Chapter 32

527 6 1
                                    

NAABUTAN KO si ate na mag-isang kumakain sa kusina. May kunot ang noo mula sa pagtataka habang may ngiti sa labi. Wala si papa sa tabi niya at baka nasa kuwarto na nila mama, hindi ko lang napansin ang pagpasok niya dahil nasa loob ako ng kuwarto namin ni Rosette na abalang nag-aayos ng damit sa closet.

"Good evening, ate. Pasado ba ang luto ko?" nakangiting tanong ko dahil hindi pa niya namalayan ang pagpasok ko.

Parang nalunod siya sa pagnamnam sa kinakain. Tinakpan niya sandali ang bibig sabay lunok.

"Palagi namang pasado. Alam mo namang mas masarap ka magluto kaysa sa akin," nakangiti ring sagot niya. Itinuro pa ang pinggan, inaalok akong kumain.

Umiling lang akong hindi inalis ang pagkakadikit ng ngiti. "Nambola ka na naman, ate, pero salamat."

"Ituro mo nga sa akin iyong tamang timpla rito, Ruth. Hindi ko talaga makuha-kuha ito, eh," tukoy niya sa pork curry.

Tumawa ako sa paglabas ng dila niya at kinagat pa dahil sa anghang, napainom pa siya ng tubig nang wala sa oras.

"Sige, ate. Ituturo ko sa iyo bukas."

Nagsalin ako ng tubig sa baso dahil iyon ang sadya ko. Sumasabay sa pag-tss ni ate sa anghang na nasa loob ng bibig niya sa pagbuhos ng tubig sa baso.

"Sa Thursday, may pupuntahan pa ako bukas kasama si Frances."

Tumango akong hinalikan ang bunganga ng baso at dahan-dahang iniangat para pawiin ang uhaw sa lalamunan.

"Ano inilagay mo rito? Nilagyan mo pa ba ng coconut milk?" Isinubo niya ang patatas.

Pagkaubos ko ng iniinom, sumagot ako. "Hindi ko na nilagyan, ate. Purong curry powder lang at saka naparami ng sili kaya maanghang. Pasensya na kung napapasinghot-singhot ka."

Pinunas-punasan niya ang ilong gamit ang likod ng hintuturo niya. "Masarap, Ruth. Hindi katulad kong napakaraming sabaw ng pork curry ko," natatawa niyang sabi.

Tuloy-tuloy siyang uminom, pinapawi ang anghang pero hindi pa yata sapat nang ilabas niya ang dila pagkatapos at napa-tss ulit.

"Malapit na ang balik ninyo ni Frances sa New York," salita ko dahil ilang linggo na lang, matatapos na ang isang buwan.

Pati si Kalen ay babalik na rin, samantalang magpla-plano pa lang ako kung sasabay ako sa kanila para kunin ang gamit at magpaalam nang maayos kahit na naipadala ko na ang resignation letter ko sa email.

"Ang bilis nang araw," buntonghiningang sabi niya sabay sandal ng likod sa upuan. "I can't leave mama for now. Maybe I should-"

"Pag-isipan mo muna, ate. Gumawa ka ng desisyong hindi mo pagsisihan." Ngumiti ako. "We should live without regrets," dagdag ko, ibinalik ko ang linya niya sa akin dati.

Natatawa siyang umukit nang ngiti at sinamahan pa ng pagtango. "Opo, mahal kong Ruth."

"Nakakatuwa iyong pursigidong mayroon si mama para gumaling," muling sabi ko, hindi mapigilan ang pag-apaw ng puso ko sa tuwa noong makita ko siya kanina.
"Nakakausap na natin siya gamit ang pagkurap-kurap."

Ang cooperative rin ng katawan ni mama. Mabilis siyang nakakasunod sa sinasabi namin at ng therapist. May pagkakataon pang hindi niya naitago ang pag-iyak niya sa amin. Patak nang patak ang luha niya, walang lumalabas na ingay sa bibig niya.

Damang-dama namin ang sakit na nararanasan niya sa kagustuhan niyang igalaw ang katawan. Umuungol siya sa pagkairita dahil wala siyang magawa kundi ang tumitig lang sa amin. Hindi naging madali sa amin ang tatlong araw na iyon dahil biglang ayaw kaming titigan ni mama para sana kausapin lang, kahit mata sa mata para sabihing okay lang siya.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon