YUMAKAP AKO nang ilang segundo kay papa bilang pagbati sa kaniya ng good morning. Ngumiti siyang tinapik ang likod ko pagkatapos humiwalay. Inginuso niya ang hallway, nagpapaalam na sa akin kaya tinanguan ko.
Sabi ni papa nagiging okay naman daw ang kalagayan ni mama. Mabilis daw ang progress niya kaysa sa ibang pasyente, na labis ikinamamangha ng mga doktor. Bihira lang daw ang katulad ni mama sabi nila.
Tumingin agad sa akin si mama, halatang nakangiti dahil sa bahagyang pagkulubot ng balat niya sa gilid ng kaniyang mga mata.
Umupo ako. “Good morning, mama,” masiglang kong pagbati, itinaas pa ang kamay sa ere sabay ngiti nang malawak.
“Pasensya na kung hindi ako nakakapagtagal dito.” Inilapag ko ang bag sa mesang nasa kanan. “Gusto ko nga rin palang ipakilala iyong best friend namin ni Ate Rica,” sabi kong tiningnan si mama na nakatingin lang din siya sa akin.
Hindi ko gaanong mabasa kung ano ang gusto niyang sabihin o kung ano ang reaksyon niya. Sabi ni ate ay hindi pa rin niya maigalaw ang muscles sa katawan, tanging mata lang talaga ang aming way of communication.
“Alam kong naalala mo pa siya. Papa ni Caleb.” Ngumiti ako. Hinaplos ko ang buhok ni mama nang maingat. “Naalala mo pa siya?”
Kumurap siya nang dalawang beses. “Namasyal kami noong nakaraang araw. Kaming apat,” kuwento ko habang ang isang kamay ay nasa bag, binubuksan ang zipper para kunin ang phone. “Kapag okay ka na, mama, tayo rin ang pumasyal. Maganda sa Antipolo. Halos napagod kaming apat pero nag-enjoy kami masyado.”
Niyakap ng palad ko ang phone at saka pinuntahan ang gallery. “Ipakita ko iyong pictures namin.”
Muli siyang kumurap nang dalawang beses. Ipinakita ko naman ang mga kuha namin. Pabalik-balik ang sulyap ko para tingnan kung ano ang reaksyon ni mama sa nakikita.
Saglit lang ako kay mama dahil napansin kong gusto niya munang matulog. Nagpaalam din akong uuwi muna at si ate ang babalik, 'tsaka sinabi kong maghapon ako bukas para bantayan siya dahil si papa ay may urgent meeting sa company nila Aziel.
Mabuti ay pinag-isipang mabuti ni papa ang pag-alis niya bilang shareholder. Ayaw ko kasing umalis siya nang dahil lang sa nangyari sa amin. Hindi matibay na rason iyon para mag-withdraw siya sa company. Isa pa, matagal na siya roon.
Pagkaabot ko ng bayad sa tricycle driver ay agad akong tumingin sa bag ko nang maisara ang zipper. Namulagat ang mata ko pagkaangat ng tingin sa nabungaran.
Kulay grey ang business suit niyang nakasabit sa kanang kamay niya, hindi pa masyadong maayos ang pagkakakabit sa necktie niya at hindi ko alam kung sinadya niyang maging ganoon ang hitsura o talagang hindi pa rin niya alam maglagay ng necktie. Lumalabas ang biceps niya dahil sa masikip niyang polo nang abutin niya ang tinitingnan kong sleeves.
Nakasandal ito sa gate, nakatago sa bulsa niya ang kaliwang kamay habang nakangiti. Kumunot lang ang noo kong tumigil sa harap niya.
“Friday ang balik mo dito, 'di ba? Tuesday ngayon,” sabi ko, naalala ang sinabi niya kahapon.
“I just came here to talk to you,” sagot niyang umayos sa pagkakatayo. “Personally,” mariin niyang dugtong, nakatingin siya sa mata ko dahilan para umangat ang kanang kilay.
“Puwede mo namang idaan sa tawag kung hindi importante ang sasabihin mo. Lalo na kung tungkol sa paglabas ninyo ni Rosette.”
Wala namang problema sa akin kung gusto niyang araw-arawin ang pakikipagkita kay Rosette. Anak din naman niya iyon, hindi lang akin.
“Actually, it's not about Rosette. I'm in a hurry, but I want us to talk.” Ipinadaan niya ang kamay sa butones ng kaniyang polo.
Para siyang nasasakal sa necktie niya, pero hindi ko na lang pinansin dahil kaya naman niyang kalasin at hindi niya kailangan ang tulong ko.
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...