Chapter 26

567 3 0
                                    

SUMABAY AKO sa paglakakad niya nang mapansing malayo na ang agwat naming dalawa. Kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin, pero nasa dinadaanan lang niya ito nakapokus at napansin ang paghigpit ng yakap ng kaniyang kamay sa plastic cup ng kape.

“Akala ko gagabihin ka na kasi kinuha mo shift ng co-nurse mo, pero maaga ka pala,” pagbasag ko sa katahimikang binuo niyang kanina pa umiikot sa palibot namin. Simula noong pumasok kami sa coffee shop hanggang sa paglabas namin.

“Pumasok din siya. Hindi raw natuloy iyong lakad niya,” matipid niyang sagot at isinubo ang straw.

“Kanina ka pa tahimik,” muli kong sambit, dumikit ako sa kaniya. Sinilip ko ang mukha niya pagkalapat ng kamay ko sa kaniyang braso. “Gusto mo na bang umuwi?”

Umiling siya. “I'm terrified that things will get awkward after this,” lumingong sabi niya.

“Awkward? Saan?” salubong ang kilay ko sa pagtatakang usisa. Muli siyang umiling. “Ang weird mo, Kalen. May problema ka ba?”

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang matitigan ko siya. Bumukas ang labi niya sabay sara ulit. Pagkalipas nang ilang minuto, muling bumukas ang labi niya at sapo-sapo ang likod ng leeg.

“Yes, I do have a problem and this will be your problem if I’ll choose to be honest.”

Kumalma ang pagbabanggaan ng kilay ko. Itinagilid ko ang ulong tumabi sa kaniyang kinakatayuan imbes na humarang sa daan.

“Care to share,” nang-aalok kong sabi.

Malalim siyang nagpakawala ng hangin. “Ruth, I apologize.” Humigpit ang pagyakap ng dalawang kamay sa cup, halos mayupi na at sumabog ang laman dahil sa ginagawa.

“You're apologizing for?”

“Because I can't resist what I feel,” diretsang pag-amin niya.

Bahagyang naglakbay sa pandinig ko ang sinabi niya bago ko ma-realize kung ano ang tinutukoy. Isinubo ko ang straw at inipit ko nang mariin ang pang-ibabang labing sumimsim ng coffee machiatto. Lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso kong naramdaman ang pagtusok ng titig niya.

Umikot-ikot ang straw ko sa loob ng cup, ginawa kong panghalo habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Tumikhim siyang nahawakan ang likod ng palad ko, pero agad din niyang inalis. Ipinunas niya sa pantalon sabay itinago sa bulsa. “I like you. I'm just being honest and you don't need to like me—”

“I feel the same way,” putol kong sabi.

Namulagat siyang nakaawang ang labi. May ngiti ako sa labing iniangat ang kamay para isara ang bibig.

“But. . .” mahinang bulong kong bumalik ang tingin sa hawak kong cup na patuloy sa pamamawis ng malamig.

Nagmistulang gulay sa paglanta ang balikat niyang napakatayog ng pagkakatayo kanina. “I know. We can't be in relationship because you're still a married woman,” malungkot ang tonong sabi.

Ibinaon ko ang tingin sa pavement at idiniin ko pa iyong pagkakatapak ng paa. Kung kailan handa na ulit akong pumasok sa isang relasyon, hindi pa pala puwede.

Nawala sa isip ko kung ano ang naaprubahan ng korte sa Pilipinas. Hindi kabilang ang pag-aasawang muli dahil ang nasa batas lang ay maghihiwalay kami. Hindi kami titira sa iisang bahay, hindi mag-uusap na parang mag-asawa. Malaya kaming gawin ang gusto namin maliban sa iisang bagay na bawal naming suwayin.

“Baka makasuhan tayo ng adultery kapag itinuloy natin. . .” mahinang sabi kong gumaya rin ang balikat ko sa pagbagsak.

Tinapik niya nang marahan at mahina ang balikat kong nasa tabi niya lang. “I know, I know. I sincerely apologize for having a feelings for you at this kind of complicated situation.”

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon