaan mo lang para naman kahit hindi kita kasama araw-araw, alam kong asawa pa rin kita.'
“It's better to talk while drinking beers,” sabi niya. Namulagat akong napaangat agad ng tingin.
“Hindi tayo puwedeng malasing.”
May trabaho pa ako bukas, pati siya. Sabi niya marami pa siyang kailangang gawin dahil may kaunting problema pa at magkakaroon sila ng board meeting.
Sinundan ko lang ng tingin ang pagpasok niya sa kusina at paglabas niya ay may nakaipit sa kili-kili niyang isang in can beers at tig-dalawa pa sa magkabilang kamay niya.
“Tig-tatlong beer lang. Mas mailalabas natin iyong gusto nating sabihin,” nakangiting sabi niya, inilapag ang mga beer sa mesa at umupo sa tabi ko. Nagbukas siya ng isa. Tiningnan ko lang ang inilahad niya, nag-aalangan pa akong tanggapin dahil hindi talaga ako umiinom at baka mamaya isang lagok ko lang dito ay matulugan ko na siya.
“Come on, this will be the last time we will be drinking like this together. We should celebrate our first and last heart to heart talk.” Kinuha niya ang kamay ko, ipinayakap sa akin ang namamawis na lata ng beer.
“May tissue ka ba diyan? Maglagay ka na rin dito para kapag nagkaiyakan, may pampunas tayo.” Tinapik-tapik ko ang espasyo sa gitna namin.
Tumayo siya at parang may kumakatok nang malakas dahil sa pagmamadaling niyang pag-akyat sa itaas para kunin sa kuwarto ang tisyu.
Pinakatitigan ko ang bunganga ng beer, inaalala kung ano ang lasa nito dahil sabi ni Sally sa akin ay para lang daw naman itong root beer. Hindi naman ako siguro malalasing kapag nakaubos ako ng isa.
Bumalik siya sa tabi ko, iniunat ang kamay para ituro ang mesa. “Everything we need is already here. Beers, tissue and junk food,” sabi niya, ini-isang itinuro ang nakahanda.
Hindi ko mapansin kung natutuwa ba siya o hindi dahil ang lungkot ng mukha niya, pero iyong boses niya ay parang natutuwang magkausap kami. Binuksan niya ang malaking junk food na spicy ang flavor.
Dahan-dahan kong itinaas ang hawak ko at idinikit ang bunganga ng lata para sumimsim.
A slight malty smell kissed my nose as I tried to sip thrice. Malamig sa lalamunan at akala ko matapang, iyong may kasamang pait pero noong lunukin ko ay parang umiinom lang ako ng soda. Mild lang pala ito.
“Saan tayo mag-uumpisa?” tanong ko.
“Should we reminisce our good and bad memories together first or. . .” pamimitin niyang ramdam ko ang pagtusok ng titig niya. Nagkibit-balikat siya sa akin nang tapunan ko ng sulyap. Iminuwestra niya ang kamay, nagbukas pa ng isa. “Ikaw, may mga tanong ka bang hindi pa nasasagot?”
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...